Sharon Cuneta to her bashers: Spare me from judgment

Muling nag-post ng si Sharon Cuneta sa kanyang social media account upang sagutin ang mga nagkokomento tungkol sa alitan nila ng anak na si KC Concepcion, sa kabila ng wala naman daw alam ang mga ito sa tunay na sitwasyon nilang mag-ina. “In MY opinion, people who know NOTHING at all except what they see and think, should refrain from commenting farther on this," ani Sharon.


“Daming judgmental sa mundo talaga minsan.”

Bahagi ito ng pinakabagong Facebook post ng Megastar na si Sharon Cuneta ngayong Martes ng umaga, June 2, kaugnay pa rin ng napapabalitang alitan nila ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Nitong Lunes ng gabi, June 1, tumanggi si KC na magkomento tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ng inang si Sharon, ngunit sinabi rin nitong mahal niya ang kanyang ina sa kabila ng pinagdadaanan nila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si KC sa photo exhibit na inilunsad niya, kasama ang photographer na si Mark Nicdao, para makatulong sa mga nabiktima ng lindol sa Nepal.

Read: KC Concepcion confirms rift with mom Sharon Cuneta

Nagkomento kasi si Sharon noong weekend na nagsasabing higit pa sa “unnecessary too-sexy poses” ni KC ang pinag-ugatan ng kanilang tampuhan.

Read: Sharon Cuneta expresses disapproval of daughter KC Concepcion’s “unnecessary too-sexy poses”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sharon Cuneta on gap between her and daughter KC Concepcion: "I wish all this was just about sexy poses."


SHARON’S SACRIFICES FOR KC. Ngayong araw ng Martes, nag-post ng isang mahabang paliwanag sa Facebook si Sharon bilang tugon sa mga humuhusga sa kanya kaugnay ng pinagdadaanan nila ni KC.

Bungad ng Megastar, “Like I said, I wouldn't post anything else except, among other things, to clear up something.

"Thanks and have a nice day."

Makahulugan pa niyang sabi, “I wish it was only 'sexy poses' that started all this. That is all I will say.”

Binanggit din ni Sharon ang mga sakripisyong ginawa niya sa pagpapalaki kay KC nang mag-isa.

Si KC ay anak ng Megastar sa dati niyang asawa at matinee idol na si Gabby Concepcion.

Pahayag niya, “And I am the person who not only carried her for nine months, but raised her, often at the expense of my own health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I made decisions for her, often at the expense of my own personal happiness.

“She has a college degree from a school located in a place that enabled her to learn so much more than just academics, because I sacrificed my own degree to work for her future.”

Tanging siya lamang daw ang nakakaalam kung ano ang mga pinagdaanan niya sa pagpapalaki sa anak.

Ngunit ang nakakalungkot daw ay maging ang mga taong dapat nakakaunawa ay nakalimutan na rin ito.

“Unfortunately for me and fortunately for everyone else on this planet, I am the only one who made all these sacrifices, I am the only one who knows what I went through in private, and what I had to endure publicly when I was the only one raising her.

“It is sad that even those who these should matter to seem to have forgotten, or are not grateful for them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


A LOT OF JUDGMENTAL PEOPLE. Himutok pa ni Sharon sa mga panghuhusga sa kanya, “And so though you are all entitled to your own opinion, it is sometimes both hurtful and amusing to me how some think they know everything about what is going on now.”

Diin niya, “There are reasons that are more hurtful and much worse than just ‘posing sexy.’

“Daming judgmental sa mundo talaga minsan.

“We need to learn to see the whole picture first before we exercise our right to give our opinion.

"And that whole picture? Sorry, not happening. That 'whole picture' is personal and private.

“In MY opinion, people who know NOTHING at all except what they see and think, should refrain from commenting farther on this.”

Nagbigay pa ng senaryo si Sharon tungkol sa pagkakaroon ng maling akala ng isang tao nang hindi nito alam ng tunay na kuwento.

“Parang kunyari nagagalit ka sa isang tao, kasi kausap mo sa phone at tinatanong mo kung puede mo siya dalawin at nasa bahay lang siya, pero parang galit siya sa yo at ayaw niya. Galit ka na, so kung anu-ano na ang sinasabi mo about her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun pala ayaw ka lang niya madamay kasi may mga magnanakaw na papatayin pala siya sa loob ng bahay niya, at pag dumalaw ka, pati ikaw, papatayin. So after that malalaman mo napatay pala siya.

“Di ba ang sama at sakit siguro ng loob mo kasi lahat na ng masama, lahat ng opinion at AKALA mo tungkol sa kanya, MALI PALA? Ganon ang nangyayari madalas sa puro akala lang.”

Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, pinasalamatan ni Sharon ang mga taong nagmamalasakit sa kanilang mag-ina.

Ngunit gusto rin niyang linawin ang maling pagkakaunawa ng iba sa tunay na nangyayari sa kanila.

“I want to thank you so much again for caring for us.

"I see comments from those of you who really do, and I appreciate all of them. But some, mali.

“Sexy photos are just the icing that has been spread too soon and therefore has melted on this still-baking BIG and DEEP cake that can't seem to reach the 'baked and finished' stage. Tip of the iceberg."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap pa niya, “Please, baka naman puede i-request na ako naman ang i-spare ng iba from judgment? Nanay ako eh.

“Ang mga kinakasakit ng loob ko, wala kayong kaalam-alam.

“At ang nanay lang yata talaga ang poprotekta ng sariling anak kahit may sama pa siya ng loob dito.

“Thanks again. God bless us all.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close