Jed Madela defends fellow Your Face Sounds Familiar judge Sharon Cuneta against bashers: "She’s just being real."

"It doesn’t mean na namamlastic kami," says Jed Madela about Sharon Cuneta giving high praises and low scores to Your Face Sounds Familiar celebrity contestants for which she was criticized.


Ipinagtanggol ni Jed Madela ang kasamang judge sa Your Face Sounds Familiar na si Sharon Cuneta mula sa pambabatikos ng ilang netizens.

Komento ng ilang netizens, "plastic" daw ang Megastar.

Puro papuri raw kasi ang ibinibigay ni Sharon sa celebrity contestants sa Your Face Sounds Familiar, pero mababa naman ang grade na ibibigay nito sa bandang huli.

Pahayag ni Jed tungkol dito, “I don’t think it’s the right term... she’s just being real.

“Si Sharon is being real, she enjoys what she sees, sobrang lighthearted si Mega.

“Kaunting kembot lang ni Maxene [Magalona] o ni Melai [Cantiveros], tuwang-tuwa na siya."

Dagdag ng pa ng powerful singer, “I don’t think naman it’s fair to call her names, it’s not fair.

“Kilala natin si Shawie. Si Ate Shawie, ganyan talaga siya, she enjoys every bit of the performance on stage.

“She’s very appreciative, yun ang gustung-gusto ko sa kanya, 'di siya nagtitipid sa pagpuri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Again, kung pinupuri sila at nalalagay sila sa mabababa, it doesn’t mean na namamlastic kami.

“It just happened na may mas magaling sa performance nila at pinakamahusay sa lahat.”


TOUGH JOB. Ayon pa kay Jed, mahirap ang trabahong nakaatang sa kanila bilang mga judge sa nasabing show.

Kahit daw sila ni Gary Valenciano ay nakakatanggap din paminsan-minsa ng negatibong reaksiyon mula sa fans ng Your Face Sounds Familiar contestants.

“Yun nga, nakakapagod lang na i-explain na siyempre pupurihin mo kasi magaling naman talaga.

“Like, for example, si Maxene, lagi siyang nasa bottom, lagi siyang kulelat sa lahat.

“Magaling yung performance niya, it just so happened na mayroong mas magaling sa kanya.

“Siyempre kanya-kanyang fans ‘yan, like kay Jolina [Magdangal] or kay EA [Edgar Allan Guzman].

“Pupurihin namin, sasabihin namin kung ano ang maganda nilang ginawa, kung ano ang kailangan nilang i-improve, kung anong effort na dapat nilang ilagay sa performance nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But again, minsan mayroong mas magaling sa kanila.

“For example, mauuna si Maxene, magaling ang performance niya, isusulat ko na ang pangalan niya.

“Susunod example si Jolina... e, mas magaling si Jolina, siyempre pupurihin ko si Jolina, mas magaling, nasa taas siya ni Maxene.

“E, si EA papasok, mas magaling pa rin si Jolina, pero mas magaling siya kay Maxene, sisingit ko siya sa gitna.

“Nag-a-adjust-adjust kami so napu-push nang pababa.

“Kahit na sabihin namin na magaling, minsan napu-push sila pababa, lahat sila naka-experience na nasa ibaba, 'di ba?"

Dagdag pa ni Jed, “It’s a difficult job, kaming tatlo, ang hirap ng ginagawa namin, akala nila saya-saya lang, pero it’s hard.

“Lalo na ang dyina-judge mo ay mga colleagues mo, mga kasama mo sa industriya.

“Siyempre bibigyan mo ng comments, it’s hard na timplahin.

“Siyempre ayaw mo namang magsabi nang sobrang straight to the point, kasi siyempre may mga fans sila. Maba-bash ka diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you have to do your job, magki-critic ka, pero siyempre babawiin mo rin nang maganda.”


TOUGH WIN. Sa nalalapit na grand finals ng Your Face Sounds Familiar, kahit si Jed ay 'di makapagsabi kung sino sa palagay niya ang pinakamalakas sa final four na napili—Jay-R, Melai Cantiveros, Nyoy Volante, at Edgar Allan Guzman.

Sabi ni Jed, “Malapit na, finals na sa June 6 and 7.

"Yung final four na yun, magko-compete sa isa’t isa next week, live ito sa Resorts World.

“Ang hirap magsabi kung sino ang magaling kasi lahat sila, towards the end of the show, yung week 10, 11, 12, lahat sila gumaling bigla, e.

“Ang hirap magsabi kung sino.

Kasi in one week, si Nyoy; in another week, si Jay-R; in another week, si Melai o si EA or si Jolina, si Karla...

“Ang dami nilang magagaling, so ang hirap sabihin kapag tinatanong kami kung sino ang ini-expect na manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala talaga kaming maisagot.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close