Liza Soberano overwhelmed by newfound popularity: "People are showing more love to me, they’re very nice."

From third-wheeler in KathNiel loveteam, Liza Soberano is now enjoying her own popularity. She says, "Kasi dati, ’pag ano ako sa KathNiel, parang sila lagi ang napapansin, sila ang laging nasa front row. Tapos ngayon, I’m wearing their shoes, in their position... Now, people are showing more love to me, they’re very nice."


Namamayagpag ngayon ang popularidad si Liza Soberano, na dati ay pampagulo lang sa loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel.

Ano ang pakiramdam niya sa bilis ng kanyang tagumpay?

Sagot ni Liza sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakakapanibago po siya.

"Kasi dati, 'pag ano ako sa KathNiel, parang sila lagi ang napapansin, sila ang laging nasa front row.

"Tapos ngayon, I'm wearing their shoes, in their position.

"Parang sobrang overwhelming na it makes me feel happy.

“Parang going through it all, parang this is what I was, being a third biller lang, and being hated by a lot of people.

“Now, people are showing more love to me, they're very nice.

"Basta, iba talaga ang feeling, and I'm happy."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Liza sa presscon para sa pelikulang Just The Way You Are noong Lunes, June 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SINCERITY. Bahagi rin daw ng kaligayahang iyon ni Liza ay ang pagiging malapit nila sa isa't isa ng kanyang onscreen partner na si Enrique Gil.

Nakangiting pahayag ng 17-year-old actress, "He's like somebody kasi na he's always there for me.

"Someone that I can tell anything, so what do you call that?"

Ano sa tingin niya ang naging magic ng loveteam na LizQuen na tinangkilik ng mga manonood at sumikat dahil sa Forevermore?

Aniya, "Siguro naramdaman ng tao yung sincerity… being in the mountain together, na kami-kami lang.

“Wala kaming makakausap na ibang tao, so we had to get along well.

“And all they wanted was to have a great show, and be happy.

"And that's what... we were enjoying and the people felt that.

"The people thought about the happiness, the likeness, and siguro yung bonding sa Baguio, naging close kami.

"And when we were acting, when we did our scenes, we were very comfortable with each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BF MATERIAL. Bukod sa pag-buildup ng kanilang loveteam, marami ang nakakahalatang nagli-level up na ito sa mas personal na closeness nila sa isa't isa.

Lalo na nga't umamin na si Enrique na nagsabi na siya ng ‘I love you’ sa kanya.

Ano ang mayroon kay Enrique para masabing isa itong boyfriend material?

Sagot ni Liza, "Hindi siya mayabang.

"At yung pang-boyfriend material, he's very family-oriented.

"Gusto ko kasi yung ganun, yung he always thinks of his family first.

"At yung gesture na ginawa niya na kinilig ako, kung napanood niyo yung ASAP, lumuhod siya sa harapan ko, ewan ko, kiniss niya yung kamay ko... kinilig ako."

Ano pa ba ang mga ginawa sa kanya ni Quen na mas lalo pa siyang kinilig?

Sagot ni Liza, “For my birthday, binigyan niya ako ng necklace. Tiffany and Co. na may age."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close