Richard Gutierrez on rift between mom Annabelle Rama and sister Ruffa: "It’s hard to choose sides."

Richard Gutierrez on mom Annabelle Rama’s presence at his events/presscons: "Ang mom ko, ganyan lang talaga, she’s very supportive sa akin pagdating sa career ko. Nakita niya siyempre ang lahat ng nagawa kong projects, lahat ng pinagdaanan ko. So, every time na may bagong project ako, she’s very excited and she’s very supportive."


Kapansin-pansin sa entertainment press ang presence ng talent manager na si Annabelle Rama sa halos lahat ng events o presscons na dinadaluhan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Katulad na lamang sa presscon ng bagong show ni Richard sa TV5, ang KISPinoy (K-Pop Icon Search Pinoy Edition), nitong Miyerkules, June 3.

Sa lahat ng mga nag-aartistang anak ni Annabelle, tanging si Richard lamang ang sinasamahan nito sa mga event.

Natatawang pagsang-ayon ni Richard, “Since Day 1, since nasa Click ako, lahat talaga, nandun siya!”

Dahil dito, sinasabing siya talaga ang pinakapaborito ni Annabelle sa kanilang magkakapatid.

“Hindi, hindi ako ang paborito niya!” natatawang tanggi ni Richard.

“Ang mom ko, ganyan lang talaga, she’s very supportive sa akin pagdating sa career ko.

“Nakita niya siyempre ang lahat ng nagawa kong projects, lahat ng pinagdaanan ko.

“So, every time na may bagong project ako, she’s very excited and she’s very supportive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Richard kumpara sa ate niyang si Ruffa Gutierrez, hindi ganun kaistrikto sa kanya ang kanilang ina.

“Oo naman, malayo.

“Yung mom ko, hindi siya strict sa mga boys. For some reason, ever since.

“Actually, since mga teenagers pa kami, we have more freedom since boys kami.

“Pero yung ate ko talaga ang nakakatikim ng pagka-strict.”

RIFT BETWEEN HIS MOM AND SISTER. Hindi naman kaila ang alitan sa pagitan nina Annabelle at Ruffa.

Tinanong ng PEP si Richard kung naaawa rin ba siya sa kanyang ate kapag nagagalit dito ang mommy nila at pinaghihigpitan.

Pero natatawang pag-iwas niya, “Mahirap mag-comment sa ganyan! It’s hard to choose sides.”

Aawayin ba siya ng kanyang mommy kapag nag-comment siya?

Tawa pa rin ng aktor, “Mahirap mag-comment sa ganyan!

“Pero nakikita ko kasi ang point nilang dalawa. Yun ang mahirap dun.

“Nakikita ko ang point ng mom ko.

“Siyempre, yung ate ko, she can make her own decision.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinakausap ba niya pareho ang mommy niya at si Ruffa para kahit paano ay magkasundo ang mga ito?

“Oo,” sambit ni Richard.

“Well, yung ate ko, palagi kong kausap about it.

“Kaming dalawa ng ate ko, we’re very open about each other sa mga ganyang topic.

“Pero ang mom ko, kapag kinausap ko na, titingin na sa ibang direksiyon yun.

“Medyo hindi mo na mababago ang isip niya.”

May mga nagiging argumento rin ba sila ng mommy niya?

Sabi ni Richard, “Siyempre, hindi mo naman maiiwasan yun, especially noon.

“Pero ngayon, parang hindi naman masyado.”

Ano ang ginagawa niya para hindi lumaki ang anumang ‘di nila pagkakaintindihan?

“Actually now, we see eye-to-eye. We understand each other, so okey ang relationship namin ngayon,” sabi ni Richard.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close