Heart Evangelista on reconciliatory meeting between parents and hubby Sen. Chiz Escudero: “Walang drama naman, e.”

Heart Evangelista describes the reconciliatory meeting between her parents and her husband Sen. Chiz Escudero: “Walang drama naman, e. It was really God’s perfect time, kasi wala nang usap-usap, e. Nagtawanan na lang ’tapos nagkuwentuhan. Like my dad, nilulutuan pa niya si Chiz, nagtuturuan sila ng recipes nila. Nakakatuwa, medyo on Cloud 9 pa ako kasi hindi pa ako makapaniwala sa nangyari.”


Masayang ibinahagi ni Heart Evangelista sa Startalk na naging magaan lang daw ang pagkakaayos sa kanyang magulang lalo na sa kanyang ina, at ang pagtanggap nila sa asawang si Sen. Francis "Chiz" Escudero.

“Actually, very, very light lang siya, tuluy-tuloy na. Yun na yun,” pakli ng Philippine TV’s Sweetheart.

Kuwento pa ni Heart, nang dumating nga raw ang magulang niya nung nakaraang Linggo, nagkakuwentuhan lang daw sila.

Pagkatapos ay ipinaalam niya sa kanyang daddy kung puwede papuntahin na raw niya si Sen. Chiz. Kaagad naman daw silang pumayag dahil ready na raw silang makaharap ang kanilang manugang.

“Walang drama naman, e,” sagot ni Heart nang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nangyari nang nakaharap ni Sen. Chiz ang kanyang biyenan.

Natawa si Heart nang tinanong namin kung “Daddy” at “Mommy” na rin ba ang tawag ni Sen. Chiz sa kanila.

“It was really God’s perfect time, kasi wala nang usap-usap, e. Nagtawanan na lang 'tapos nagkuwentuhan.

“Like my dad, nilulutuan pa niya si Chiz, nagtuturuan sila ng recipes nila.

“Nakakatuwa, medyo on Cloud 9 pa ako kasi hindi pa ako makapaniwala sa nangyari,” napapangiti niyang pahayag nang nakausap namin sa shoot ng bago niyang TV commercial.

ANSWERED PRAYER. Naniniwala si Heart na talagang dininig daw ng Diyos ang kanyang dasal. Iyun lang naman ang ipinagdarasal niya araw-araw.

“Dinaan ko sa dasal.

“Kung iisipin ko naman, ito lang talaga ang nag-iisang problema ko, e.

“Now, wala na akong problema sa buhay.

“Nakakapanibago at masarap na parang nabunutan ako ng tinik, and kailangan perseverance mo, 'ayan nagkatotoo,” pahayag ng Kapuso actress.

“Every day ko siya dinasal, walang-sawa. Kahit pakiramdam ko medyo imposible, kahit hindi sila pumunta sa kasal ko, yung parang narating ko sa point na ang pakiramdam mo, wala nang chance.

“Ever since before, as a little girl, strong yung faith ko na 'pag talagang dinasal mo at hiningi mo na maganda naman ang intensyon mo. Basta malinis naman ang puso mo, bibigay 'yan sa 'yo ng Diyos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap ng pakiramdam na buo ang pamilya,” sabi pa niya.

MOM'S B-DAY. Kahapon ay magkasama raw nilang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang mommy.

Alam daw niyang natuwa ang kanyang ina sa ibinigay nilang birthday gift.

Ani Heart, “Chiz had a card for her.

“My mom also likes this trinket from this store, so binigyan ko lang siya ng trinket.

“Pero nagustuhan niya ang card. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa loob ng card. Hindi ko na binasa.”

REGULAR GET-TOGETHERS. Ngayon ay nabalik na raw ang magandang samahan nilang mag-ina. Madalas daw niyang dinadalaw ang kanyang mommy at daddy sa tahanan nito sa Makati.

“Ngayon parang sulit na sulit yung biyahe papuntang Makati kasi nakatira kami sa Quezon City.

“Kahit traffic, umaalis ako ng bahay ng 9:30 para nandun na ako mag-lunch, 'tapos dinner sama pa rin kami.

“'Tapos, little things, tatawag si Chiz na, 'Ay, pinapasabi ni Ganito, ganyan, ang saya-saya lang,'” masaya niyang kuwento

MUM ON ANGELICA'S DUBSMASH VID. Ayaw na niyang sagutin pa ang isyu nila ni Angelica Panganiban dahil sa ganda ng mga pangyayaring dumating sa buhay niya, ayaw na raw niyang mag-isip ng mga negatibong bagay.

Read: Angelica Panganiban creates "copycat" dubsmash featuring Marian Rivera and Heart Evangelista

“Lahat tayo may sariling pinagdaanan sa buhay. Hindi porke’t artista, perpekto na ang buhay. I think isa ako sa mga examples na madaming pinagdadaanan sa buhay.

“As long as wala kang tinatapakan, wala kang sinasaktan. Gagawin mo lahat para maging mabuti sa ibang tao, lalo na sa pamilya mo.

“Dasal, ibibigay talaga sa inyo ng Diyos yun.

“So hintayin n'yo ang miracle n'yo kasi nangyari na ang sa akin,” saad ng 30-anyos na Kapuso actress.

NOT WORRIED ABOUT BASHERS. Aware siyang may mga nagba-bash pa rin sa kanya, pero ayaw na raw niyang magpaapekto dahil mas marami raw siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos kesa sa harapin ang mga bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, nandiyan ang mga bashers, pero nandiyan din ang mga simpleng taong masaya para sa akin, na hindi ko akalain na nandoon sila,” sagot nito.

“'Pag may binabato sa ‘yo o binabato ka, ang iisipin ko lang is just mahirap maging tahimik, mahirap umiyak sa loob.

“Pero magdarasal ka lang at iiyak mo lang sa Diyos, iba talaga ang bawi ng Diyos.

“So I am so happy,” nakangiting pahayag pa ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN