Vic Sotto invites Pauleen Luna’s parents to go with them to Hong Kong

Dahil inimbita ni Vic Sotto ang mga magulang ni Pauleen Luna na sumama sa kanila sa Hong Kong, lumabas ang mga bali-balita ngayong baka magpakasal na sina Vic at Pauleen doon.


Kinumpirma ng StarTalk nitong Sabado, May 30, na inimbitahan ni Vic Sotto ang mga magulang ng kanyang girlfriend na si Pauleen Luna na sumama sa nakatakdang bakasyon ng Eat Bulaga! hosts sa Hong Kong ngayong June.

Ang nasabing out-of-the-country trip ng Dabarkads ay post-birthday treat ng Eat Bulaga big boss na si Tony Tuviera.

Nagdiwang ng kanyang ika-61st birthday si Vic noong April 28.

Samantala, dahil inimbitahan ni Vic ang mga magulang ni Pauleen na sumama sa Hong Kong, lumakas ang ugung-ugong na baka raw magpakasal na sina Vic at Pauleen doon.

Sa panayam ng StarTalk, parehong itinanggi nina Vic at Pauleen ang nasabing bali-balita at idinugtong na bakasyon ito para sa mga host ng Eat Bulaga at post-celebration sa birthday ni Vic.

Nang tanungin naman si Joey de Leon ng kanyang kapwa host sa StarTalk na sina Ricky Lo, Butch Francisco, at Lolit Solis hinggil sa isyu, sagot ni Joey, “Bakasyon ng Eat Bulaga pero hindi ko alam kung masosorpresa kami do'n,” sabay tawa nito.

Malapit na kaibigan ni Vic at isa sa mga host ng noontime show si Joey at kasamang pupunta sa Hong Kong.

Naging makahulugan naman ang idinagdag ni Ricky tungkol sa isyu.

Aniya, “Ang alam ko may nakapagsabi sa akin okey na daw sila [Vic at Pauleen].”

Idinagdag pa niya na kinausap daw ni Vic ang kanyang mga anak nang magpunta sila sa Boracay kamakailan para sa kanyang birthday.

Dugtong ni Ricky, “Meron akong mole do'n sa Boracay. Nag-agree na yung mga anak [ni Vic].”

Ayon pa sa batikang entertainment columnist, balak magpakasal nina Pauleen at Vic bago matapos ang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN