Empress Shuck has no plan to marry boyfriend just yet despite pregnancy

by Rose Garcia
Jun 1, 2015
Empress Shuck (in photo, left, with friend Chariz Solomon) is taking a break from television work to focus on her pregnancy. "Tulog muna, rest muna, kain muna," she says.

Isa si Empress Shuck sa celebrities na dumalo sa Summer Pow Wow Playdate noong May 17 sa The Atrium, Enderun College, Mc Kinley Hill, sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang nasabing event ay inorganisa ni Bianca Lapus para sa celebrity moms at kanilang mga anak.

Read: Bianca Lapus organizes playdate for celebrity moms and their kids

Wala pang anak ngayon si Empress dahil kasalukuyan pa lang siyang nagdadalantao sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Vino Guingona.

Paliwanag ng aktres, “Inimbita kasi ako, tapos yun din nga ang question ko, 'Okey lang ba, wala pa akong baby? Baka sobrang ma-OP [out of place] ako.'

"Sabi naman ni Ate Biancs [Bianca Lapus], okey lang daw.

“So, sige, may time naman ako.”

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empress na kausap si Maricel Laxa-Pangilinan, na siyang speaker tungkol sa parenting sa naturang event.

May mga tips bang nakuha si Empress mula kay Maricel ngayong nagdadalantao siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting sagot niya, “Oo, kasi nagka-work na kami dati, bata pa lang ako.

"Ayun, marami siyang in-advice sa akin tungkol sa parenting, sa pagbubuntis.

“Siyempre, alam niyang wala pa akong alam. E, siya, ang dami na niyang alam.

“May pakonti-konting advice, tapos sa talks nila, ang dami kong natutunan.

“At saka, ang galing nilang mag-explain. Madaling matututunan talaga.”


ADMITTING HER PREGNANCY. Ayon kay Empress, natuwa siya sa suportang natanggap niya nang aminin niyang buntis siya noong April.

Read: Empress Schuck opens up about her pregnancy; reveals identity of father of her baby

“Feeling ko, mas maraming positive kesa sa negative.

“May negative pa rin, pero yung iba nga nagtataka, bakit daw umamin ako agad, bakit daw ako umamin, yung ganyan.

“Siguro gusto muna nilang ma-blind item, matsismis muna, yung tatanungin ako kung totoo ba.

"E, medyo inunahan ko na kasi."

Bakit nga ba nagdesisyon siyang umamin agad?

Paliwanag ni Empress, “Nag-meeting kami nila Tita Becky [Aguila, her manager] and GMA, and we decided na mas magiging maganda kung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas maganda nga at tama rin naman ang advice nila.”


NO WEDDING. May plano na ba silang magpakasal ng ama ng magiging anak niya na si Vino Guingona?

Sagot ni Empress, “Siyempre ngayon kasi ang bilis ng pangyayari, 'di ba?

“At ang pagpapakasal, another responsibility na naman ‘yan at hindi naman porke’t may nangyari…

“Kailangan prepared, ayoko ng porke’t nangyari yun, magmamadali na lang. Kailangan nakaplano lahat.

“Although siyempre, wala naman akong ibang gustong makasama kung hindi yung boyfriend ko ngayon.

“In the future, meron talaga, but not right now.

"Focus muna kami sa baby."

Sa ngayon, hindi pa raw nila alam ni Vino kung ano ang gender ng magiging baby nila.

Pero gusto raw sana ni Empress na lalaki ang unang maging anak nila.

“Gusto ko ng pilyo, e!” natawa niyang sabi.


“Pero siyempre, okey lang naman kahit na ano, gusto ko lang siyempre healthy baby siya.”


DISCOMFORT. Magli-limang buwan na ang dinadala ni Empress, pero nagkakaroon pa rin daw siya ng tinatawag na morning sickness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ba, first trimester talaga ang morning sickness?

“Nagkaroon talaga ako nun, pero kapag nag-second trimester, mawawala na raw.

“Yung sa akin, na-lessen, pero hanggang ngayon, medyo nagsusuka ako, yung saliva lang,

“Minsan bigla na lang sumasakit ang ulo ko. Minsan hindi naman, so depende talaga.”

Mood swing?

“Parang hindi naman ako nagkaka-mood swing.

"Ang napapansin ko lang, medyo marami lang akong kumain ngayon.

“Parang palaging gusto ko ng pizza, buffalo wings, hindi mga healthy!” natawang sabi ni Empress.

"Happy pregnancy" naman daw siya.

“Wala namang dahilan para hindi maging happy.

"And by October, makikita ko na rin ang baby ko.”

May mga nakikita na siyang pagbabago sa sarili niya?

“Parang ako, mas napansin ko lang na mas iniisip ko na ang baby kesa sa sarili ko.

“Parang sinasabi ko nga na kahit na hindi ako maging healthy, basta yung baby ko wala siyang problema, okey lang.

“Parang naiiba na yung responsibility, mas sa baby na, hindi na sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang GMA afternoon soap na Kailan Ba Tama Ang Mali ang huling proyektong ginawa ni Empress. May plano ba siyang tumanggap ng trabaho kahit buntis na siya?

“Tulog muna, rest muna, kain muna!” natatawang sagot niya.

“Ako na muna ang nag-decide na huwag na muna after ng Kailan Ba Tama Ang Mali, ako na rin ang nagsabing rest na muna.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Empress Shuck (in photo, left, with friend Chariz Solomon) is taking a break from television work to focus on her pregnancy. "Tulog muna, rest muna, kain muna," she says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results