Gabbi Garcia on Let the Love Begin being pitted against Pangako Sa ‘Yo: “The pressure is not pulling us down.”

While Gabbi Garcia admits there is pressure that GMA Network’s Let The Love Begin is now being pitted against ABS-CBN’s Pangako Sa ‘Yo, the Kapuso young actress says they focus on what their teleserye aims to achieve. “Our goal is to make our fans happy and we’re doing it naman,” relates Gabbi.


Aminado si Gabbi Garcia na matindi ang pressure ngayong ang katapat na ng programa nila ni Ruru Madrid sa GMA Network, ang Let the Love Begin, ay ang primetime series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sabi ng Kapuso young actress, “Siyempre the pressure is there. Lagi, always.

"Kung yung hindi pa nga namin alam na Pangako [ang katapat], pressured na kami ni Ruru, especially now.

“But I think the pressure is not pulling us down.

"Basta kami, we’re doing our best, kung ano man yung nasa puso namin na pag-arte, aarte kami.

"And it’s a happy set, we’re happy, we’re just gonna do our job.

“Our goal is to make our fans happy and we’re doing it naman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi ngayong Huwebes ng hapon, May 28, nang bumisita ang young actress Summit Media office kasama ang InstaDad co-stars niyang sina Ashley Ortega at Jazz Ocampo.


RESPECT FOR KATHNIEL. Sinabi rin ni Gabbi na mataas ang respeto ng loveteam nila ni Ruru (GabRu) sa loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).

“We respect KathNiel, grabe ang loveteam nila, hands down.

“Siguro it’s a challenge and it’s a learning experience also."

Ano naman ang masasabi niya sa pagtatapat sa kani-kanilang team-up?

Ayon kay Gabbi, “Hindi ko naman siya tini-take nang masama… na kami ang katapat nila.

“It’s fun din, it’s a new experience, it’s a challenge.

"And it’s an honor na pinagkatiwalaan kami ni Ruru ng GMA na kami yung ilagay sa timeslot na 'yon."

Maging ang buong cast umano ng Let The Love Begin ay nagkakaisa na gawin ang kanilang makakaya sa trabaho kesa mag-focus sa kumpetisyon.

“We pray. Direk Gina [Alajar] is very religious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every Monday, we do this prayer in the morning, magri-readings kami sa Bible verses, everyone [of us].

"Malakas naman yung kapit namin.

“Basta kami, ang center ng work namin is God, yung hearts namin.

“Ginagawa lang namin yung best. We just work and we just focus on that.”


FRIENDS WITH KATHRYN. Ibinahagi rin ni Gabbi na childhood friends pala sila ni Kathryn.

Kuwento ng 17-year-old actress, “Kath is my childhood friend.

“The last time I saw her was in the debut [of Julia Barretto].

“Pero before that, nagkasabay pa kami sa isang shoot, so talagang tsikahan kami.

“Hindi namin alam na kami pala ang magkakatapat!

“Pero we’re okay naman.

"Active kami sa Instagram. Meron ngang isa akong photo na ni-like ni Kath nung isang araw lang.

“Yung mga fans were like, ‘Uy, o! Nag-i-interact yung dalawang magkatapat!’ Parang ang galing din.

“At least alam nila na kami ni Kath, we’re friends. We follow each other sa Instagram.

“There’s no rivalry between us.

"Siguro ang gumagawa na lang dun ang viewers and we respect them because we can’t avoid that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN