Sunshine Cruz on petition for annulment: “Sana ma-approve na para mas may freedom at peace of mind.”

Sunshine Cruz on petition for annulment to nullify her marriage to Cesar Montano: “Alam mo naman dito sa Pilipinas, hindi naman sa pag-aano… Pero kapag ang lalaki, kahit na hindi pa annulled, game lang. Pero ang babae, kapag nakita… ang sama ko na agad kapag may kasama ako at mapiktyuran lang na katabi ko na lalaki. Kawawa naman, napagbibintangan, ‘di ba? I will be unfair with them. Kaya nga I can’t even have coffee with you. So, hinta


Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsulpot ng kontrobersiya sa pagitan ng estranged couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Sa gitna ng mga isyung ito, hindi ba naaapektuhan ang tatlo nilang anak na babae, partikular na sa eskuwelahang pinapasukan ng mga ito?

Pahayag ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pinatawag sila and they were asked things, ganoon.

“But whatever na pinag-usapan nila, e, hindi ko na maikukuwento.

“Pero alam naman nung principal, nakasuporta naman sila sa mga bata.

“And, I’m just so proud na kahit ang dami naming pinagdadaanan, dalawa yung third honors ko at ang aking bunso ay first honor.

“So, it only shows na okey ang mga anak ko.

“Okey naman sila now. Ano sila, focused sila now, they’re happy.

“Noong huli nga, sabi ko nga, ‘Aba, biglang nag-excel ang mga bata noong medyo nalayo doon sa kabila. Aba, biglang nagtaasan ang grades.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko, maybe there’s really something wrong.”

Dagdag pa niya, “Yes, they’re okay, they have adjusted na.

“They like our new house.

“Kahit simple lang... ang bahay naman namin ay hindi naman ganoon kalaki at ang kalahati noon ay utang ko pa sa aking nanay.”

BULLYING. Nakakaranas ba ang mga anak niya ng pambu-bully sa eskuwelahan?

Sagot ni Sunshine, “Walang bumu-bully sa kanila doon. Wala namang nagbu-bully sa kanila.

“But, of course, the principal maybe needs to know what’s in their heart, what really happened sa mga isyu, but okey naman.

“Well-protected sila. Okey naman ang La Salle [Santiago Zobel School in Muntinlupa].

“Wala akong masabi sa school na ‘yun.”

Paano yung mga kaklase ng kanyang mga anak, may mga nagtatanong ba tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng kanilang pamilya?

Pahayag ng Kapamilya actress, “A, meron daw…

“Siyempre minsan nakakapanood siguro, ‘Is it true?’

“Ang sinasabi lang daw nila [her daughters], ‘It’s something personal. Let’s not talk about it.’ Hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super-talino ang mga ‘yan. Sobrang proud ako sa kanila.

“Puwede silang pakawalan at saka tinuturuan ko sila to be independent, na maging strong.

“'Siyempre kapag may nang-bully sa inyo, huwag kayong magpapaapi.'

“Yun ang sinasabi ko kasi puro na nga kami babae, ‘di ba?

“But not to the point na sasapakin nila yung mga nambu-bully sila.

“Sabi ko nga, if you have to tell them, ‘My mom will know this and my mom will talk to you,’ sabihin ninyo, ‘di ba?

“Or go to your teacher kaagad and tell them the story.

“Very vocal naman sila sa akin at kapag meron silang crushes, open naman sila.

“Pero ano naman, may deal kami, ‘O, you have to tell me who your crushes are and I will tell you who my crush is.’

“So, may ganyan kami, kaya parang magbabarkada lang and, I think, it’s working naman.

“Thank God it’s working.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRUSHES AND SUITORS. Sinasabi ba naman ng mga anak niya sa kanya kung sino ang crush nila?

“Oo, may crush sila sa school. Lahat sila may crush na sa school.

“Pero sabi ko sa kanila, ‘Hanggang crush lang, ha. Ang babata n’yo pa. Huwag ninyong unahan si Mommy. Ako muna!’” natatawang kuwento ng 37-year-old actress.

Hindi ba’t sinasabi naman ng mga ank niya sa kanyang payag na silang magkaroon siya ng boyfriend kahit mas bata sa kanya?

“Tawa lang ako nang tawa kasi ano sila…

“Basta sinasabi nila sa akin na kung puwede raw, ka-age ko, ka-age bracket ko.

“Sabi nila, ‘Even a guy younger than you is okay as long as you are happy.’

“Basta ayaw nilang matanda sa akin.

“Siguro ang feeling nila, pareho lang din ang magiging sitwasyon ko if I find someone na matanda, yung ganoon.

“So, sabi nila, ‘You know, Mom, maybe you should try someone your age. You look young, Mom, and it is possible you will also like someone as young as you and he will make you happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILL JUST WAIT. Bakit payag ang kanyang mga anak na magkaroon na siya ng boyfriend? Nakikita ba nilang malungkot siya?

Paliwanag ni Sunshine, “Ang nakikita lang nila sa akin, trabaho ako nang trabaho at uuwi ako ng bahay, tulog, tapos I’ll spend time with them.

“Yun lang ang iniikot ng buhay ko talaga—trabaho at mga anak ko.

“Saka ako kasi, ayaw ko pa naman… marami naman diyan nagti-text,” pagsisiwalat pa ni Sunshine.

Paano niya ini-entertain ang mga nagti-text sa kanya?

“I tell them naman, e, I’m honest with them.

“I’m not yet annulled at focus ko muna trabaho.

“Alam mo naman dito sa Pilipinas, hindi naman sa pag-aano…

“Pero kapag ang lalaki, kahit na hindi pa annulled, game lang.

“Pero ang babae, kapag nakita… I have nothing against it.

“Pero for me lang, ang sama ko na agad kapag may kasama ako at mapiktyuran lang na katabi ko na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kawawa naman, napagbibintangan, ‘di ba?

“I will be unfair with them. Kaya nga I can’t even have coffee with you.

“So, hintayin ko na lang muna,” pagtukoy niya sa petition for annulment nila ni Cesar, na nauugnay naman ngayon sa dating beauty queen na si Sandra Seifert.

Dagdag pa ni Sunshine, “So, sana sooner or later, since open na rin naman yung kabila na nagdi-date na.

“Kaya sana ma-approve na para mas may freedom at peace of mind at kahit anumang ties.”

Ilan ang mga nagti-text sa kanya?

“Wala na! Natakot!” tawa niya.

“Simula nang magkagulo-gulo…

“At saka mga lalaki ‘yan, siyempre alam mo na!”

Kung may nagti-text, for sure may mga nagpaparamdam din sa kanya in person?

“Ang sarap ng bibingka!” natatawang iwas ni Sunshine sa tanong.

“Wala, hindi… Kung meron man, parang hindi ko nga priority pa. Hindi talaga.

“Of course, hindi naman mawawala yung mga ganyan, e. Pero hindi ko talaga prayoridad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung meron, bakit… bakit hindi?

“E, basta ba naman may sariling trabaho at hindi pabigat. Tatanggapin niya ang mga anak ko at tatanggapin siya ng mga anak ko.

“Keber ko ba naman sa isipin ng ibang tao. Basta masaya ako at hindi siya pabigat.”

Mahilig pa rin siya sa guwapo?

Sagot ni Sunshine, “Basta hardworking at loyal.

“Kaya nga ipinagdarasal ko ‘yan. Kung sino ang ibibigay ni God sa akin.

“Kinakausap ko naman si God dahil sabi ko, ‘Sa pinagdadaanan ko, alam ko may inilalaan Kayo sa akin.’

“Guwapo, mabait, mayaman… Hindi man mayaman, kahit hardworking.

“May deal na kami ni God tungkol diyan.”

Sabi pa niya, “Kailangan specific ang request kay Lord.

“Kahit sa pera, ‘Lord, bigyan mo ako ng P1.5 million. Taasan Mo na rin ng konti para kung bumaba man ng konti, meron pa rin.’

“Dapat be specific.”


ENTERING SHOWBIZ. Susuportahan ba niya ang mga anak niya kapag nagdesisyon ang mga itong pasukin din ang showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sunshine, “Susuportahan ko naman sila, pero sila naman ang nagsasabi mismo sa amin na after they finish studies, then saka sila magde-decide.

“So, nakakatuwa na, this early, alam nila kung ano ang gusto nila sa buhay, at yun ay makatapos muna ng pag-aaral bago pumasok sa kung ano ang gusto nila.”

Maganda ang boses ng mga anak ni Sunshine. May plano ba ang mga itong sumali sa mga singing contest, gaya ng The Voice Kids?

Ayon kay Sunshine, “Uhm, lalo na si Sam, yung gitna na ten-year-old, na napakaganda ng boses talaga.

“Pero school muna, ang gagaling nila sa school.

“Pero pinagsayaw yung panganay ko sa ASAP recently. Kasama si Enrique Gil, sumayaw na siya.

“Ang ganda naman ng feedback.

“Summer vacation daw kasi ng mga bata… anak ni Angelu [de Leon] nandoon… kasama si Angelina.

“Nakakatuwa at proud na proud ako sa anak ko.”

Dagdag pa niya, “Lahat yun, kumakanta. Pero later on na lang muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Angelina, gustong maging beauty queen.

“E, puwede naman, kasi 13 pa lang siya, halos maabutan na ako sa taas, e.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close