Yayo Aguila on Enrique Gil and Liza Soberano: "May potensiyal na maging sila."

Yayo Aguila on Just The Way You Are co-stars Enrique Gil and Liza Soberano: "May times din na kapag nag-i-small talk kami, sinasabi ko na, ’Okey itong loveteam niyo, and I hope it will remain like this.’ I mean, yung tumagal talaga at magkaroon ng staying power. Kasi yung iba, ‘di ba, nagkaroon, tapos biglang nawala, nasisira. Pero I feel na they’re really okay, parang perfect ang partnership nila."


Saksi si Yayo Aguila sa pagiging malapit nina Enrique Gil at Liza Soberano habang ginagawa nila ang pelikulang Just The Way You Are, ang latest offering ng Star Cinema.

Ito ang unang pelikulang pinagsamahan ng tinaguriang “Breakout Loveteam” pagkatapos ng phenomenal success ng Kapamilya teleserye na Forevermore, na nagwakas noong May 22.

Si Yayo ay gumaganap bilang si Veronica, ang may-ari ng bahay na tinitirhan ni Liza at nanay ng best friend ni Enrique na si Yves Flores.

Sa bahay na ito nagsimula ang pag-iibigan ng dalawang bida.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yayo sa presscon ng Just The Way You Are, sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN, kahapon, June 1, ibinahagi niya ang pagiging malapit sa isa't isa nina Enrique at Liza.

Sabi ng aktres, “Natutuwa ako sa kanila, kasi hindi sila yung showbiz.

“Alam mo yung showbiz na, ‘Oy, loveteam tayo, dapat umarte tayo ng ganito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung very innocent, very raw, ‘tapos yung respect nila for each other.

“Makikita mo naman na walang malisya, yung ganun.”

Kuwento pa niya, “Nakakatuwa nga kasi si Liza is a very naive girl, pero very smart.

“Tapos, gets ni Quen yun at inaalalayan niya.

“Sabi ko nga, nakakatuwa na nakikita ko silang naggu-grow.”

POSSIBILITIES. Sa presscon proper, inamin ni Enrique na in love na siya kay Liza, pero hindi pa allowed ang dalaga na mag-boyfriend dahil sa murang edad nito.

Si Liza ay 17, samantalang si Enrique ay 23.

Read: Enrique Gil already said "I love you" to Liza Soberano

Ano ang nakikita niya sa dalawa?

Sabi ni Yayo, “May potensiyal na maging sila.

“Niloloko ko nga sila, e, pero alam kong hindi sila talaga ngayon.

“Sa nakikita ko kay Quen, talagang alalay siya.

“Parang willing to wait, parang ganun, pero siyempre ‘di naman ako nanghihimasok sa kanila.

“Although, lagi kong sinasabi sa kanila na sobrang kilig ako ‘pag nakikita ko sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil pareho siyang close sa dalawa, lalo na sa Kapamilya actor na ilang beses na niyang nakatrabaho, inalam namin kay Yayo kung lumapit sa kanya ang isa man kina Enrique at Liza para magbigay ng kanilang saloobin tungkol sa kung anuman ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

Saad ng Bagets star, “Actually, hindi pa.

“Siguro dahil gets na namin sa isa't isa na, like si Quen, sobrang close talaga, ang dami na naming napagsamahang trabaho.

“So, parang gets na namin na kahit hindi mapag-usapan.

“Pero may times din na kapag nag-i-small talk kami, sinasabi ko na, 'Okey itong loveteam niyo, and I hope it will remain like this.'

“I mean, yung tumagal talaga at magkaroon ng staying power.

“Kasi yung iba, ‘di ba, nagkaroon, tapos biglang nawala, nasisira.

“Pero I feel na they're really okay, parang perfect ang partnership nila.”


YAYO’S ADVICE. Ano naman ang ibinibigay niyang payo sa dalawa, lalo na sa larangan ng pag-ibig bilang nakakatanda sa dalawa at maagang nag-asawa't nagkaroon ng mga anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Yayo, “Lalo na si Quen, very transparent 'yan, e.

“Wala pa naman kaming napapag-usapang ganun, although lagi kong sinasabi na ano, na husayan niya 'yan.

“At lagi kong sinasabi sa kanya na I'm really blessed to be able to work with them, dahil mababait silang mga bata.

“Sabi ko lang sa kanila, huwag silang magtsi-change, loveteam or not, they should really remain as good friends and dapat lang professional.”

Lalo na raw na sa ganitong edad nila ay masyadong intense ang nararamdaman ng mga kabataan.

Pero mabilis na dugtong ni Yayo, “Hindi ko naman nakikita…

“Although, siyempre, makikita mo na they like each other, 'di ba?

“Pero andun pa yung may bawal, e. So, tingnan natin, 'di natin alam.

“Ako kasi, fan din ako nila, e. So, nag-aabang din ako, e.”

Pero ang tingin ng iba ay masyado lang naging close sina Enrique at Liza dahil nasa malayong lugar ang taping noon ng Forevermore, dahilan para raw kumapit ang dalawa sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka raw kapag gumawa ang mga ito ng ibang proyekto na may ibang ka-partner ay mawala rin ang 'kilig factor' nila sa isa't isa.

Ano ang opinion ni Yayo tungkol dito?

Saad niya, “I think they will surpass yung loveteam nila na na-identify sila dun sa teleserye nila.

“Mas lalong magugustuhan sila, dahil dito makikita yung versatility nga nilang dalawa.

“Plus, ibang characters ang pinu-portray nila dito sa movie, so makikita ng ibang tao yung iba pang side nila.

“Hindi lamang sa TV, but beyond that.

“Ako, ang feeling ko ay magtutuluy-tuloy sila, at maging ang fans nila.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close