Akihiro Blanco happy with TV5 even if Mark Neumann has been getting big breaks

Akihiro Blanco asserts that he doesn’t mind that Mark Neumann got the starring role in TV5’s Baker King, while he was cast as the kontrabida: “Sa akin wala naman yun. Sobrang happy ako dahil naiba yung role ko. Gusto ko namang mapuntahan yung kotrabida. Gusto ko ’pag nag-acting ako, hindi lang ako mag-stick sa bida.”


Nakakaramdam na ng pressure si Akihiro Blanco sa napipintong banggaan sa ere ng bago nilang show na lalabas ngayong June, ang Happy Truck Ng Bayan ng TV5 at ang ASAP 20 ng ABS-CBN.

Kabilang si Akihiro sa mga young artists ng Kapatid network na mapapanood sa Truck ng Bayan tuwing Linggo ng tanghali, kasabay ng ASAP.

Kakaiba ang konsepto ng Truck ng Bayan kunsaan dadayo ito sa iba't ibang lugar, at ang mismong truck ang magiging stage.

Pero kabado pa rin si Akihiro dahil sa makakatapat nitong show.

Sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya sumalang sa presscon proper ng nasabing game show noong May 27, sa Max’s Restaurant, Quezon City, aniya, “Kasi yung ASAP, sobrang tagal na nung show na 'yan at mataas talaga ang rating.

"So malaki yung pressure sa amin ngayon.

“Pero ang goal naman namin ay yung makatulong kami sa tao. Tutulong kami sa tao dito at para mapasaya namin ang mga tao.

“Ang pinaka-flow kasi ng show, kakanta, sasayaw, maghu-host kami 'tapos may mga games kami dito kung saan mananalo ng premyo yung mga tao.”

Paliwanag pa ni Akihiro, sa halip daw na sila ang puntahan ng audience sa studio, sila raw ang dadayo kasama ang truck sa mga lugar para magbigay kasiyahan at papremyo.



EXCITED WITH HOSTING STINT. Excited na si Akihiro sa show na ito dahil sasabak siya muli sa hosting.

“Bago po ito sa akin kasi yun ang pinaka-weakness ko sa lahat, e. Pero kakayanin naman, mapag-aaralan naman.

“Second time ko na mag-host. Yung una, Game and Go [2012]."

Magta-tatlong taon na sa TV5 si Akihiro mula noong maging isa siya sa top six finalists ng Artista Academy, isang reality-talent search ng istasyon.

Wala namang reklamo si Akihiro sa takbo ng kanyang career. Sa katunayan ay masaya nga raw siya sa kanyang estado ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasi nabigyan naman ako ng mga shows na okey naman din.

“May Baker King ako, Happy Truck saka Tropa Mo 'Ko, may tatlong shows ako sa isang linggo. So happy naman ako.”

Nabigyan ng break si Akihiro sa TV5 nang pagbidahan niya ang fantasy-action project na Robin Dude Istorifik: Pidol's Kuwentong Fantastik noong 2013. Nakadalawang Wattpad Presents din siya.

Naging main support din siya sa Madam Chairman na pinagbidahan ni Sharon Cuneta sa TV5.

Sa larangan naman ng pelikula, nakapareha niya si Mocha Uson sa isang indie film, ang Alaala ng Tag-ulan, at na-nominate sa kategoryang Best Actor sa Cine Filipino Film Festival.

May malaking papel din siya sa indie film na Binhi.



NO COMPLAINTS. Pero ngayon, tila mas focused ang TV5 para pasikatin si Mark Neumann na bida sa seryeng Baker King, kunsaan si Akihiro ang gaganap na kontrabida.

Nakangiting nagbigay ng komento ang tsinitong young actor.

“Sa akin wala naman yun.

“Sobrang happy ako dahil naiba yung role ko. Gusto ko namang mapuntahan yung kotrabida.

“Gusto ko 'pag nag-acting ako, hindi lang ako mag-stick sa bida.

“Yung role ko naman sa Baker King hindi naman talaga kontrabida. Bida-kontrabida, babait naman ako doon. Anak ako nina Sir Yul Servo at Ma'am Jackie Lou Blanco.”

Hindi ba siya disappointed dahil tila iba na ang paborito ngayon ng istasyon?

Paliwanag pa rin niya, “Sa akin, hindi naman ako nadi-disappoint sa mga gano'ng bagay.

“Ako kasi, pagdating sa acting, kahit ano gagawin ko talaga dahil sobrang love ko talaga ang acting.”



GOOD WORDS FOR MARK. May mga nagsasabing mas bagay raw kay Akihiro ang Baker King hindi lang dahil singkit ito gaya ng nagbidang Korean actor sa original version, kundi dahil mahusay din daw ito sa acting kumpara kay Mark.

Halos hindi makapaniwalang sumagot si Akihiro, “Sinong nagsabi niyan?

“Pero kung gano'n, thank you po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mark talaga, aminin natin, dati hindi siya marunong mag-Tagalog. Pero ngayon, mas okey na yung Tagalog niya.

“Siguro kayang-kaya ni Mark yung role.

“Sa akin, wala namang problema kung ako yung support niya doon.

“Nakita ko yung pagiging Michael na pagiging kontrabida niya. Grabe rin yung character niya.

“Saka lahat ng character, walang itatapon doon.

“Parang hindi nga Baker King yung title, e. Kasi lahat nandun, may acting. Lahat may ginagawa.”



NOT COMPETING WITH MARK. Posible bang matalbugan niya sa acting si Mark sa Baker King?

“Hindi ako nangangain [nanapaw]. Pero may mga fans sa Twitter na nagsasabing, 'Uy, kakainin na ni Akihiro sa acting si Mark.'

“Hindi ko iniisip yung mga ganyan. Ang iniisip ko, pagdating ko sa set, gagawin ko yung trabaho ko.

“Hindi ako yung tipong nangangain. Nasa viewers na yun kung ano ang magiging feedback nila.

“Basta ako, gagawin ko lang kung ano ang ibibigay sa akin ng soap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN