Sunshine Cruz denies seeking attention from her ex via sexy photos: "Hindi kaya! Bakit ako magpapapansin?"

Sunshine Cruz on maintaining her sexy figure: "I’m doing it for myself. I’m doing it for people na tinitingnan ako na kahit papa’no nagiging inspirasyon nila ako. Yun yung sa akin. Hindi ko naman kailangang magpapansin."


Pinag-usapan ang paglabas ng Instagram photos ni Sunshine Cruz kung saan naka-two-piece swimsuit siya.

Marami ang nagsasabi na sa edad niyang 37 at sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak ay napanatili pa rin ni Sunshine ang kanyang kaseksihan.

Look: WOW Wednesday: Sunshine Cruz is sexy because of this man...

Kuwento ni Sunshine tungkol sa kanyang sexy photos, “Nakakatawa, e, yung yaya ko, siyempre, ‘di ba, kahit naman nagseksi-seksi tayo, nangangalawang din tayo.

“So, okay, ‘Take na tayo. Bilis, bilis, bilis. Pose, pose, pose. Okey, tapos na. Yung bandana! ‘Yung bandana!’ Ganoon ako.

“Pero ‘eto na lang, summer ulit, parang you have a reason to wear your swimsuit na pinag-usapan na nag-two-piece ako.”

Ngunit paglilinaw ng aktres, “Hindi naman dahil sa meron kang gustong patunayan, but you’re here...

"Ako, as a mom, single mom of three, I want to inspire other moms na not because meron na kayong mga anak, magpapabaya na kayo sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat alagaan ninyo pa rin rin ang sarili ninyo.

“Not for your husband, not for other people, but for yourself.

“Kasi nag-iisa lang ang katawan natin, so we should stay healthy.

“If you want to live long, you have to take care of your loved ones, your family, your kids, kailangan malakas ka.

“Ako ngayon yun, kasi hindi naman ako nag-e-exercise noon. Ngayon, nag-e-exercise na ako.

“Yun ‘yon and not for anything else.

“Kasi siyempre, yung ibang mga tao, sinasabi nila, ‘Hmmm, ano lang ‘yan, nagpapapansin lang ‘yan sa ex niya,’ yung mga ganoon.

“Hindi kaya! Bakit ako magpapapansin?

“I’m doing it for myself.

“I’m doing it for people na tinitingnan ako na kahit papa’no nagiging inspirasyon nila ako. Yun yung sa akin.

“Hindi ko naman kailangang magpapansin.

“Hindi naman ako pinalaking KSP ng nanay ko, ng mga magulang ako.

“Ako, basta I’m doing my job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m doing things na alam kong makaka-inspire or makakabuti sa ibang tao.”

BACK TO FHM. Okey pa rin ba siyang mag-pose ulit ng sexy sa isang men’s magazine?

Sabi ni Sunshine, “Yung Uno was getting me, but I declined, kasi okey na sa akin na nag-FHM ulit ako. But who knows, ‘di ba?

“But, at that time, I was firm with my decision not to pose again muna nang seksi, kasi ayaw na rin ng mga anak ko after FHM.

“Sabi ko [sa mga anak ko], ‘Are you okay again that Mommy will pose for another men’s magazine?

“‘No more na muna, Mom.’

“So, of course, yung una, okey sa kanila. Ipinagpaalam ko yun sa kanila. It’s so nice.

“Pero, of course, noong ipinapakita mo yun, nakikita pa rin nila yung ibang pages sa magazine na may mga babaeng labas yung ganyan.

“So, sabi ko nga, okey na… si Tito Alfie [Lorenzo, her manager] ang nag-yes doon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And lahat naman ng restrictions ko that time, pinayagan ng FHM. So, who I am to say no?

“Okey na yun. Na-prove na natin na kahit may tatlong anak tayo, e, ganoon pa rin ang katawan natin.”

HOT MAMA. Ano ang pumapasok sa isip niya kapag sinasabing “hot mama” siya?

Saad ni Sunshine, “Hindi, nakakatawa lang… momma, cougar, ganoon.

“Kapag may nagme-message sa akin ng MILF, binubura ko. Pangit ang ibig sabihhin nun, e.

“Kasi parang kapag sinabing MILF, magandang pakinggan. Ano yun, e… pangit ang kahulugan.

“Akala nila hot mama, okey na sa akin, tanggap ko kapag sinabing hot momma ako.

“Binubura ko lagi sa Instagram kapag may nag-e-MILF sa akin.”

Ayon pa kay Sunshine, “Alam mo kung sino ang hot momma para sa akin? Si Ina Raymundo.

“She has five kids. Ako, I only have three kids.

“Sinasabi ko nga sa kanya, kapag nagkikita kami, ‘You know what, I’m so happy for you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It only means na tayong mga dating naging sexy star still have chance to be happy and to have a perfect family.

“Sabi ko nga, ‘Bakit eto, dati nagseksi, kita pa ang private part niya sa Burlesk Queen, pero mahal na mahal siya ng asawa niya? Ang ganda ng pamilya niya. Bakit hindi ko nakamit ‘yon?’

“O si Patricia Javier… sino pa bang nag-seksi noon na happy naman ngayon?

“Parang sa akin, I know I deserve that also—to be happy.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close