Robi Domingo denies rumored relationship with a probinsiyana: “Grabe, binata na talaga ako!”

Natatawa na lang si Robi Domingo na matapos ang isyung nabuntis niya ang kanyang girlfriend na si Gretchen Ho, ang intriga namang may inuuwian daw siyang babae sa probinsiya ang kumakalat ngayon. Pero kumpiyansa naman siyang hindi ito makakaapekto sa kanila ng nobya. Sabi ni Robi, “I think this is one issue na pagtatawanan lang naming dalawa.”


Kamakailan ay lumabas ang isyung nabuntis daw ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang kanyang girlfriend na si Gretchen Ho.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Robi.

Sabi niya, “Nung nalaman namin yun, tinanong ko kaagad siya, e, ‘Gretch, buntis ka ba?’

“Sabi ko, 'Paano? Paano nangyayari, e, kasi imposible talaga.’

“Hindi mangyayari kasi both of us... we keep the relationship in a very, very... paano ba sabihin ‘to?

"Siguro, very safe, and very sacred manner na talagang inisip namin hindi talaga agad yung act, e.

“We want this relationship to grow talaga.”

Read: Robi Domingo on girlfriend Gretchen Ho pregnancy rumor: “Ako na mismo ang nagsasabi, imposibleng mangyari.”

Ngayon, may bago na namang isyung ikinakabit sa 25-year-old TV host. Diumano, may inuuwian siyang ibang babae sa probinsiya.

Natawa si Robi sa isyu.

Sabi niya, “Ayan ang natawa din ako!

"Nabasa ko ‘yan kahapon [June 5], at nung binabasa ko ‘yan, sabi ko, ‘Grabe, binata na talaga ako!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung mga isyu na hinaharap ko dati, parang dati, puro hindi na nag-aaral... puro ganun-ganun.

“Ngayon, babae na.

"Sabi ko, ‘Level up when it comes to issues.’"

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Gretchen kaya hindi pa niya ito nakakausap tungkol dito.

Pero tiwala naman daw si Robi na hindi ito magiging problema sa kanilang relasyon.

Sabi pa ng Kapamilya star, “I think this is one issue na pagtatawanan lang naming dalawa.

“Kasi alam ng ABS-CBN, alam ng management, alam ng Star Magic kung saan ako pumupunta.

"And for the past five months, I dedicated myself to my work talaga e.

“So, imposible talagang mangyari yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Robi sa Yamaha Motorshow 2015, sa Mall of Asia Atrium, ngayong Sabado ng tanghali, June 6.


ON ALEX GONZAGA. Samantala, ipinagtanggol naman ni Robi ang dati niyang kasamahang si Alex Gonzaga kaugnay ng isyung may attitude problem daw ito kaya hindi na kinuha bilang co-host sa Season 2 ng The Voice Kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Robi, “Alex is very professional.

"She’s very friendly to the staff, and she’s a very good friend to have."

Nanghinayang din daw siya sa magandang samahang nabuo nila ni Alex noong Season 1.

“Nung nalaman ko yun [na hindi na siya kasama], nalungkot ako.

"Kasi iba talaga yung tambalang Pards, e—yun yung tawagan namin sa isa’t isa.

“Alex is funny, witty.

"For me, she’s the best partner I could ever have when it comes to hosting.

"Kasi jibe kami, e, sobrang jibe kami.

“Ang problema lang kasi, sobrang ang dami niyang ginagawa during that time, at hindi niya ‘ata ma-handle yung situation when it comes to The Voice Kids.

“Siyempre kailangan i-incorporate din natin yung mga schedules ng mga coaches, schedule ni Luis [Manzano], schedule ni Yeng [Constantino] ngayon, at nung mga bata.

"E, parang sumakto dati sa Inday Bote at saka sa concert niya, kaya hindi siya nakasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Yeng ang pumalit kay Alex sa The Voice Kids Season 2 na nagsimula ngayong gabi, June 6, sa ABS-CBN.

Read: Yeng Constantino excited to host The Voice Kids; puts baby plans on hold


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close