Edgar Allan Guzman: "Time out lang po muna sa usaping lovelife."

Edgar Allan Guzman assures he will not fall in love with Maxene Magalona: "Kapag na-develop, paghanga. Pero hindi na aabot sa gulo. Ayaw ko lang talaga ng gulo.”


Bagamat madalas siyang itukso kay Maxene Magalona, tiniyak ni Edgar Allan Guzman na hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pagiging close nilang dalawa.

Sa press conference na inihanda para sa four finalists ng Your Face Sounds Familiar kahapon, June 2, inamin ni Edgar Allan na naging malaking tulong para sa kani-kanilang career ang pagiging “loveteam” nila ni Maxene sa show.

Aniya, “Aminado naman po ako na parehas kami ni Maxene na nagtulungan.

“Kumbaga, kami ni Maxene, off-cam and on-cam, okay naman kami, nag-uusap kami.

“Minsan siya ang ibinoboto ko kasi feeling ko deserve naman niya ang three points from me.”

Pero may posibilidad kayang ma-develop sila sa isa't isa?

Sagot ng aktor, “Hindi naman po.

“May respeto naman po ako. I respect Maxene.

“Kapag na-develop, paghanga.

“Pero hindi na aabot sa gulo. Ayaw ko lang talaga ng gulo.”


MUM ON LOVELIFE. Kaugnay nito, inamin ni Edgar Allan na humingi siya ng paumanhin kay Maxene, at sa ina nitong si Pia Magalona, dahil nadawit pa siya sa isyu nila ng kanyang girlfriend na si Shaira Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit kasi kamakailan ni Shaira Mae na tila nagagamit ang pangalan niya sa tambalan nina Edgar Allan at Maxene sa Your Face Sounds Familiar.

Read: Shaira Mae feels she's being used in Edgar Allan Guzman-Maxene Magalona loveteam

Sabi ni Edgar Allan, “Actually, nag-sorry ako nang personal kay Maxene.

“At ngayon po, nagso-sorry ako kay Ms. Pia dahil nadawit ang pangalan nila sa pagpo-promote lang ng show sa kabila.”

Kung si Edgar Allan ay ipinapareha kay Maxene, si Shaira Mae naman ay itinatambal sa kapwa niya TV5 talent na si Mark Neumann.

Pahayag ni Edgar Allan tungkol sa relasyon nila ni Shaira Mae, “Ako, I stopped na.

"Ako, never naman akong nagsalita about sa shows nila doon, sa kanya, about sa loveteam nila.

“Ako, time out na talaga muna. Gusto ko lang talaga muna ng tahimik.

“Pag-usapan na lang po yung mga magagandang nangyayari sa akin, like yung mga naka-lineup sa akin na bagong shows.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-usapan na rin daw nilang magkasintahan na maging tahimik na lang sa kanilang relasyon.

“Nagkausap naman kami. Ayaw ko lang mandamay pa ng ibang tao. Gusto ko lang ng tahimik.

“Kumbaga, ayaw ko lang din maging mayabang, na ginagamit ko ang show ng kabila,” ani Edgar.

Katulad ng sinabi ni Shaira Mae, mabuti na rin daw na naka-set aside muna ang kanilang relasyon para makapag-focus sila sa kani-kanilang showbiz career.

Sabi ni Edgar Allan, “Tama naman po. Ako rin naman po.

"Siya may loveteam, ako rin naman may bini-buildup.

"Ako, work talaga, hindi nagsasapawan kami. Propesyunal naman kami."

Paglilinaw pa niya, “Time out lang po muna sa usaping lovelife.

“Ayaw ko lang po muna pag-usapan para hindi na makasakit po.

“Ayaw ko lang na may masaktan na ibang tao, lalo na yung mga shows, kasi nakakahiya, e.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close