Vanessa Matsunaga talks about four-year marriage to Pinoy businessman

Vanessa Matsunaga reveals details about her four-year marriage: “I’ve been married for four years already going five. He’s not here at the moment but, yeah, he’s been part of showbiz. He’s a Pinoy. He’s a businessman. He met me when I was modeling already, and he’s respectful towards that.”


Bago pa man nakumpirma ang tungkol sa relasyon nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales ay nauna nang umamin ang kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga na lumalabas ang dalawa.

Kasunod nito ay ang paglabas ng mas maraming sweet photos ng dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vanessa sa nakaraang Uratex event kung saan pinakilala siya bilang isa sa mga bagong brand ambassadors last Thursday, May 28, sa SM Megamall Atrium.

Nagpahayag ng kasiyahan ang modelo tungkol sa relasyon ng kapatid at ng aktres.

“I’m very happy for the both of them.

“My brother is really happy. Daniel has been single for so long and he’s really the person na ano, he’s a good guy, and he loves Erich.

“I really love her, she’s very genuine, she’s very giving, I think their personalities really match.

“Both of them are very generous, you don’t see any selfishness between the two of them and it’s very nice. They are both God-fearing, very fun,” pagmamalaki niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapaunlak ng kahit na anong interviews sina Erich at Daniel tungkol sa relasyon nila.

Pero ayon kay Vanessa, kita naman sa kilos ng dalawa kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa.

“It’s up to them, let’s keep that. They don’t need to say much, you can see the way they treat each other,” saad niya.

GOOD VIBES WITH ERICH. Bago pa man nauwi sa espesyal na relasyon ang samahan nilna Erich at Daniel ay magaan na ang loob ni Vanessa sa girlfriend ng kapatid.

“Yes, I met her before in Star Magic. She was very nice to me. We were sitting in the same table, we clicked right away,” pag-alala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ang ina raw nila ay botong-boto rin kay Erich, na itinuturing nang parte ng kanilang pamilya.

“My Mom loves all of our friends, and she embraces Erich as part of our family already,” dagdag pa niya.

PART OF THE FAMILY. Nang tanungin namin kung ano ang magiging reaksiyon niya kung mauwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa, para kay Vanessa ay pinapaubaya na niya ito sa kapatid at kay Erich.

“I leave that to them na rin but of course I’ll be very happy. She’s very nice and she’s already part of our family,” pahayag ni Vanessa.

STILL WORKING ON HER TAGALOG. Napapanood si Vanessa sa ilang commercials.

Bagamat hindi naman niya isinasara ang oportunidad sa pag-arte, sa ngayon daw ay hindi pa niya nakikita ang sarili na magiging aktres.

“I’m more on the modeling side. I think its easier. Besides, my Tagalog isn't that good pa.

“We’ll see kung kaya. Takot sa Tagalog kasi. I just learned from conversations with friends.

“Sana I can enroll, mas magaling.

“Mahirap at first pero ngayon mas madali lang talaga. Mas naiintindihan ko pero bulol pa rin, para pa ring bata,” natatawa niyang pag-amin.

HAPPILY MARRIED. Ang ikinagulat namin ay ang pag-amin ni Vanessa na apat na taon na pala siyang may-asawa.

Hindi pa raw sila nabibiyayaan ng anak pero excited na raw siyang maging isang ina.

Kuwento ni Vanessa, “I have a husband.

“I've been married for four years already going five.

“He’s not here at the moment but yeah, he’s been part of showbiz.

“He’s a Pinoy. When I first got here, I really loved the Philippines even if some doubted it.

“But after I got married, everybody was like, 'Hey, you really love the Philippines! You married one of us.

“He’s a businessman. He met me when I was modeling already, and he’s respectful towards that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have aso, but if ever we're gonna have kids, we’ll be very happy. Kids are a blessing.

“I love kids. I love babysitting kids even if they're not mine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN