Winwyn Marquez dismisses rumored relationship with Mark Herras; Alma Moreno comes back to showbiz fulltime.

Winwyn Marquez (left) says she doesn’t have plans yet of having a boyfriend. Meanwhile, her mother Alma Moreno (right, hugging Winwyn) is hopeful acting offers will come after her acting return in Magpakailanman last night, June 6.


Hindi raw totoong nililigawan ni Mark Herras si Winwyn Marquez.

Sa guesting nila ng kanyang inang si Alma Moreno sa Startalk kahapon, Sabado, June 6, sinabi ni Winwyn na wala siyang planong magpaligaw sa ngayon, lalo na't kakatapos lang niya sa isang seryosong relasyon.

“No. Actually hindi po talaga, ayokong magpaligaw ngayon.

“Kasi I just came out of a serious relationship. Isang boyfriend lang po, non-showbiz.

“And wala po ako sa posisyon na pumasok sa isa pang relationship.”

Dagdag pa niya, “Kasi five to six years na kaming magkakasama 'tapos isang grupo lang kami sa SAS [Sunday All Stars], lagi kaming magkakasama.

“We go out, we talk, yes.

“Nagte-text, kamustahan pero not to the point na we’re dating. Wala pong ganun.”

Sumingit naman ng tanong ang kanyang ina, “Pero lumalabas kayo?”

Subalit hindi na nakasagot si Winwyn nang kantiyawan ng host na si Lolit Solis si Alma, na kilala rin bilang Ness sa showbiz. “Nakikiano, oh!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ness, na-meet mo na ba si Mark?” tanong ni Lolit.

“Oo!” sagot ni Alma.

Tinanong siya ulit ni Lolit kung papayag ba siya na ligawan ni Mark si Winwyn.

Tugon niya, “Hindi sa 'kin kasi, si Mark naman mabait lalo naman, alaga mo yun, Lolit.

“I mean ano, napakamarespeto ni Mark [sa akin].

“Sabi ko naman sa kanya [Winwyn], basta ang importante i-enjoy mo lang.

“Kung may nanliligaw sa 'yo, i-accept mo lahat. Pero focus mo lang sa work.”

Tinanong naman ng isa pang host ng show na si Heart Evangelista kung okey lang ba kay Winwyn na magkaroon ng boyfriend na may anak.

Sagot niya, “Oo naman.

“Wala naman po kasing kaso yun if talagang love mo yung person. You will accept everything kung anong meron siya. Kahit ano.

“Wala naman po kasing kasalanan yung anak or anything, 'di ba?

“So if you love the person, you will accept everything that he has."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaanak si Mark at ang kanyang dating non-showbiz girlfriend na si Dianne Evangelista.

ALMA’S SHOWBIZ COMEBACK. Kagabi ay nagkasama sa isang episode ng Magpakailanman sina Winwyn at Alma.

Ito ang kanilang unang pagsasama sa telebisyon at sa drama.

Read: Winwyn Marquez on first acting project with mom Alma Moreno: "Nataranta ako!"

Ayon kay Alma, ito ang kanyang comeback sa pag-arte matapos ang ilang taon.

Huling napanood si Alma sa TV remake ng kanyang pelikula na Eva Fonda noong 2008, na pinagbidahan naman ni Cristine Reyes.

“Almost 10 years na wala akong ginawang drama, ito yung pagbabalik ko.”

Tanong naman ni Lolit sa kanya, “Nakaarte ka ba?”

Sagot ni Alma, “Panoorin mo, 'Nay!”

"Nay" o "Nay Lolit" ang tawag ng karamihang malalapit na kaibigan at katrabaho ni Lolit Solis sa kanya.

Dagdag naman ni Winwyn, “Naku, Nay, nakakatakot po siya, kasi meron po kaming sampalang eksena dito, para pong may galit sa 'kin yung nanay ko nung sinampal niya 'ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So hugot siya, hugot ako, ibang klase first time.”

Dagdag na kuwento naman ni Ness, “First time naming nagkasama sa drama na siya yung bida.

“'Tapos lahat ng eksena, puro iyak, iyak, iyak.

“'Tapos may sampal ako dapat isa lang, dinoble ko yung sampal ko sa kanya, panoorin nila yun.”

Ayon pa kay Alma, tuluy-tuloy na rin daw ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.

“Yes, Nay, tuluy-tuloy na. Kung may mga offers sa 'kin na maganda, why not?”

Huling hirit ni Lolit, “Professional ka na ba?”

“Oo naman! Nanay, grabe ka, puro ka tira [sa ‘kin]! Na-miss mo ko talaga, 'no?”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close