Luis Alandy finds Rhian Ramos “very cool... very beautiful,” but thinks, “Maybe I’m out of her league.”

Expounding on the lesbian theme of his latest teleserye, Luis Alandy says, “It’s not the challenge na gawin siyang babae. It’s having a connection with the person, yun ang pinakaimportante.”


Masaya si Luis Alandy sa natatanggap niya na magagandang feedback mula sa mga manonood The Rich Man’s Daughter.

Gumaganap siya bilang si David na siyang fiancé ni Rhian Ramos, na gumaganap naman bilang Jade.

Sa unang pagtatambal nila ni Rhian, kumusta naman, may connection ba sila?

“Rhian’s very cool,” sabi naman ni Luis.

Natutuwa rin daw siya sa mga sinasabi ng mga manonood sa kanilang dalawa at sa tambalan nila.

“Kapag napapanood nga nila yung mga eksena namin, talagang dalang-dala sila.

“Kasi there’s a connection between Rhian and I na hindi naman namin pino-force.

“Hindi naman kami lumalabas-labas and nagba-bond talaga masyado because of our busy schedules.

“Pero minsan may ganun, e. Hindi ko ma-explain.

“Minsan may something na nagki-click tayo sa scene. Parang ganun yung sa amin ni Rhian.”

May mga nakita ba siyang katangian ng babaeng gusto niya kay Rhian na kung nagkataong wala itong non-showbiz boyfriend, posible siyang ma-in love?

“Kung walang boyfriend si Rhian… she’s very beautiful,” pag-amin ni Luis.

“Pero I don’t know, maybe I’m out of her league,” natawang sabi niya.

“I don’t know, hindi ko alam. That’s hard to answer but Rhian has one of the most prettiest faces.

"She’s very cool to be with… Siguro if may chance talaga or possibility.”

MIXED REACTIONS. Kung mahina-hina ang karakter o pagkaka-interpret ng bidang lalaki sa lesbian-themed na The Rich Man’s Daughter, puwedeng lumaylay ang karakter nito dahil mas nabibigyang-pansin ng manonood ang love story ng dalawang babaeng nag-iibigan.

Kaya nang makausap si Luis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA network nung Huwebes, May 28, kinumusta namin yung mga feedback o mga komentong natatanggap niya simula nang ipalabas na nga ang The Rich Man’s Daughter.

“Mixed, e,” lahad niya.

“Yung iba, nagpapasalamat dahil nag-let go ako. Yung iba naman, galit na galit dahil pinagpipilitan ko yung sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They’re really mixed reactions right now... the tweets, Facebook, even sa Instagram ko, yung mga comments nila.

“Parang ang hirap sumagot ng supportive ka lang sa positive, hindi, e.

“Kailangan equal, e. Maganda yung binabasa mo yung negative din para alam mo kung ano yung reaction.

“Minsan, sasabihin ng iba, nagagalit sila dahil apektado raw sila sa nangyari.

“Hindi yung galit sila sa akin as a person, more kay David, sa character.”

Sa istorya, ang totoong mahal ni Jade ay si Althea na ginagampanan ni Glaiza de Castro.

Sa takbo na nga ng kuwento ay nadiskubre na ng karakter ni Luis ang relasyon ng dalawa.

Masasabi bang kilala na niya talaga ang ginagampanang karakter ngayon?

“Well, habang binabasa ko yung script na nagawa… parang nari-realize niya ngayon na mahal niya talaga si Jade.

“Parang more than just being someone na yung set-up na marriage and relationship.

“It’s not just because sinabi sa kanya… kasi sa una kailangang magpakitang gilas siya sa mga Tanchingco Family.

“Hindi ganun, parang I’m gonna do something on my own to prove I’m worth Jade’s love.

“Pero siyempre, nandoon yung Althea na story na nagkakaroon ng conflict.”

BE TRUTHFUL. Sa totoong buhay, kung sakali lang na napasok siya sa ganoong situwasyon, ganundin kaya ang magiging reaksiyon niya?

“Ako as Luis, of course, kailangan mong malaman yung truth behind everything and then, you base it on that.

“Hindi naman maganda yung basta maging impulsive ka lang na sasabihin mo na ‘Oo, tatanggapin ko,’ pero deep inside, hindi."

“Ang hirap nun,” saad niya. “It will haunt you in the long run, so know the truth talaga.

“Yun ang pinakaimportante and then, you base it on that.

“Think about it kung kaya mo talaga.”

Iba-iba ang nagiging perception ng manonood, lalo na ng netizens sa serye nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, may mga nagsasabi na mas natsa-challenge daw ang mga lalaki na magawang babae talaga ang isang tomboy.

Ganun din ba ang dating sa kanya ng lesbian?

“Hindi, e,” ang mabilis na sagot ni Luis.

“Sa akin, it’s not the challenge na gawin siyang babae. It’s having a connection with the person, yun ang pinakaimportante.

“Siguro hindi ako yung ganung type ng lalaki na parang natsa-challenge ako, hindi, e.

“Para sa akin, I want to have a certain connection na, I want to be with you, parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN