Edgar Allan Guzman apologizes to Maxene Magalona for being used in promo of his girlfriend’s show

Edgar Allan Guzman on keeping mum about his lovelife: "Habang nagma-mature po ako, na-realize ko po na hindi nakakatulong yung salita ka nang salita about your lovelife. Kasi kapag hindi nag-work out, mahirap nang i-delete ang mga nasabi na, pati mga na-post sa social networking sites, ‘di po ba? Ngayon, mas makabubuting manahimik na lang po ako tungkol dun dahil hindi po talaga makakatulong."


Kagaya ng girlfriend niyang si Shaira Mae, ayaw na ring pag-usapan pa ni Edgar Allan Guzman ang tungkol sa kanyang lovelife.

Sabi ng Kapamilya actor, “Pahinga na po muna ang puso ko. Hindi po yun ang priority ko ngayon.

“Ito na lang po munang work, work at work na lang po…

“Habang nagma-mature po ako, na-realize ko po na hindi nakakatulong yung salita ka nang salita about your lovelife.

“Kasi kapag hindi nag-work out, mahirap nang i-delete ang mga nasabi na, pati mga na-post sa social networking sites, ‘di po ba?

“Ngayon, mas makabubuting manahimik na lang po ako tungkol dun dahil hindi po talaga makakatulong."

Diin pa ni Edgar, “At ayaw ko pong manggamit ng ibang tao makapag-promote lang ng grand finals ng aming show.

“Good vibes and good thoughts na lang po sana.”

Ang tinutukoy ni Edgar na “grand finals” ay sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN, kung saan kabilang siya sa four finalists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pang finalists ay sina Jay-R, Melai Cantiveros, at Nyoy Volante.

Hindi man siya nagbanggit ng anumang pangalan, tila may pinatatamaan si Edgar sa pahayag niyang ayaw niyang manggamit para lang makapag-promote ng kanilang show.

Matatandaang sa naunang panayam sa girlfriend niyang si Shaira Mae sa presscon ng TV5 primetime series na The Baker King, sinabi nitong pakiramdam niya ay nagagamit siya sa pagpu-promote ng tambalan nina Edgar at Maxene Magalona sa Your Face Sounds Familiar.

Read: Shaira Mae feels she's being used in Edgar Allan Guzman-Maxene Magalona loveteam

Si Maxene ay isa sa mga kasamahan ni Edgar sa Your Face Sounds Familiar na hindi pinalad na mapasali sa Top 4.

Sa nasabing show rin nabuo ang ‘loveteam’ nila, kaya may isyung ito raw ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ang relasyon nina Edgar at Shaira Mae.

Ayon kay Edgar, humingi siya ng paumanhin kay Maxene at sa ina nitong si Pia Magalona dahil sa paglabas ng ganitong isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aaminin ko po, nag-sorry po ako kay Maxene at nagso-sorry po ngayon kay Miss Pia dahil nadawit sila sa isang hindi magandang write-up habang nagpu-promote ng show sa kabila.

“Honestly, feeling ko po, sila ang nagamit, pati ang show, at ako po ang naipit.

“Ako po na never nang nagsalita about my lovelife.

“Kaya time out na po ako sa usaping lovelife.

"At ito po, totoo na, pinagsisisihan ko na po lahat ng mga maling diskarte ko po noon.

“Ngayon, career at pamilya ko na po talaga ang focus ko.”

Kumusta naman sila ngayon ni Maxene sa gitna ng isyung ito?

Sabi ni Edgar, “Masaya po ang samahan namin ni Maxene.

“May taping kaming magkasama, sa Deal or No Deal.

“Masarap ho siyang katrabaho at ang maganda, mature ho siyang mag-isip.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close