Enrique Gil on courting Liza Soberano: "If may chance, may chance. Kung wala, e, di wala."

Enrique Gil is determined to wait for Liza Soberano until the time she is ready for a relationship. "Sa ngayon po, special po siya sa akin, and it will remain that way. So, until time can tell. Yun po ang masasabi ko. I just have to wait," says the Kapamilya actor.


Pagkatapos aminin ni Enrique Gil ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kaparehang si Liza Soberano, ipinapaubaya na ng Kapamilya actor sa kapalaran ang magiging kahihinatnan nito.

Matatandaang sa presscon ng pelikula nilang Just The Way You Are kahapon, June 1, ay inamin ni Enrique na sinabihan na niya ng “I love you” si Liza.

Read: Enrique Gil already said "I love you" to Liza Soberano

Pagkatapos ng presscon proper ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor at inusisa kung ano ang nararamdaman niya ngayong naihayag na niya ang damdamin para sa dalaga.

Sabi niya, “Only time can tell kung may mangyari.

“If may chance, may chance. Kung wala, e, di wala.

“Pero kung may forever, meron talaga, if you believe in it.”

Gaano siya kadesididong ligawan ang ka-loveteam?

Ayon kay Enrique, “Well, sa ngayon po, special po siya sa akin, and it will remain that way.

“So, until time can tell. Yun po ang masasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just have to wait.”

WILLING TO WAIT. Handa raw maghintay si Enrique hangga't maging 18 years old na si Liza, na 17 pa lang ngayon.

Aniya, “Yun nga… 'pag 18.

“Well, hindi ko po talaga one hundred percent sure about that, pero there's always hope.

“Only time can tell kung okey na ang lahat.

“Kapag... ewan ko, e, basta kapag nandun na ang moment na yun.

“It really depends… it doesn't really matter kung kailan.

“Pag 18 na, or what age, iba, e.

“Pag na-feel mo na siguro na this is the right time, this is it, e.”

Paano ba siya manligaw? Yung tipikal na dumadalaw sa bahay, nagti-text, o ano?

Tugon ng 23-year-old actor, “Yeah, ganun din po.

“Pero gusto ko yung nagsu-surprise.

“Like... basta konting surprises.”

MORE THAN INFATUATION. Hindi kaya infatuation lang ang nararamdaman niya kay Liza, dahil sa kagandahan nito at mahaba ang pinagsamahan nila sa Baguio, kung sila nag-taping ng Forevermore ng halos pitong buwan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sigurado ba siya sa kanyang nararamdaman para kay Liza?

Pahayag ni Enrique, “Yeah, nung una, nung makilala ko siya, hindi naman... nag-hi lang ako sa kanya. Pero hindi ko napansin masyado.

“Then, dun nga sa Baguio, nang makilala ko na siya, nagkuwento na about her life...

"Yung una sa lahat, yung respeto.

“Parang… sa mga pinagdaanan niya at saka yung trust niya sa mga stories na sa akin lang niya sinabi.

“Yun lang, parang respeto niya sa akin.

“Sabi ko, okay… medyo mas lumalalim na yung pag-uusap namin.

“So, dun, dun nagsimula.

“And from then on, siyempre every day kayo nagba-bonding, nagsasama, nung wala na kayo, nami-miss niyo ang isa't isa.

“So, dun nagsimula.”

Dumating na ba siya sa puntong gusto niya laging nakikita o nakakasama si Liza, na kapag wala ay hinahanap-hanap niya ito?

Pag-amin ni Enrique, “Yeah, siyempre pumapasok sa isip mo.

“Alam mo naman kasi bukas, makikita mo naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, pumapasok siya sa isip ko.”

Paano niya sinabi ang mga salitang “I love you” kay Liza?

“Parang pasigaw lang na ‘I love you!’

“Kasi, sanay na kami sa eksena na laging nag-a-I love you lagi, mahal na mahal kita.

“So, 'I love you,' ganun lang.”

Sesryoso na siya nun?

Nangingiting sabi ng Kapamilya actor, “Oo, jokes are half-meant. Ewan ko, parang natatawa lang siya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close