Liza Soberano on her feelings for Enrique Gil: "Before, parang crush... but now, there’s depth to it."

Liza Soberano on being ready to enter into a relationship: "Only time can tell because I’m still a kid. And, I think, there are some things that I need to go through in life before I go in a relationship. I need to be 100 percent ready."


“The Breakout Loveteam” ang bansag sa tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil pagkatapos maging matagumpay ng kanilang teleserye sa ABS-CBN na Forevermore.

At ngayon nga ay may launching movie na sila mula sa Star Cinema—ang Just The Way You Are, na mapapanood simula sa June 17.

Ano sa palagay ni Liza ang dahilan kung bakit nag-click at nagustuhan ng mga tao ang tambalan nila ni Enrique?

Tugon niya, “In my case kasi, feeling ko, naramdaman ng tao ang sincerity.

“Bilang kami-kami lang, wala kaming makakausap na ibang tao, we get along, and we’re just enjoying what we are doing. And people see that.

“Siguro also, dahil we’re in Baguio, mas naging close kami.

“Kaya when we do our scenes, comfortable kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Liza sa presscon ng Just The Way You Are nitong Lunes ng gabi, June 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOPLESS QUEN. Bagamat marami ang nag-aabang, inamin ni Liza na wala silang kissing scene ng kanyang leading man na si Enrique Gil sa pelikula Just The Way You Are.

Seventeen years old pa lang kasi si Liza, habang si Enrique ay 23 na.

Pero sa trailer ng movie ay may eksenang shirtless si Enrique habang naglilinis ng kotse.

Sabi ni Liza, nako-concious pa rin siya kapag nakikitang nakahubad ang kapareha.

“Opo naman, lalo na kapag nakahubad, nako-concious pa rin po.”

Maganda ba ang katawan ni Enrique?

“Minsan… minsan po kasi busog siya.”

Pero sa eksenang naglilinis ng kotse si Enrique nang walang T-shirt ay maganda raw ang katawan nito dahil hindi kasi ito kumain.

Ano ang mga katangian ng isang lalaki na hinahanap niya?

Sagot ni Liza, “Actually, wala po talaga akong ideal man, wala po talaga.

“I don’t want to set any expectation.

“Kasi, love, you can never tell. You can never tell when it comes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You can never tell who would it be.”


“I LOVE YOU.” Sa presscon kagabi, napaamin si Enrique na nagsabi na siya ng “I love you” kay Liza.

At ang naging tugon lang dito ni Liza ay “Thank you.”

Read: Enrique Gil already said "I love you" to Liza Soberano

Pagkatapos ng presscon proper ay tinanong ng PEP si Liza kung ano ang naramdaman niya nang aminin ni Enrique sa lahat na mahal siya nito.

“Nakakakilig, nakakatuwa,” nakangiting sabi ng dalaga.

Ngunit dagdag niya, “Pero ano po talaga, time muna.

“We need time to grow… to grow in this industry.

“And friendship muna po before anything happens.”

Pursigido talaga siyang huwag munang ma-in love o mag-commit sa isang relasyon?

“Opo, and there’s a lot of people counting on me. I don’t want to disappoint them,” sabi ni Liza.

Hanggang kailan kailangang maghintay si Enrique? Binigyan ba niya ito ng takdang-panahon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapamilya actress, “May usapan kami na when I’m 18, siguro puwede nang magpaligaw.

“But, I think, it’s when I’m ready na talaga to be in one relationship.”

NOT YET READY. Sa ngayon, hindi pa talaga siya handa?

“Hindi pa, hindi pa,” sambit niya.

Kailan kaya siya magiging ready?

“Only time can tell because I’m still a kid.

"And, I think, there are some things that I need to go through in life before I go in a relationship.

“I need to be 100 percent ready.”

Hindi pa ba nanliligaw sa kanya si Enrique?

“Nagpaparamdam ng parang ganun, pero we’re friends pa rin.”

Kung sakaling handa na siya, si Enrique ba ang una sa listahan niya ng lalaking mamahalin.

“Oo naman po,” mabilis na sagot ni Liza.

Ano ang pumipigil sa kanya sa puntong ito?

Paliwanag niya, “Yun nga po, that my family is counting on me—my dad, my lolo, my brother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I have a lot of priorities right now that I have to take care of.

“It would be hard to manage my time, kasi I’m doing movie, I’m doing a show, I have to take care of my family pa, and I have a relationship...

“I don’t think I’ll be mentally ready for that.

“You know, in a relationship, it’s not all about being happy, there’s always ups and downs in a relationship.

“I don’t know if I’ll be mentally ready for that yet.”


CRUSH ON ENRIQUE. Inamin noon ni Liza na crush niya si Enrique. Nadagdagan ba ang paghanga niya sa kapareha pagkatapos nilang magkakilala nang husto?

Pag-amin niya, “Opo, actually may mutual understanding po talaga kami.

“Before, parang crush, kasi cute siya, magaling siyang sumayaw.

“But now, there’s depth to it. I really know him.

“I know stuff about him that other people don’t know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s understanding between us that only we can understand, parang ganun.”

Kapag nag-debut siya sa January 2016, si Enrique ba ang magiging escort niya?

“Opo,” nakangiti niyang sabi.

Ngunit dagdag ni Liza, “Pero hindi po yata ako magde-debut. Ayoko po.

“Gusto kong mag-travel abroad lang po.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close