Batangas Governor Vilma Santos no comment on alleged offer of Mayor Duterte to be his running mate in 2016 elections

"Please understand... No comment!" says Batangas Governor Vilma Santos in an exchange of text messages with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Wednesday, June 3, on Mayor Rodrigo Duterte’s wish for her to be his running mate in 2016 elections.


Nanatiling tikom ang bibig ni Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa pahayag ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na nais niyang mapabilang ang gobernadora sa kanyang “dream team” sa 2016 national elections.

Gayunman, nagpasalamat si Governor Vilma na naisip siya ni Mayor Duterte na maging kaalyado sakaling magdesisyon ang alkalde na kumandidato bilang Presidente ng Pilipinas sa May 2016 elections.

“Please understand… No comment!

“Though thank you for considering me,” pahayag ni Governor Vilma nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opisyal na pahayag, sa pamamagitan ng palitan ng text messages, ngayong Miyerkules, June 3.

Dugtong pa niya, "I just read it in the papers and there has been no offer."

Tumanggi rin si Governor Vilma na pag-usapan kung sino ang kanyang top choice bilang possible presidential candidate sa 2016.

Kaugnay ito sa report na lumabas sa Philippine Daily Inquirer, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita umano si Mayor Duterte tungkol sa posibilidad na tumakbo siya bilang Pangulo sa 2016.

Kung saka-sakali, gusto raw ni Mayor Duterte na si Governor Vilma ang maging vice-presidential candidate sa kanyang magiging partido.

Base ito sa pag-uusap ni Mayor Duterte at ng masugid nitong tagasuporta na si former Cotabato Governor Emmanuel Piñol.

Sabi ni Mayor Duterte, base sa paglalahad ni Piñol sa nabanggit na broadsheet: “Vilma Santos would be a good choice.”

Minsan nang lumutang ang pangalan ni Governor Vilma bilang isa sa vice presidential preferences, base sa Pulse Asia Survey noong September 2014.

Ito ay sa kadahilanang bukod sa pagiging sikat na showbiz personality ay maituturing umanong “outstanding government official” si Governor Vilma na hindi nadawit sa anumang isyung korupsyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Governor Vilma Santos flattered by high score in 2016 elections poll; insists, "As of now, no political plans."

Si Mayor Duterte naman ay pang-apat sa ranking ng presidential preferences, base sa Pulse Asia Survey noong March 2015.

Number one si Vice President Jejomar Binay, number two si Senator Grace Poe, at number three si Manila Mayor Erap Estrada sa ranking ng presidential preferences.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN