Tuesday Vargas keeps hopes up for a baby with hubby Coy Placido after five years of marriage: “Try pa rin nang try habang kaya namin.”

As much as she wants to have a baby, the doctor’s prescription to have a second honeymoon presents conflict. “Mababaliw ako kapag wala akong trabahong pinagkakaabalahan,” says Tuesday Vargas.


Hindi pa rin sumusuko ang Kapatid comedienne and TV host na si Tuesday Vargas sa hangad nitong magkaka-baby na sila ng kanyang mister na si Coy Placido.

Maglilimang-taon na ngang kasal si Tuesday at Coy pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng baby.

Inamin nga ng komedyante nang makapanayam namin siya sa press launch ng Happy Truck Ng Bayan ng TV5 noong nakaraang May 27 sa Max’s Restaurant sa Quezon City na lahat na raw ng paraan para mabuntis siya ay ginawa na nilang mag-asawa.

“Feeling ko nga, lahat na nang puwedeng ways na mabuntis ako ay nagawa na namin.

“Kung sana nag-work ang mga iyon sa amin, ang dami na siguro naming anak.

“Pero wala pa rin. Hindi pa kami bine-bless ni Lord, but we are not losing hope naman. Try pa rin nang try habang kaya namin.

“Right now, naghahanap pa kami ng ibang ways. In terms of medication, I will be trying yung holistic naman.

"Yung mas natural na dating, but this time hindi na kami masyadong magpipilit ng mister ko.

"The more na nagta-try kami masyado, lalong walang mabubuo, kaya easy-easy na lang muna kami.”

TEEN SON. Kaya nga raw gusto nang magka-baby ni Tuesday dahil teenager na ang anak niya sa una niyang boyfriend.

“Thirteen years old na kasi si Kaya. Hindi ko na puwedeng i-baby ang anak ko dahil nagbibinata na.

“So far, wala pa namang topak ang anak ko, hindi pa naman siya yung nagrerebelde.

"Hintayin kong mag-fifteen years old siya at baka doon ako mapraning!” sabay tawa niya.

“Siyempre, hinahanda ko na ang sarili ko sa ganyan.

"Alam ko na kapag naging adolescent na ang isang bata, marami nang mababago.

“Darating ang time na hindi ko na ‘yan masasama at may sarili na ‘yang barkada, magkakaroon na ng mga crushes ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hiling ko lang sa anak ko, kapag naglambing ako sa kanya, pagbibigyan niya ako, hindi yung parang mahihiya siya.

“Sa ngayon, okey pa kami. Mama’s boy pa rin siya.

“Kaya nga gusto kong may bago ng baby sa bahay para may mabe-baby ako.

“Nami-miss ko na rin kasi ang amoy ng isang sanggol, e.

“'Tsaka yung iyak ng isang baby, matagal ko nang hindi naririnig iyon.

"Iyak na lang ng ibang tao ang naririnig ko!” malakas na tawa pa niya.

DOCTOR’S ADVICE. Isang abiso nga ng doktor ni Tuesday para mabuntis ito ay ang magbawas siya ng kanyang trabahong nakakadala sa kanyang katawan ng stress.

“Pinagse-second honeymoon nga sila para mas relax at hindi pagod ang katawan at isipan nilang mag-asawa.

“Yung nga ang medyo nagiging problema. Hindi ako makahinde sa mga trabaho.

“Tulad ngayon, sinama ako ng TV5 sa Happy Truck Ng Bayan na every Sunday at sa kunsaan-saang lugar kami magsu-show ng mga Kapatid stars.

“Aside nga diyan, meron pa akong Tropa Mo Ko Unli at may iba pa akong mga raket.

“Like next month, mag-start na akong magdirek.

“Sa 30th anniversary ng UP Samaskom Live AIDS, ako ang magiging over-all director.

"Mag-start na kami ng rehearsal para diyan.

“Ako pa naman, hindi ako puwedeng walang ginagawa. Hanap ko talaga ang magtrabaho.

“Kaya kong magbakasyon siguro mga one week or two weeks the most.

"Mababaliw ako kapag wala akong trabahong pinagkakaabalahan.

“Feeling ko mas mase-stress ako na walang ginagawa kesa sa busy ako.”

Pero kung kinakailangan nga raw na magsakripisyo si Tuesday para lang mabuntis siya, gagawin naman daw niya iyon.

“Ngayon kasi, bata pa naman ako, I’m only 34. Gusto kong i-grab ang lahat ng mga opportunities na dumarating.

“Bigyan ko ang sarili ko ng two years pa bago ako mag-slow down at magbawas ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“By that time siguro, kung hindi pa ako mabuntis, yun na ang sign na kailangan ko nang sundin ang payo ng doktor ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN