Ogie Alcasid insists he has nothing to do with Janno Gibbs’s move to TV5; says wife Regine Velasquez is "very happy" with GMA

In case his wife Regine Velasquez has to choose between TV5 and GMA, Ogie Alcasid advises, "Mag-fast siya. When we fast, it’s easier for us to think things over... but rest assured, she’ll be praying for God’s will.”


Pinaninindigan ni Ogie Alcasid na wala siyang kinalaman sa paglipat ng kaibigan niyang si Janno Gibbs mula sa TV5.

Natatawang sabi ni Ogie, “Wala akong kinalaman dun!

“It’s not a lie. Nagulat ako, to be honest.

"Di ba, sinabi ko sa ‘yo, tumawag na lang siya sa akin, 'P're, nabalitaan mo na?’

“‘Oo nga, e. Happy nga ako.’

"And we only met once.

“Nag-meeting kami for this, pero hindi na kami nagkita ulit.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang Happy Truck Ng Bayan, ang unang show na pagsasamahan nila ni Janno ngayong pareho na silang nasa TV5.

Dating magkasama sina Ogie at Janno sa musical-variety shows ng GMA Network na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa press conference ng Happy Truck Ng Bayan noong Miyerkules ng gabi, May 27, sa Max’s Restaurant, sa Quezon City.

Hindi nakadalo si Janno sa presscon dahil nagkaroon daw ito ng LBM (loose bowel movement) at kinailangang dalhin sa hospital.


NOT HIS IDEA. Kilala si Janno sa palaging late nito sa mga lakad o maging sa kanyang commitments. Biniro ba ni Ogie si Janno na huwag nang mali-late?

Sabi ng singer-songwriter, “Wala nang ganun, hindi na kami naggaganunan, matanda na kami.”

Siya ba ang nag-suggest sa TV5 management na makasama si Janno sa Happy Truck Ng Bayan?

Ayon kay Ogie, “Hindi rin... you know, si Ma’am Wilma [Galvante], noong inisip niya ang SOP, era 1997 yata yun, siya ang nag-isip nun.

“Janno, Ogie... originally, Cacai [Mitra] and Vina Morales, siya ang nag-isip niyan.

“At ngayong pinagsama niya ulit kami, siya ulit ‘yan.”

Totoo bang magkakaroon sila ng isa pang show na silang dalawa lang?

Sabi ni Ogie, “Maybe... I don’t know what his contract says, e.

"Kung puwede siyang gumawa ng isa pa, e, di maganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SAS. Nang lumipat si Ogie sa TV5 noon, sinabi niyang hindi siya tatanggap ng programa na magiging katapat ng iniwan niyang show sa GMA, ang Sunday All Stars.

Bagamat tuwing Linggo rin ang Happy Truck Ng Bayan ay hindi naman ito direktang makakatapat ng SAS.

Kung nagkataong magkatapat ng timeslot ang dalawang programa, posible bang hindi niya tatanggapin ang Happy Truck Ng Bayan?

Sagot ni Ogie, “Maaaring hindi...

"Magkaiba naman kasi siya ng concept. More on a game show talaga si Happy Truck.

"At katulad ng sinabi ko kanina, alam naman natin na ang TV5, hindi pa natin naa-achieve ang goal natin, so unti-unti."

Dagdag pa niya, “Tinanong din nila ako, 'Lilipat ka ba?'

"Sana hindi ako palipatin. I’d like to stay here.

"I’d like to help pa rin. Sana tuluy-tuloy pa rin."


REGINE’S CHOICE. Ang sumunod na tanong kay Ogie ay maiimpluwensiyahan din kaya niya ang misis na si Regine Velasquez na lumipat ng TV5.

Nananatiling nasa Kapuso network si Regine.

Sabi ni Ogie, “Hindi ko alam… kasi she’s very happy with GMA.

“I don’t know her future plans, hindi naman ako nakikialam diyan.

“She tells me sometimes bits and pieces but, ultimately, I told her, before you do any plans, sabi ko, mag-fast siya.

“As you know, when we fast, it’s easier for us to think things over.

“I don’t know what she’s going to do, but rest assured, she’ll be praying for God’s will.”


HAPPY WITH GMA. Dahil nabanggit ni Ogie ang tungkol sa pagdedesisyon, ibig bang sabihin nito ay tapos na ang kontrata ni Regine sa GMA?

Sabi niya, “Ang alam ko, malapit na, e. But you have to confirm it with her.

"But like I’ve said, she’s very happy. She’s very, very happy with GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may posibilidad na lumipat din si Regine sa TV5 para magkasama sila ulit?

“I don’t know, I don’t think so,” sagot ni Ogie.

Pero napag-uusapan ba nilang mag-asawa ang tungkol dito?

“We do talk about it, but I don’t influence her decision, you know.

“Regine became a Regine Velasquez based on her decision.

“Desisyon na niya ‘yan, diskarte na niya.

"I’m not a manager, I’m only her husband.

“We’re married, siyempre isang bubungan namin, but the truth is, hindi naman kami nakikialam sa diskarte namin.

“All I know, my wife is dedicated to be the best mother and wife that she could be.

“And I think, that makes her happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN