Glaiza de Castro and Rhian Ramos: The new TomDen?

Glaiza de Castro on working again with Rhian Ramos: “Honestly, mas kumportable kami ngayon. Before kasi, nung nagkatrabaho kami [sa Stairway To Heaven], kontrabida niya ako. So, hindi kami nagkaroon ng ganitong project na we work with each other, especially sa mga scenes na mai-in love kami sa isa’t isa. So, nakakatuwa dahil after ilang years din yun, yung Stairway to Heaven, nagkatrabaho kami. Tapos makikita talaga namin kun


Dahil sa epektibong pagganap niya bilang isang 'lipstick lesbian' sa GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter, natatawang inamin ni Glaiza de Castro, “Ngayon, mas maraming nagpaparamdam na girls!”

Gumaganap si Glaiza sa teleserye bilang si Althea, na lesbian lover ni Rhian Ramos bilang si Jade naman.

Madalas sabihin ni Glaiza na wala pa siyang lovelife, kaya naiintriga at at napagdudadahan siyang tomboy.

Pero sabi nga niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi before naman, aware na yun mga guys… sabi nga nila, hard to get daw ako, e.

“Pero yun kasi ang paniniwala ko, ever since, na kung talagang seryoso ka, ipu-pursue ka nila.”

Kung may ka-close man daw siya ngayon, ito ay ang co-star niya rin sa The Rich Man's Daughter na si Chynna Ortaleza, na isa namang butch lesbian ang karakter bilang si Batchi.

In real life, close silang dalawa at pareho silang single ngayon. Hindi kaya sila maintriga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Imposible yun bilang si Chynna ay isang maharot na bata!” natatawang sabi ni Glaiza.

Dagdag niya, “Kikay yun in real life. Ganun lang din kasi siya ka-immerse sa role niya.

“Kaya nakikita talaga natin na totoo si Batchi, totoo siyang tao.”

LOVETEAM. Naging malapit din sila ni Marian Rivera, na orihinal sanang gaganap bilang si Jade. Pero dahil sa pagbubuntis nito, si Rhian ang pumalit kay Marian.

Kumusta na sila ni Rhian ngayon?

Lahad ni Glaiza, “Honestly, mas kumportable kami ngayon.

“Before kasi, nung nagkatrabaho kami [sa Stairway To Heaven], kontrabida niya ako.

“So, hindi kami nagkaroon ng ganitong project na we work with each other, especially sa mga scenes na mai-in love kami sa isa’t isa.

“So, nakakatuwa dahil after ilang years din yun, yung Stairway to Heaven, nagkatrabaho kami.

"Tapos makikita talaga namin kung paano kami nag-grow artistically.

“Personally, nakakatuwa na nagkaroon ulit kami ng chance na to work with each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa roles nila bilang lovers sa The Rich Man's Daughter, may na-coin na na pangalan ng tandem nina Glaiza at Rhian—RastroRebels.

Para silang sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na nabuo ang TomDen loveteam dahil sa primetime series na My Husband's Lover noong 2014.

Okey lang ba kay Glaiza na sila ni Rhian ang maging 'loveteam'?

Sagot niya, “Surprising talaga and never kong na-imagine na mangyayari ito.

“At interesting din kasi parang mahilig kasi ako sa mga offbeat na roles.

"Mga tipong kakaiba, so talagang dumidikit din siya sa 'kin.

“Tipong kakaibang loveteam, kakaibang story, kakaibang response din.

“So, nakakatuwa, dahil kumbaga masasabi mo sa sarili mo na, 'Uy, kaya ko pala yun... kaya pala namin yun.'”

Okey lang ba sa kanya na parang TomDen din ang mangyari sa kanila ni Rhian? Na kahit matagal nang tapos ang show at may kanya-kanya na silang shows, pero markado pa rin sa marami ang tambalan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gladys, “Nakapag-establish ang TomDen ng malaking following and, even up to now, marami pa rin ang sumusuporta talaga sa kanila.

“I can only say that it would be interesting that we represent another group of people instead of comparing us to them.

“So, ayun, gusto ko lang mai-represent sila nang maayos.

“Hopefully, kahit na matapos yung show, masuportahan pa rin nila kami sa mga endeavors namin.

"Kumbaga, magkaroon talaga kami ng solid na fans or supporters.

"Parang TomDen na until now, meron pa rin sila talagang solid supporters.”


TEAM ALTHEA. Ayon kay Glaiza, mula nang gawin niya ang The Rich Man's Daughter, mas naging malawak at malalim ang pagkakakilala niya sa lesbians.

Sabi niya, “Hindi madali na mabuhay sa mundo na hinuhusgahan ka talaga o hindi handang tanggapin kung sino ka.

“Kasi, parang may nakausap nga ako lately na, what if ang mundong ginagalawan natin, baliktad?

“Na yung mga heterosexuals ang taboo at hindi ka puwede makipagrelasyon sa mga straight?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Imagine how hard it is for them na nade-deprive sila sa mga ganung klaseng rights, 'di ba?

“For the longest time, yun mga babae ay palaging nade-deprive sa mga ganun, na palaging lalaki yung mga ano.

“Hindi naman ako feminist or anything, pero tracing our history, meron talagang factor na yung mga babae, hindi puwedeng mag-ganyan…

“Hindi ka puwedeng gumawa ng isang bagay na ikakahiya ng pamilya mo.

“At nakikita natin 'yan sa TRMD, kaya ako, mas lalong nai-inspire sa soap namin ay naikukuwento yung mga bagay na hindi nata-tap before.

“It's beyond lesbianism.

"Hindi naman siya tipong sa dalawang tao lang nagre-revolve, e.

“Sa totoong buhay, sa family. Paano mo haharapin ang pamilya mo na galit sa ‘yo dahil sa pagkatao mo or sa tunay mong identity.

“Sa mga kaibigan mo na pinipigilan kang makipagrelasyon sa straight.

“Or sa part ni Althea, dahil nga sinasabi nila na mahirap 'yan, kumplikado yun sitwasyon niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, paano mo lalabanan yun nararamdaman mo kay David [Luis Alandy]?

“Na na-realize niya na sa tinagal-tagal ng panahon, yung fiancée niya, iba pala ang sexual preference or sexual orientation.

“So, it’s very complex yung show namin and, at the same time, it’s an adventure sa akin.

“One thing about acting or playing these roles, nae-experience mo talaga, e.

“Yung kung ano yun nangyayari sa totoong buhay, kaya siguro ganoon na rin ka-real yung mga eksena.

“Kaya siguro nila nakikita na sobrang totoo yung mga ganun, kasi kami mismo pinaniniwalaan namin na totoo yun.”

Sa mga fans ng teleserye, may Team Althea at Team David.

At siyempre, sa Team Althea si Glaiza.

Sabi pa niya, “Of course, Babae Power… kasi I support that advocacy.

“We started itong year na ‘to, itong Babae Power.

“Siyempre, we want to empower women. We want to make them feel special.

“And siyempre, lahat tayo may kanya kanyang talents, so gusto namin na mailabas yun sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whether singing or dancing or painting or whatever na kaya nilang gawin or natatakot silang gawin.

“Gusto namin na through our advocacy, through Babae Power, ma-realize nila kung ano pa yung puwede nilang gawin bilang babae.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close