Winwyn Marquez on relationship of brother Jeremy with Gwen Zamora: “I think they’re really in love!”

Winwyn Marquez on breakup with her non-showbiz boyfriend: “Ano lang naman po yun, siguro mas gusto lang naming i-prioritize yung mga work namin. I thought nga it was just in the movies na ganyan yung rason, pero actually… I’m still young I’m only twenty-three and he’s my first boyfriend. And I just want to really focus on what I want to do right now.”


“I think they’re really in love!”

Ito ang tumatawang bulalas ni Winwyn Marquez nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa relasyon ng kanyang half-brother na si Jeremy Marquez sa aktres na si Gwen Zamora.

Close ba sila ni Gwen?

Sagot ni Winwyn, “Hindi pa kami masyadong close, I seldom see her.

“Pero pag nagkikita kami, she’s very kind, she’s very sweet.

“Nag-uusap kami ng girl talk, ganyan.

“I tell her na sobrang sweet ni Kuya Jeremy, ngayon ko lang siya nakita na ganun, actually.”

Ano ang reaksiyon ni Gwen?

“Natuwa naman siya, and nagulat din siya na ganun yung sinabi ko.

“And ang ganda-ganda kasi ni Gwen.

“So, parang sobrang lucky ng kuya ko.”

Dagdag pa niya, “I’m so happy for them.”

LOVELESS. Si Winwyn naman ay loveless sa ngayon.

“Masaya kasi ako na single, kasi kakalabas ko lang po sa relationship, like seven months ago, so wala po muna talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang flight attendant ang dating boyfriend ni Winwyn.

“We still are friends and we’re okay, we’re okay,” banggit niya.

Ano ang dahilan ng breakup nila?

“Ano lang naman po yun, siguro mas gusto lang naming i-prioritize yung mga work namin.

“I thought nga it was just in the movies na ganyan yung rason, pero actually…

“I’m still young I’m only twenty-three and he’s my first boyfriend.

“And I just want to really focus on what I want to do right now.”

Nilinaw naman ni Winwyn ang balitang nagkakamabutihan at nagde-date daw sila ni Mark Herras.

Sabi niya, “We’re good friends.

“Five or six years na yata kaming magkasama sa Sunday All Stars and same kami ng barkada.

“Nagkakausap kami kasi siyempre isang group lang but we’re not dating po.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close