Gelli de Belen on sister Janice being linked to Gerald-Maja breakup: “I found it so unfair to my sister.”

Gelli de Belen on possibility of her sister Janice falling for a much younger guy: "Sa lahat ng pinagdaanan ng kapatid ko, hindi na ako masa-shock. Pero kailangan lang, kung sinuman ang mamahalin niya, totoong mamahalin siya. At mamahalin ang mga anak niya. Yun lang. Kung saan magiging maligaya si Janice, kung saan magiging maayos ang buhay niya, go!”


“I found it so unfair to my sister.”

Ito ang reaksiyon ni Gelli de Belen sa balitang nag-uugnay sa kanyang ate na si Janice de Belen sa breakup ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Pinabulaanan na ito nina Janice, Gerald, at Maja sa magkakahiwalay na interviews.

Biro pa ni Gelli sa pagkakadawit ng pangalan ni Janice sa isyu: “In another light, aba, may asim pa si Sis, ‘di ba?”

Pero seryoso niyang dagdag, “Pero I found it so unfair na isinali siya dun.

"I found it so malicious for somebody like Janice de Belen na isali sa ganun."

Tinanong ba niya si Janice tungkol dito?

Sagot ni Gelli, “Alam kong wala, hindi ko na tinanong.

“I know that they are close. Pero yung issue, siya ang dahilan?

"Ang taray! Wala na 'kong masabi! Parang, 'Ano ba?!'

"Respetuhin niyo naman si Janice de Belen sa lahat ng pinagdaanan niya.

“Pero on a lighter note, may asim pa! Pero that’s not how we should see it.

"Ano ba kayo, wala na ba kayong maisip, ‘di ba?

"Kanino ba nanggaling yun? Kaloka, ‘no!”

Paano kung sakaling isang araw ay malaman niyang na-in love talaga si Janice sa isang batambatang lalaki?

Sabi ni Gelli, “Sa lahat ng pinagdaanan ng kapatid ko, hindi na ako masa-shock.

"Pero kailangan lang, kung sinuman ang mamahalin niya, totoong mamahalin siya.

"At mamahalin ang mga anak niya. Yun lang.

“Kung saan magiging maligaya si Janice, kung saan magiging maayos ang buhay niya, go!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng bagong Sunday variety-game show ng TV5, ang Happy Truck Ng Bayan, noong Miyerkules, May 27.


GROWN CHILDREN. Noong May 25 ay nagdiwang ng kanyang 42nd birthday si Gelli.

Pero buong araw ay nasa eroplano lang sila pabalik ng Pilipinas mula sa tatlong linggong bakasyon nilang mag-anak sa Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong May 26 ng umaga na raw nakalapag sa Manila ang kanilang eroplanong sinasakyan.

Kapag birthday niya, may mga gimik o pakulo pa rin ba ang mister niyang si Ariel Rivera?

Sabi ni Gelli, “Wala, basta ako, masaya ako basta kasama ko sila.

"Hindi na katulad noong bagets. E, ngayon, kapag kasama mo ang anak mo, okey na."

Binata na ang mga anak niyang sina Julio at Joaquin. Kumusta naman?

“Siyempre, nandiyan na ang mga issues na, binata na.

"May mga ka-text, pero wala pa namang girlfriend," sabi ni Gelli.

Paano kung magkaroon na ng girlfriend ang mga anak nila, okey sa kanila?

“Hindi ko naman siyempre sila mapipigilan. Pero ang ina-advice ko sa kanila, please take it slow.

"Ganoon talaga, e. Wala naman akong magagawa.”

Istrikto ba sila ni Ariel?

Ayon kay Gelli, “He’s more... depende sa arena.

"Ako ang tagatutok pagdating sa pag-aaral, homeworks, ganyan.

"Si Ariel pagdating sa mga big decisions, sports... si Ariel yun.

"So, depende sa topic."

Sa ngayon, hindi raw nakikita ni Gelli na susunod sa yapak nila ni Ariel ang kanilang mga anak.

“Wala silang hilig, e,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN