Rumors about Senator Grace Poe being the ’daughter of Marcos’ resurface

Dahil sa pagiging matunog ng pangalan ni Senator Grace Poe sa mga posibleng tumakbo bilang Pangulo sa 2016 elections, inuulan siya ngayon ng mga akusasyon at inuungkat muli ang mga dating isyu tungkol sa kanya.


Kasabay ng pagkukuwestiyon sa kanyang mga kwalipikasyon na tumakbo bilang Presidente sa 2016 elections ay ang pag-ungkat muli sa pagiging ampon ni Senator Grace Poe.

Nang tumakbo siya noong 2013 bilang senador ay lumabas na ang isyu tungkol sa pagiging ampon ni Grace ng yumaong King of Philippines Movies na si Fernando Poe Jr. at ng maybahay nitong si Susan Roces.

Ilang buwan bago ang 2013 mid-term elections ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Grace, na kabibitiw pa lamang noon bilang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Noong panahong iyon ay pinag-uusapan pa lamang ang pagsasadula ng kanyang buhay sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Sa isang pagtitipon na ginanap sa Penthouse ng Imperial Palace Suites, sa Timog Avenue, Quezon City, noong November 12, 2012, ay nagkuwento si Grace ng mga gusto niyang i-highlight sa pagsasatelebisyon ng kanyang buhay.

Read: Grace Poe wants Bea Alonzo to portray her in Maalaala Mo Kaya episode: "Siyempre, libre naman mag-ilusyon, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Yung highlight siyempre, yung advocacy ng adoption.

“Kasi yung parang, bakit ka ituturing na isang anak? Anong ibig sabihin nun? Anong stigma nun nung lumalaki ako?

“Maraming mga taong nanliit… nanliliit sa mga katulad namin.

“Pero makikita mo naman na ang mga katulad namin, nais din naming patunayan ang sarili namin na mahal namin at may utang na loob kami sa aming mga magulang.

“Kaya nga siguro yun ang aking situation… kasi parang nung sinabi nila si FPJ, walang alam, di ba?

"Sinasabi pa nga nila he’s just a mere actor, di ba?

“Ang sakit-sakin nun, e, kasi I know that if he had the opportunity, he would’ve been a brilliant student.

“But even on his own, he was able to support his business and employ and help so many people.

“Yun lang nga, wala siyang titulo ng diploma.

“Pero edukado siyang tao at nakapagpalaki naman siya ng napakarami—hindi lang ako, marami siyang natulungan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makalipas ang ilang buwan, noong February 2, 2013, ay ipinalabas na nga sa MMK ang life story ni Grace na pinamagatang "Sanggol."

Sina Mutya Orquia at Erich Gonzales ang mga gumanap bilang si Grace; habang sina Tonton Gutierrez at Sheryl Cruz naman ang gumanap bilang sina FPJ at Susan.

THE DISCOVERY. Ikinuwento rin ni Grace sa pagtitipong iyon kung paano niya nalamang isa siyang ampon.

“I was very young… siguro I was like Grade 1 or Grade 2.

“Basta, I remember because I had a classmate who was upset with me, so she basically used it as an insult na parang, ‘Ampon ka lang.’

“E, ano naman ngayon, di ba? Yung mga ganun.

“Pero at least ngayon, meron nang awareness na it’s actually a noble thing to be able to raise a child that’s not biologically yours, but then to teach that child to grow up to be responsible and decent.

“That’s why I believe early childhood is very important and affording the child the opportunity to grow up to be a responsible adult.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I owe it to my parents to be able to advocate that, na parang hindi naman kami menos dahil ‘yan ang komposisyon ng aming pamilya. Yun naman yun.”

Nakilala ba niya ang kanyang biological parents?

“No… and even my parents, we keep asking that.

“There was a time, to formalize the adoption, they have to publish in several papers kung ‘they found this child, ganito-ganyan.’

“May mga lumapit na fake. Di ba, alam mo naman yung fake?

"Tapos you just have to investigate further. And then, yun pala, they’re just interested in some sort of compensation.

“So, wala talaga, wala naman.

“I’m grateful for the fact that at least they [her biological parents] chose life.

“But then, you can’t also take it away from me that my parents in my heart, of course, are the ones that really sacrifice so much raising me.”

Base sa mga impormasyong naglalabasan ngayon, si Grace ay inabandona noong sanggol pa lamang siya sa Jaro Cathedral sa Iloilo noong 1968.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinalaki siya ng isang yaya na nagngangalang Sayong Militar, dinala sa sugar heiress na sa Tessie Ledesma Valencia, hanggang sa inampon na nga siya nina FPJ at Susan Roces.


MARCOS’S DAUGHTER? Sa nasabing interview ay sinagot din ni Grace ang matagal nang kumakalat na haka-hakang ang tunay raw niyang ama ay si dating President Ferdinand Marcos.

At ang sinasabi namang tunay na ina raw ni Grace ay ang dating Sampaguita Pictures star na si Rosemarie Sonora, nakababatang kapatid ni Susan Roces at ina ng aktres ding si Sheryl Cruz.

“Oo naman!” bulalas niya nang matanong kung alam niya ang tungkol dito.

“Alam mo ba, si Girlie Rodis [talent manager], nagsulat ng article…

“Kasi sabi ni Girlie, ‘Grace, submit naman to me the top ten books that you like.’

“So, ako naman, excited, di ba?

"Oh, my God, bigla ba naman… di ba, may mga blog… may mga nag-aano.

“Nakalagay dun, ‘Oh, yes, Grace Poe is really a book-lover and well-read just like her biological father, who is a former president.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Dyusko, ano ba naman ‘to?’

“Sinabi pa… di ba, kung tinanggal yung biological, maiisip ko pa baka si FPJ who was a president, kasi, di ba, may mga issue na siya naman talaga yung nanalo [sa 2004 elections]?

“Pero hindi, inilagay talaga.

“Ang sabi ko, ‘Whatever!’

“Kaya nga pag nakikita ko si Bongbong Marcos, nagha-hi ako, baka sakaling maambunan ako ng hidden wealth!

“Hindi, loko lang… loko lang…” natatawang bawi ni Grace sa huling sinabi.

At pagkalipas ng mahigit dalawang taon pagkatapos ng interbyung iyon, muli na namang inuungkat ngayon ang istorya sa likod ng pagiging ampon ni Senator Grace.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close