Winwyn Marquez discourages mom Alma Moreno to run for higher position

Kung si Winwyn Marquez ang masusunod, ayaw na niyang tumakbo ang inang si Alma Moreno sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections. Si Alma ay isa kinukunsidera ng UNA para sa kanilang senatorial lineup.


Dati ay naging vice president ng Sangguniang Kabataan sa buong Parañaque ang kapuso actress na si Winwyn Marquez.

Wala ba siyang planong tumakbo sa kahit na anong posisyon sa 2016 elections?

“Wala po, wala po!” natawang sagot ni Winwyn sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng telepono, noong June 3.

“My brother will run though, si Vandolph [Quizon], tatakbo siya for councilor sa Parañaque.

“My brother Jeremy [Marquez], I think, will run also for vice mayor… and sila muna siguro.

“Masaya naman po ako sa ginagawa ko sa showbiz ngayon, focused na muna ako dito.

“Maybe someday. Someday, not now.”

Hindi naman daw isinasara ni Winwyn ang kanyang pintuan na maging public servant balang-araw.

“Bahala na po kung ano’ng meron sa future.”

Ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez ay hindi rin daw tatakbo sa 2016 elections.

“Hindi po siya tatakbo, wala po siyang plano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALMA MORENO. Ang ina niyang si Alma Moreno?

“Si Mama kasi, last term na niya po as councilor [ng Parañaque].”

Ano ang susunod na plano ng mommy niya?

May balita kasing isa si Alma sa kinukunsidera ng UNA para sa kanilang senatorial lineup sa 2016 elections.

Sabi ni Winwyn, “Wala pa po, hindi pa po siya nagde-decide, actually.

“Iniisip niya po kung ano’ng gagawin niya.

“Pero ako po kasi, ayoko na siyang tumakbo for any position, kasi yung health niya nga po.

“Delikado po kasi sa health niya dahil sa multiple sclerosis niya, hindi naman siya puwede talagang magpagod nang sobra.

“And if she goes for a higher position, parang delikado sa health niya.”

Paano kung gusto pa rin ng mommy niyang tumakbo?

Sagot ni Winwyn, “Wala akong magagawa, susuportahan ko kung saan siya masaya, kahit ayoko.

“Siyempre, mommy ko pa din yun.

“Pero I encourage her not to run and think about her health first and, you know, rest muna kasi nine years na siyang konsehal, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s been doing this for nine years.”

Samantala, for the very first time ay magsasama ang mag–inang Winwyn at Alma sa isang proyektong pang-drama.

Ito ay sa drama anthology na Magpakailanman—“Ina, Bakit Mo Ako Pinabayaan?” episode—na mapapanood sa Sabado ng gabi, June 6, sa GMA.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close