Maja Salvador on recoupling with exes: “Depende ‘yan siyempre sa mga nangyari sa past.”

Maja Salvador is thankful that she got nominated as Teleserye Actress of the Year in The PEP List for her performance in The Legal Wife. She says, “Alam niyo, ma-nominate lang ako, sobrang masaya na ‘ko kasi, at least, na-recognize niyo yung mga ginagawa ko, so thank you.”


“Depende ‘yan siyempre sa mga nangyari sa past.”

Ito ang tugon ni Maja Salvador, 26, nang tanungin kung sino sa mga ex-boyfriend niya ang kanyang pipiliing makabalikan.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa cast party ng premiere ng pinagbibidahan niyang pelikulang You’re Still The One noong May 26.

Ang You’re Still The One ay tungkol kay Elise (Maja) at Jojo (Dennis Trillo) na naudlot ang relasyon noong high school dahil nagkahiwalay sila.

Makalipas ang ilang taon, babalik sila sa isa’t isa, subalit hindi na sila puwedeng maging magkarelasyon dahil committed na sila sa iba.

Saad pa ng Kapamilya actress, “And then sa situation, ‘yon naman, 'di natin masasabi.”

Pero paano nga kung mayroon siyang ex-boyfriend na gustong makipagbalikan sa kanya?

Sabi ni Maja, “Ay, hindi ko masasagot ‘yan, e.

"Pero sa [experience] ko kasi, parang never pa ‘kong… wala pang nangyari sa ‘king ganun.

“So, di ‘ba, mahirap sagutin, [kaya] hanggang pelikula na lang muna siya.”

Kahihiwalay lamang ni Maja sa boyfriend niyang si Gerald Anderson, 26, nitong March.

Read: Maja Salvador speaks up about breakup with Gerald Anderson for the first time

Bago ito, nagkaroon din ng relasyon si Maja sa aktor at car racer na si Matteo Guidicelli noong 2011, pero nagkahiwalay sila noong 2012.

Read: Maja Salvador confirms breakup with Matteo Guidicelli


WORKING WITH DENNIS AND RICHARD. Samantala, dream come true raw para kay Maja ang makatrabaho ang Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Sobrang saya, sobrang ‘di ko [ini-expect], parang... ‘di ba?

“Dream come true sa ‘kin dahil pangarap ko lang siyang makatrabaho and he’s from the other network, ‘di ba?

“Tapos nabigyan kami ng chance to work together.

“So, nakakatuwa na parang nabigyan ng chance at, ito na nga, meron nang resulta.

“Sobrang happy ako sa kinalabasan ng pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahinga naman daw nang maluwag si Maja nang makita niya ang kinalabasan ng mga eksena nila ni Richard Yap, 48, partikular na ang intimate scenes nila.

“Nakahinga na ‘ko kung ano man yung mga napanood niyo.

“So, parang nakakatuwa na tinanggap din ni Mr. Richard Yap ‘tong pelikula na, ‘di ba, alam mong busy din siya sa schedule niya.

“And ‘yon, sobrang salamat talaga na napagbigyan niya."

Inamin naman ni Maja naging awkward sila ni Richard sa kanilang mga kissing scene, pero naitawid nila ito nang maayos bilang nagkatrabaho na sila noon sa My Binondo Girl.

Gumanap si Maja noon bilang si Amber, ang executive assistant ni Papa Chen na ginampanan naman ni Richard.

“Merong awkward stage yung siyempre may kissing scene, ‘di ba?

“Siyempre parang insip ko, kunyari ako si Mama Chen, ‘di ba?” sabi ng aktres.


PEP LIST NOMINATION. Lubos naman ang pasasalamat ni Maja nang malaman niyang nominado siya sa The PEP List Year 2.

Kabilang si Maja sa mga nominado sa Teleserye Actress of the Year para sa pagganap niya sa The Legal Wife. Nominado rin ang kanilang palabas bilang Primetime Series of the Year.

Pahayag ni Maja, “Thank you, of course, sa PEP kasi palaging sinusuportahan, ‘di ba?

“Yung mga ginagawa namin, super thank you, thank you sa pag-appreciate ng show po namin.”

Dagdag pa niya, “Alam niyo, ma-nominate lang ako, sobrang masaya na ‘ko kasi, at least, na-recognize niyo yung mga ginagawa ko.

"So, thank you."

Gaganapin ang awards night ng The PEP List Year 2 sa Solaire Resort and Casino sa June 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN