Luis Manzano on mom Vilma Santos’s track record in politics: "I would not be surprised if people wanted her to run for a national position."

Kung papasok man si Luis Manzano sa pulitika, suportado naman daw siya ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin. Sabi ng TV host-actor, “Kahit anong gawin ko, suportado ako ni Angel."


“You know, honestly, in terms of my mom’s political plans, never akong nagtanong.”

Ito ang naging pahayag ni Luis Manzano tungkol sa political plans ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos.

May mga usap-usapan kasing gusto raw ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Governor Vi ang maging running mate niya o vice-presidential candidate ng kanyang partido sa 2016 national elections.

Read: Batangas Governor Vilma Santos no comment on alleged offer of Mayor Duterte to be his running mate in 2016 elections

Pero ayon kay Luis, “Kami, especially kapag nagkakasama kami ni Mommy, medyo bihira na dahil sa mga busy schedule namin.

“Pero when we have dinner or kuwentuhan namin, we leave politics outside.

“It is basically catching up lang ng isang ina at ng isang anak."

Dugtong pa niya, “Anything na politics, anything na ganyan, hindi namin pinag-uusapan.”

Ano ang masasabi ni Luis sa mga nanunuyo sa kanyang ina para tumakbo bilang Vice President sa 2016 elections?

Sagot niya, “With her track record, how she has served Lipa and Batangas, I would not be surprised if people wanted her to run for a national position.

“It makes me proud as a voter and as a son na parang ganun ang tingin nila sa mommy ko bilang isang pulitiko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Luis sa #SayNoToNgilo Sensodyne Event, ngayong Biyernes ng umaga, June 5, sa Makati Shangri-La Hotel.


WILL HE RUN? Sa naturang event ay tinanong din si Luis kung siya ba ay may plano ring maging isang pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Yun nga. Kapag na-prioritize ko siya, I would have to take a step back din naman sa showbiz.

“Pag nag-decide na din talaga ako na, yes, I want to serve, talagang kailangan ko magpahinga from showbiz.

"Or at least [do] very minimal work.

“Hindi ako puwede tumanggap ng daily show habang tumatakbo ako.

“Napaka-unfair naman yun sa mga boboto sa akin.

“Sabi ko nga, yung tiwala nila sa iyo, para sa kabuhayan nila, pero bigla na lang ang focus mo na lang ay daily show.

“I have to weigh everything.”

Suportado ba siya ng kanyang nobya na si Angel Locsin?

Pabirong sagot ni Luis, “Kahit sa bahay lang ako, kamutin ko tiyan ko, suportado niya ako.

"Kahit anong gawin ko, suportado ako ni Angel."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN