Jasmine Curtis-Smith on moving on after breakup with Sam Concepcion: "It’s a process."

“Gets ko siya,” opens up Jasmine Curtis-Smith about sister Anne Curtis’s overprotectiveness. Not that her sister knows best, “God knows best. You know best, nararamdaman mo ‘yan, e.”


Mula nang pumutok ang balita tungkol sa breakup nina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion, madalas nang makasama ng TV5 star sa mga lakad ang kapatid niyang si Anne Curtis.

Malaking bahagi ba ng pagmu-move on ni Jasmine ang kanyang kapatid?

Paglilinaw ng Kapatid actress, “Hindi, ano lang, we’re making up for the time that we weren’t able…

“Siguro, subconsciously, ganun na rin ang intensiyon niya, para I can see a different aspect of life also.

“Especially now na magka-level na kami ng maturity, nakakasabay ko na ang mature persona niya.

“Kasi before, siyempre teenager, naïve.

"Ngayon, medyo natututo na ako sa life."

Kumusta na ba ang lagay ng puso niya ngayon?

“It’s busy,” nakangiti niyang sagot.

Naka-lock na ba ang puso niya?

“Wala naman akong susi, at saka ang puso, hindi ‘yan nila-lock!” natatawang sabi ni Jasmine.

Nakabukas lang palagi ang puso niya?

“Basta busy ako.

"Kapag ang puso mo, na-channel sa tamang category, trabaho, lalaki, pamilya... happy ‘yan, busy ‘yan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang show sa TV5, ang Happy Truck Ng Bayan, noong May 27.


MUM. Ginagawang magaan ni Jasmine ang pag-iwas sa ilang isyu.

Tulad na lang nang tanungin namin kung totoong umiyak siya nang magkita sila ni Sam sa isang event, pero hindi raw siya pinansin nito.

“Ikaw naman, huwag na nating pag-usapan ‘yan!” natatawang pag-iwas niya.

Pero sabi namin kay Jasmine, nasusulat kasi ang tungkol dun.

“Oo nga, e, di masulat siya!” natatawang pag-iwas pa rin niya.

Pero paglilinaw niya, “May sakit kasi ako nun. Nagsuka ako kasi.

“Parang na-food poison ako nun, pero hindi ako sure kung food poison siya.

"Ang dami kong nagawa noong araw na yun.”

Pero ano ang sagot niya sa isyung pang-iisnab diumano sa kanya ni Sam?

“Siyempre, ano naman po, parte yun ng buhay. Ayoko lang kasing palakihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, iisipin ng mga tao na hanggang ngayon, pinapalaki ko… ginagamit ko yun para sa advantage ko.

“Anong klaseng tao po ba ako para gamitin ang ibang tao, para sumikat or ma-attach sa ibang pangalan?

“Sabi ko nga, yung exposure, kung ‘yan lang ang habol mo sa trabaho mo, baka hindi tama yung tingin mo sa trabaho mo.

“Baka dapat sa ibang craft ka pumunta, kasi you’re here to love your work and to do it properly.

“Nandito ka lang para pumunta sa TV all the time, e, alam mo yun?”

Healed na ba siya o nasa healing process pa rin siya ngayon pagkatapos ng breakup nila ni Sam?

“It’s a process,” nakangiting sagot ni Jasmine.

Natatawang sabi pa niya, “Ayoko na talagang sagutin ‘yan, alam mo naman ang mga tao!”

BASHERS. Kagaya ng karamihan ng mga artista, hindi ligtas si Jasmine sa pambabatikos o panlalait ng mga bashers.

Pero sa tinagal-tagal na rin niya sa showbiz, hindi na raw masyadong apektado si Jasmine sa mga ganitong bagay.

Sabi niya, “Wala po, you don’t have to feel affected.

"Ganun naman, ke may isyu o wala, meron naman po talagang magsasalita ng ganun tungkol sa ‘yo."

Sanay na siya sa bashers?

“Hindi po, hindi pa rin ako sanay!” natawang sabi ng 21-year-old actress.

“Ako po kasi, gusto kong mabasa yung mga ganun para alam ko kung paano nila nakikita yung ganun.”

Hindi siya napipikon?

“Minsan, may pikon factor. Pero ang ginagawa ko na lang, humihinga, nagdarasal.”

Pero iba na raw kapag ang bina-bash ay ang kanyang pamilya.

Sabi ni Jasmine, “Kasi nilait na rin nila pati mommy ko, that’s stooping too low.

“Kung lalaitin niyo ako, ako na lang. Hindi na kailangan yung nanay ko, tatay ko.”

May pinatulan na rin daw siyang basher dati, pero hindi na niya matandaan kung tungkol saan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Ako po, pinapaintindi ko lang sa kanila ang mga bagay kung bakit hindi kailangang masabi yun.”


ATE TO THE RESCUE. Napag-usapan ang tungkol sa bashers nang umiwas si Jasmine na sagutin ang mga tanong ng PEP tungkol sa ex-boyfriend niyang si Sam.

Sinabi ni Jasmine na ang ate niyang si Anne ang sumasagot minsan sa mga nangba-bash sa kanya.

“Minsan, si Ate ko, kapag alam niyang hindi ko na kaya.

“Hindi naman sa nagsusumbong, minsan tinatanong ko lang, ‘Ate, paano ba ‘to, ganito-ganyan.’

"Sasabihin niya, ‘Huwag mo na lang pansinin.’

“Pero kapag hindi ko na siya nire-replay-an, alam na niya, affected na 'ko.

“O siya mismo... napipikon na rin siya kapag nakikita niyang sobra na ang tira, sagad na ang pagba-bash.”

Protective lang ba ang ate niya o overprotective na rin ito sa kanya?

Sabi ni Jasmine, “Sa ibang tao, over.

"Pero ako kasi, nasanay na ako na ganyan si Ate.

“Before pa akong mag-artista, ganyan na si Ate.

"And noong dati, parang, 'Ano ba!' Parang mapapaganun ka lang.

“Pero ngayon, 'A, okay!' kasi gets ko siya.

“Ako rin naman, kasi yung little brother ko at yung little sister namin…

“Iniisip ko, 'Paano kung may ganun na sitwasyon?'

"Iniisip ko, 'Siguro ako rin, awayin kita.'

“Gusto ko, nasa magandang bubble lang sila, maganda lang, guwapo lang sila.”


WHAT’S BEST. Pagkatapos ng lahat, masasabi ba ni Jasmine na "sister knows best"?

“No,” mabilis niyang sagot.

“God knows best. You know best, nararamdaman mo ‘yan, e.

“Kung ang mga tao sa paligid mo—nanay mo, tatay mo, ate mo, kuya mo—may sarili silang mundo, opinyon, hugot ba kung yun ang payo nila?

“Pero ikaw, mararamdaman mo kung kapag ginawa ko ‘to, 'Ire-regret ko ba?'

“Si Ate, kahit anong sabihin niya, sasabihin din niya na, 'Matanda ka na, alam mo na ‘yan.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating sa lovelife, hindi rin ba niya masasabing 'sister knows best'?

Sabi ni Jasmine, “May sarili siyang world. May sarili akong world.

"Hindi niya ako ever pinakialaman dun.

“At saka, lagi siyang ‘Alam mo na ‘yan,’ kahit na ‘Ate, ano ba, hindi ko alam talaga.’

"Palagi siyang, ‘Malalaman mo rin ‘yan.’”

Nagbibigay ba ng mga advice sa kanya si Anne?

“Kapag nanghingi ako.

“Hindi siya yung kusa na ‘eto dapat. Hihintayin niya na kailanganin ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN