Richard Gutierrez no complaints about lack of acting projects; has "big pay" for TV5 show, says mom Annabelle Rama

Richard Gutierrez on juggling showbiz career and family life: “Now, I’m enjoying the fruits of [my labor na]. Kaya ako nagtrabaho dati dahil ngayong may anak na ako, kahit papa’no nae-enjoy ko yung oras ko kasama si Zion at si Sarah [Lahbati].”


“I believe in the saying now that I work to live. And I don’t live to work.”

Ito ang pahayag ni Richard Gutierrez nang usisain ng entertainment press kung bakit tila mas mas pinili niyang magbalik-telebisyon bilang host ng KISPinoy (K-Pop Icon Search Pinoy Edition) talent search ng TV5 kaysa sa pag-arte.

Huling napanood si Richard sa teleseryeng Love and Lies sa GMA Network noong 2013.

Pagkatapos ay naging abala ang aktor sa reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez mula 2014 hanggang sa kasalukuyan.

Sabi pa ni Richard, “There was a time in my life that I was really enjoying grinding, talagang grind every day [sa taping or shooting].

“Na-enjoy ko siya for a certain period of years.

“But I came to a point that, you know, I got tired also of the whole thing.

“Now, I really get to choose my jobs.”

Nakapanayam ng entertainment press si Richard sa presscon ng KISPinoy, na ginanap sa Jet 7 Bistro sa Quezon City, ngayong Miyerkules, June 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kahit na wala siyang teleserye ngayon, siniguro ng 31-year-old actor-host na mayroon siyang kinikitang pera mula sa kanyang mga naipundar na negosyo.

“Dun sa 12 years na nag-grind ako every day, halos wala akong tulog, kahit papa’no naman nakaipon ako, and I was able to set some money aside for my future.

“Now, I’m enjoying the fruits of [my labor na].

"Kaya ako nagtrabaho dati dahil ngayong may anak na ako, kahit papa’no nae-enjoy ko yung oras ko kasama si Zion at si Sarah [Lahbati].”


“BIG PAY” FOR RICHARD’S HOSTING STINT. Sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez noong May 26, prangkang inihayag ng ina ni Richard na si Annabelle Rama na tila nasobrahan ang actor-TV host sa pagiging tutok sa anak nitong si Zion kaysa sa pagtatrabaho.

Sabi ni Annabelle, na siya ring talent manager ni Richard, “Natutuwa ako sa kanya ngayon kasi meron siyang time for Zion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi ko, 'Chard [palayaw ni Richard], 'wag naman lahat puro Zion. Magtrabaho ka naman paminsan-minsan kasi nawala commission ko.'

“Nag-e-enjoy naman siya kaya hindi ko siya pinipilit, kasi baka sabihin naman sa akin mukha akong pera.

“Pero in due time, magtatrabaho na rin siya.”

Read: Annabelle Rama on love-hate relationship with her children: "Kaya ako matapang na lumaban sa kanila dahil hindi nila ako palamunin."

Nagkataong sinamahan ni Annabelle si Richard sa presscon ng TV5 para sa KISPinoy kaninang tanghali.

Dito ay nabanggit ni Annabelle na ang pangunahing dahilan kung bakit tinanggap ni Richard ang naturang TV show ay dahil “big pay” o malaki ang talent fee na matatanggap ng actor-TV host.

Dugtong pa ni Annabelle, “Alangan naman nagtatrabaho ka na ganun lang ang bayad sa 'yo, ‘di ba?

"Siyempre may sariling rate naman si Richard."

Naniniwala rin si Annabelle na magandang exposure para kay Richard ang KISPinoy dahil bagong challenge para sa anak ang mag-host ng isang talent search na para sa mga Pinoy na mahilig sa K-Pop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MORE TIME FOR ZION. Sa parte ni Richard, masaya niyang ibinahagi na natutukan niyang mabuti ang paglaki ng kanyang dalawang-taong-gulang na anak na nagsimula nang pumasok sa isang play school.

Kuwento ni Richard, “First day of school niya nung Monday.

“So, sinamahan namin ni Sarah si Zion, kasi puwede pa kami sumama for the first three days, tapos after third day, iwan na namin siya by himself.

“Medyo advanced, ha, kasi maraming subjects, may music, may art.

“Enjoy si Zion sa school. Ayaw nga niya umalis, e.”

Sinusulit daw ni Richard ang pagkakaroon ng quality time kasama si Zion lalo pa’t nasa developing years ang anak.

Aniya, “Ito yung moments talaga na we're cherishing.

“Imagine if I’m doing something na super heavy with work, hindi ko siya masasamahan, hindi ko mae-enjoy yung oras ko with Zion.

“Crucial talaga yung stages na first to five years.

“So, I’m very happy kung nasaan ako ngayon sa buhay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, aminado si Richard na nami-miss niya ang pag-arte sa pelikula.

“Overall, I miss doing movies.

“So, hopefully by the end of the year, I will get to start a movie,” pagtatapos niya.

Second day of school swag 💯 (toddlers play school) #ziontheyounglion J's from @inzane_kicks 👟

A photo posted by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) onJun 1, 2015 at 4:43pm PDT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close