Ryza Cenon says she’s happy being a Kapuso despite being given supporting roles: “Masaya naman ako, e.”

Ryza Cenon admits that she sometimes contemplates considering other network offers: "May mga times sigurong hindi naman maiiwasan yun. Ngayon sa age ko, parang hindi na ako naghahanap ng break or something. Gusto ko lang maging successful sa lahat ng bagay.”


Hindi itinatanggi ni Ryza Cenon na may mga sandaling nag-aalinlangan siya sa estado niya sa GMA-7 lalo't pawang mga supporting roles na lang ang naibibigay sa kanya ng istasyon, gaya na lamang sa bago niyang project na Buena Familia.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ryza kamakailan sa launching ng Starmobile Digital TV phone na ginanap sa Capitol Commons, Pasig City, sinabi ng aktres na masaya siya at nabibigyan siya ng trabaho sa Kapuso network pero may pagkakataong sumasagi sa isip niya na lumipat na lang sa ibang istasyon.

Saad pa ng magandang aktres, "May mga times sigurong hindi naman maiiwasan yun.

"Pero gusto ko pa rin sa Kapuso.''

Ibig sabihin ba nito'y hindi na siya lilipat ng istasyon?

"Hindi, sobrang haba pa rin ng pasensya ko. Yun yung personality ko hangga't ano, e... masaya naman ako, e," bawi niya.

"Ngayon sa age ko, parang hindi na ako naghahanap ng break or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang maging successful sa lahat ng bagay, sa business ko and all," pahabol pa niya.

FOOD BUSINESS. Ang tinutukoy niyang anegosyo ay ang pinagsosyohan nila ng kapwa niya GMA artist at Starstruck alumna na si LJ Reyes, na isang kainan o restaurant.

Sabi pa ni Ryza tungkol dito, "Pero wala pa siyang puwesto. More on bazaar pa lang kami."

SEXY POSTINGS. Nitong nakaraang buwan, umani ng papuri si Ryza sa mga follower niya sa Instagram dahil sa sunud-sunod na pagpu-post niya ng kanyang photos na naka-two piece bikini.

Ito ay kuha sa isang bakasyon ng aktres.

The sea stirs the heart, inspires the imagination and brings eternal joy to the soul.☺️ thanks @eika.ph

A photo posted by iamryzacenon (@iamryzacenon) onApr 28, 2015 at 10:51pm PDT

Marami ang bumilib sa kaseksihan nito na ipinagpapasalamat niya.

Saad niya, bukas naman siya sa pagpapa-sexy kaya hindi siya nag-alinlangang maglabas ng mga bikini shots niya sa social media.

Nangingiting sabi pa ni Ryza, "Dati pa naman akong nagpapa-sexy. Nag-FHM na nga ako, e.

"So kahit ano naman ang ibigay sa akin, open naman ako, basta trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bakit parang urung-sulong siya sa pagpapa-sexy at hindi masasabing all-out?

Umaayon namang sabi ni Ryza, "Hindi nga ganong ka-all out. Pero hangga't kaya, hanggang sa kung ano ang kayang ibigay, iibigay ko."

LIMITATIONS. May mga limitasyon nga lang si Ryza kung sakali mang bigyan siya ng sexy challenging scenes.

Rason niya, "Siyempre, iniisip ko pa rin kung ano yung magiging balik sa akin no'n at sa kung ano ang gusto kong isipin ng tao sa akin.

"Mahirap gumawa ng isang desisyon na pagsisihan ko rin. Doon lang sa kaya ko.

"Kung ano yung kaya ko, malalaman ko kung may offer na or kung may ipapagawa sa aking daring role o scenes."

Kabilang si Ryza sa listahan ng taong ito ng FHM 100 Sexiest Women in the World.

Pero hindi muna raw siya rarampa.

LOVELESS. Tinanong din namin si Ryza kung may boyfriend siyang nagbabawal sa kanya na pagpapa-sexy.

Umiling ito at saka nagsalita, "Wala nga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''More on sa bahay lang ako. Masyado akong nagpu-focus sa business ko kasi kaka-start pa lang. Kailangan talagang tutukan."

May dalawang taon na raw mula nang maghiwalay sila ng boyfriend niya.

Aminado naman si Ryza na napaso siya kaya medyo may takot siyang muling magmahal.

Komento niya, "Tagal kasi nun, e. Six years yun, e."

Hindi pa ba siya nakakapag-move on?

"Nakapag-move on na. Kumbaga, ini-enjoy ko lang na wala kang iniisip, sarili mo lang, yung family mo."

Meron naman bang nanliligaw sa kanya ngayon?

"Meron naman. Meron akong dini-date pero non-showbiz siya."

Kailan ba siya magiging ready sa bagong relasyon?

"Hindi ko alam, e. Malay mo bukas ready na ako, ma-in love na akong bigla."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close