Mariel Rodriguez shrugs off ’plastic’ accusation after saying she’s happy for Toni Gonzaga and Paul Soriano

Mariel Rodriguez on bashers: “I learned to no longer please a lot of people. The harder you try, the more they will say na defensive ako or, as they say nga, plastic daw ako. Kaya saan ako lulugar, ‘di ba? Kaya it’s better na dedma na lang.”


Aware si Mariel Rodriguez na tinatawag siyang “plastic” ng ilang bashers at haters sa social media.

Pero natuto na raw ang TV host na huwag na lang itong pansinin dahil alam niyang walang mangyayari kapag pinatulan niya ang mga negative comments sa kanya.

Sabi ni Mariel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I learned to no longer please a lot of people.

“The harder you try, the more they will say na defensive ako or, as they say nga, plastic daw ako.

“Kaya saan ako lulugar, ‘di ba? Kaya it’s better na dedma na lang.”

Nakausap ng PEP si Mariel sa press launch ng Happy Truck ng Bayan ng TV5, noong May 26, sa Max’s Restaurant along Scout Tuason, Quezon City.

REALLY HAPPY FOR TONI. Nagsimula ang "platic" issue nang hingan ng komento si Mariel tungkol sa pagpapakasal ni Toni Gonzaga sa fiancé nitong si Paul Soriano.

Sinabi ng TV5 star na sobra siyang masaya para sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Mariel Rodriguez on upcoming Toni Gonzaga-Paul Soriano wedding: “Saksi ako sa naging love story nila.”

Pero komento ng ilang netizens, nagpakaplastik lang daw si Mariel nang sabihing masaya siya para kina Toni at Paul.

Pahayag ni Mariel dito, “When they asked me about Toni getting married to Direk Paul, I honestly said that I was really happy for them.

“Kasi nga, I saw how their love story started. Kahit sino naman who saw how their love for each other grew will be so happy.

“'Tsaka kahit na sinong tao pa ang ikasal, lalo na kung kilala ko sila at mga kaibigan, I will be happy for them.

“Ako pa naman, wedding person ako. I cry at weddings.

“Kasi nga, I love seeing people getting together dahil nagmamahalan silang dalawa.

“Now, if people see it as kaplastikan, wala na po akong magagawa.

“Basta ako, I was true in saying na masaya ako for Toni and Direk Paul.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ni Mariel, may mga taong hindi pa nakaka-move on sa naging misunderstanding nila noon ni Toni.

Pero matagal na raw silang naging okey ni Toni, at kahit hindi pa sila nagkikita ulit, alam daw ni Toni na masaya si Mariel para sa kanya.

Ayon kay Mariel, “Yung nangyari kasi sa amin ni Toni before, it’s all in the past. We’ve put that all behind us.

“Bakit yung ibang tao, hindi nila magawa ‘yon?

“Why can’t these people just be happy for us?

“If they question my sincerity, that’s their problem na.

“As far as I know, wala na kaming problema ni Toni.” paniniguro pa ni Mariel

SPANISH LESSON. Naikuwento naman ni Mariel na patuloy ang pag-aaral niya ng Spanish language dahil kakailanganin daw nila ito kapag lumipad na sila ng kanyang mister na si Robin Padilla papuntang Spain.

Si Mariel daw kasi ang magiging interpreter ni Robin kapag nagsimula na ang aktor sa kanyang research para sa kanilang family tree sa Spain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw masyadong nahirapan si Mariel na pag-aralan ang magsalita ng Kastila dahil may pagkakaparehong tunog ang ilang Spanish words sa Tagalog words.

“I'm a fast learner naman and magaling yung Spanish professor na nagtuturo sa akin.

“Kailangan talagang matuto ako kasi sa akin nakaasa si Robin when we are in Spain na.

“For sure, marami kaming kakausapin doon and it’s better nga that I speak their language para mas madali kaming magkaintindihan.”

Bago umalis si Mariel ay mapapanood pa siya sa bagong Sunday variety-game show ng TV5 na Happy Truck Ng Bayan.

“Sa June 14 pa kami mag-start.

“At least, makadalawang episodes man lang ako ng Happy Truck ng Bayan bago kami umalis.

“Natuwa nga ako noong isama nila ako because I miss this kind of show. Sanay ako sa game show, ‘di ba?

“Kami kasi yung pupunta sa iba’t ibang lugar para aliwin namin ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since taped as live naman kami, at least makadalawang episodes man lang ako.

“Alam naman ng TV5 na may mga plans kami ni Robin na umalis.

“Sa isang show ko nga na Happy Wife, Happy Life ay sobra kong nae-enjoy yung ginagawa ko doon.

“Pero nagpaalam na rin ako sa kanila. Alam din naman nila yung pag-alis namin ni Robin.”

Wish naman ng marami na “made in Spain” ang magiging baby nila ni Robin.

“Naku sana nga!” bulalas ni Mariel.

“We’re taking our time naman.

“But if God allows us to conceive a baby while we are in Europe, that will be a great blessing sa amin ni Robin.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close