Vice Ganda brushes aside Jake Cuenca’s walkout on GGV: “Hindi naman yun kawalan.”

Vice Ganda is still reeling over the success of his concert at Araneta Coliseum. He says, "Record-breaking! Sobrang nakakatuwa... napuno talaga siya."


“Wala, wala akong reaksiyon.”

Ito ang sagot ni Vice Ganda nang tanungin tungkol sa pagwu-walkout ni Jake Cuenca sa guesting nito dapat sa Gandang Gabi Vice.

Read: Jake Cuenca admits to walking out on Gandang Gabi Vice taping

Sabi pa ng Kapamilya comedian-TV host, “Trip niyang mag-walkout, e, di mag-walkout siya.

“Hindi naman ako affected.”

Wala raw isyu kay Vice ang ginawa ni Jake.

“Hindi ako nainis kasi kung trip niyang mag-walk out, e, di 'wag.

“Hindi naman yun makakasira sa show ko, hindi naman yun kawalan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice sa studio ng It's Showtime noong Miyerkules, May 27.

Matatandaang nag-walkout si Jake sa taping ng Gandang Gabi Vice kamakailan nang makita niyang nasa audience ang kanyang ex-girlfriend na si Chanel Olive Thomas, kasama ang iba pang mga kandidata ng Miss Earth Philippines 2015.

Sa hiwalay na interview kay Jake ay sinabi nitong humingi siya ng dispensa kay Vice, at naiiintindihan naman daw ng GGV host ang kanyang sitwasyon.

Ayon naman kay Vice, hindi pa sila nagkakausap ni Jake, pero nag-text na raw ito sa kanya.

“Nag-text siya sa akin siguro after a few days, after a week kung puwede akong makausap.

“Hindi ko naman mae-entertain dahil busy na ako sa concert.

"Saka sabi ko, wala namang dapat pag-usapan, hindi naman ako na-affect sa pagwu-walkout niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN