Gelli de Belen happy to be reunited with Janno Gibbs on TV5

Gelli de Belen on staying with TV5: "TV5 with baby steps is trying to… we try to find our own. Instead of following the path of ABS-CBN and GMA or any other stations. And kami, bilang mga talents ng TV5, we’re very supportive naman. Hindi naman lahat ‘yan nangyayari overnight. So, slowly and hopefully eventually, madali na.”


Labis na ikinatutuwa ni Gelli de Belen ang muling pagsasama nilang tatlo nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa isang network at programa.

Si Janno ang pinakahuli sa kanilang tatlo na lumipat sa TV5 mula sa GMA Network, kung saan nagkasama sila sa mga sitcom tulad ng Ober da Bakod at Nuts Entertainment.

Sabi ni Gelli tungkol sa paglipat ni Janno sa TV5, “Siyempre natuwa ako, makakasama ko ulit siya.

“After a long time, ang tagal ko nang hindi nakikita.

“Ang huling pagsasama namin yung Nuts Entertainment pa, kaya excited akong makasama ulit si Janno.”

Ngayong nasa TV5 na silang tatlo, magkakasama sila sa bagong variety-game show na Happy Truck ng Bayan, na magsisimula ng mapanood sa June 14.

Ginanap ang presscon ng nasabing programa noong May 27 ngunit hindi nakadalo si Janno dahil nagkaroon daw ng LBM at kinailangang dalhin sa ospital.

Natatawang sabi ni Gelli, “Mas masaya kung nandidiyan siya. Pagbigyan na natin, talagang nag-e-LBM naman ang lolo!”

Bulalas pa ni Gelli tungkol sa pagsasama nilang muli nina Janno at Ogie, “Ang saya lang!

“Siguro, ang makakaintindi nun, yung mga naabutan kami na magkakasama kami at sana ma-appreciate ng mga tao.”

SUNDAY SHOW. Hangga’t maaari, ang Linggo ay family day para kay Gelli.

Pero hindi ito naging hadlang para tanggapin niya ang Happy Truck ng Bayan, na eere tuwing Linggo.

Lahad ni Gelli, "Actually, masaya siya. Nagpunta kami sa Tondo, that’s our first barangay.

“We have 250 participants in each barangay in Tondo.

“Yung 250 na yun, may makukuha na [gift or prize].

“It can be something as small as a t-shirt or as high as P300,000.”

Okey lang daw sa kanila na sa halip na ang mga manonood ang pupunta sa kanila sa studio para manood, sila ang pupunta sa mga mga barangay.

“Ayan na nga, alam naming mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully it does well kasi ang saya niya, e," sabi ni Gelli.

Umaasa si Gelli na magki-click ang bago nilang programa, lalo pa nga’t ilang Sunday variety shows na rin ang sinubukan ng Kapatid network noon.

“We’re hopeful. Positive naman, mukhang masaya naman kasi siya. So, hopefully, sana.”

Bagamat marami silang magkakasama sa Happy Truck ng Bayan, sila nina Ogie, Janno, Derek Ramsay, Mariel Padilla, at Jasmine Curtis-Smith ang main hosts.


HAPPY. Sa TV5, may mga ilang artista nang umalis, may mga shows nang nawala, at may mga bagong shows na sinusubukan.

Mananatiling Kapatid daw si Gelli bilang actress/TV host.

Sabi niya, “TV5 with baby steps is trying to… we try to find our own.

“Instead of following the path of ABS-CBN and GMA or any other stations.

"And kami, bilang mga talents ng TV5, we’re very supportive naman.

“Hindi naman lahat ‘yan nangyayari overnight.

“So, slowly and hopefully eventually, madali na.”

Dagdag pa ni Gelli, “Ako naman, okey naman ako. Masaya naman ako.

“Basta nakakapagtrabaho ako and I get to do a lot of things na hindi ko nagawa noon sa mga pinanggalingan ko.

“Siyempre, masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN