Mark Neumann admits being cautious about "crossing the line" with loveteam partner Shaira Mae: “I know where my line is and I’m not gonna cross it.”

Mark Neumann on relationship with loveteam partner Shaira Mae: “Masaya ako actually kapag kasama ko siya. Kapag sa taping, parang nagbabatuhan kami ng lines, ganun. Parang masaya ’ko sa kung ano ang meron kami ngayon—special friendship.”


Dahil nag-aral talaga ng baking ang Kapatid star na si Mark Neumann para sa kanyang karakter sa kanyang primetime TV5 series na Baker King, ipinamalas muna niya ang kanyang kaalaman at kakayahan sa pagbe-bake sa harap ng ilang piling miyembro ng entertainment press sa Kamuning Bakery, along Kamuning Road, Quezon City, noong June 4.

Minabuti ni Mark na gawin ang nasabing demo bago siya mapanood sa unang pagkakataon sa serye bilang si Tak Gu, at ang paggawa ng pandesal ang napili niyang i-demonstrate.

Na-enjoy raw ni Mark ang pagbi-bake kaya malaki ang posibilidad na ipagpatuloy niya ito kahit tapos na ang nasabing serye.

Kuwento ni Mark, “Actually, before pa, interesado na 'ko.

“Kasi bata pa lang po ako, since sa Germany ako lumaki, yung breakfast namin most of the time, kung hindi rice, bread...

“European bread at ako ang inuutusan sa umaga para bumili sa market ng freshly-baked bread. Palagi kong naaamoy sa market, ang bango.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, kaya na raw niyang mag-bake ng pandesal, Spanish bread, at pan de coco.

“Pero ang na-master ko, pan de coco,” lahad niya.

Nakuha pang magbiro ni Mark na kaya raw iba ang pandesal niya sa ibang pandesal ay dahil hindi raw siya naglalagay ng asin.

“Yung pawis ko na po, kasi topless. Topless nagmamasa, so natural salt,” natatawang sabi niya, sabay bawi ng, “Biro lang.”

Pero kung itutuloy na nga raw niya ang pagbi-bake, baka European breads ang gawin niyang specialty dahil nakikita raw niyang ilang bake shops lang sa bansa ang meron nito.

DILIGENT WITH HIS RESEARCH. Lumabas na nga at napanood na si Mark sa Baker King sa episode nito noong Biyernes kaya nakakailang taping days na rin daw siya. Kagagaling lang din niya sa taping nang makausap namin siya sa Kamuning Bakery.

Kumusta naman ang taping niya?

“Heto, okey na, nagbi-break-in na sa character and nararamdaman ko na ngayon ang puyat. Actually ngayon, isang oras lang ang tulog ko,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumpara sa ibang artista na gumagawa ng anumang remake na iniiwasang panoorin ang orihinal, si Mark naman daw, dalawang beses niyang pinanood ang Korean version nito.

Katwiran niya, “Before po kasi, hindi ko kilala ang show na ‘yan. But now, I’m really glad that I got to know the show. Napakaganda at napakagaling po nila.”

Pero ano ang dahilan niya na pinanood niya yung original?

“For me kasi, you need a base. Kailangan mong malaman ang story, yung cue ng character mo.

“Siyempre kailangan mo pa rin ng pointers for the character and you make up your own.

“Ako rin naman po kasi in real life, yung pagiging makulit, happy, ‘di ba?”

GETTING BETTER WITH HIS TAGALOG LINES. Habang kausap si Mark, napansin naming panay ang gamit niya ng Tagalog, at base sa kanyang pananalita, mukhang nahahasa na talaga siya nang husto sa tamang paggamit nito.

Sabi nga niya, ibinibigay raw niyang talaga ang best niya sa lahat ng ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung iba ba, hindi naibibigay ang best nila?

“Siyempre, ibinibigay rin po. Everyone contributes on their part,” nakangiting sabi niya.

NO RIVALRY WITH VIN. Kinumusta namin kay Mark si Vin Abrenica na kamakailan lang, may mga isyung lumabas sa pagitan nila kunsaan nagpahayag ito ng tila konting pagtatampo dahil parang si Mark ang napapaboran ng TV5 pagdating sa magagandang proyekto.

Read: Vin Abrenica admits tampo with TV5 for prioritizing Mark Neumann over him

Sabi naman ni Mark, “Okey naman po, walang nagbago.”

Hindi nakaapekto sa kanila ang mga lumalabas na balita?

“Kasi po, when we saw each other, baligtad naman ang mga nangyayari, parang ganun pa rin siya sa akin.

“Like a brother. he hugged me and seemed happy for me, parang wala naman pong nagbago.”

Ayon naman kay Mark, naiintindihan naman daw niya si Vin.

Aniya, “I kinda feel him. He’s also my brother, 'di ba? Hindi ko maiiwasan na nararamdaman ko ang nararamdaman niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung napunta kay Vin ang Baker King, magiging masaya rin ba siya para rito?

“Oo naman!” mabilis na sagot ni Mark.

“Talagang lalapitan ko ‘yan, sasabihin ko, 'Ayusin mo ‘yan, bro.' Ganun kami, e.”

PRESSURE. Pinakamalaking break nga na ibinigay kay Mark ng network ang Baker King kaya aminado itong nakakaramdam siya ng pressure.

Ayon kay Mark, “Napi-pressure po, hindi po mawawala.

“Ang laki po ng fan base nito. Meaning, ang laki po ng rating niya sa Korea. Hindi lang siya nag-air dito kundi sa buong Asia.

“Siyempre, ayaw po naming ma-disrespect or ma-disappoint yung mga viewers. Parang truthful kami sa story.

“As much as possible, sinusundan namin ang pinaka-story pero siyempre, may konting Filipino touch.”

Ngayong ginagawa na nga niya ang Baker King na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:30 ng gabi, naiisip ba niya kung bakit nga sa kanya napunta ang proyekto?

“I don’t know, kasi parang ayoko namang mag-claim ng anything na wala naman sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, I’m doing my thing, I’m doing my work and ginagawa ko ang best ko sa lahat ng binibigay sa akin.”

FLATTERED WITH COMPLIMENT. Diretsong tinanong namin si Mark kung ano ang reaksyon niya sa nasulat na ayon sa isang executive ng network, kung magaling lang daw sana magsalita ng Tagalog si Mark noon, posibleng siya talaga ang nanalo sa Artista Academy.

Matagal bago nakasagot si Mark, sabi naman niya, “Actually, ngayon ko lang po narinig ‘yan.

“Well, I think I’ll take it as a compliment,” saad niya.

“Si Vin, magaling po talaga si Vin, all-around siya and he can dance, he can act.

“Me naman, parang I tried my best sa competition. Okey naman sa akin, malaking biyaya na sa akin na nakapasok ako sa Top 6 noon.”

ON SHAIRA MAE. Tila nagulat naman si Mark nang tanungin namin kung alam niyang tila nagkakaroon ng “lamat” sa relasyon ng ka-loveteam niya na si Shaira Mae at sa boyfriend nito na si Edgar Allan kung pagbabasehan ang mga lumalabas na interviews nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bising-busy ko sa Baker King, hindi ko actually...” ang putol na reaksyon ni Mark.

Nagkaka-develop-an na ba silang dalawa?

“Masaya ako actually kapag kasama ko siya. Kapag sa taping, parang nagbabatuhan kami ng lines, ganun,” nakangiting sabi niya.

Posible ba siyang ma-develop kay Shaira Mae?

“Okey naman ako ngayon sa relation namin bilang special friend, pero..." natatawang sagot niya na parang hindi malaman kung ano talaga isasagot.

May “something” ba siyang napi-feel para sa ka-loveteam?

“Hindi naman po, pero parang masaya 'ko sa kung ano ang meron kami ngayon—special friendship.”

Dugtong din niya, “I know my lines. I’m not gonna cross my lines. I’m happy sa takbo ng ano namin, sa career bilang loveteam.”

Hindi nga kaya siya ang maging dahilan na magkasira nga ang relasyon nina Shaira at Edgar?

“Hindi naman po,” saad niya.

“Like I’ve said, I know where my line is and I’m not gonna cross it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis na “why not?” naman ang sagot niya nang tanungin namin kung nagkataong walang Edgar Allan sa buhay ni Shaira ay liligawan niya ito.

Aminado si Mark na kay Shaira ang tipo ng babaeng gusto niya.

Sabi pa niya, “Maganda siya yung in a simple way. 'Tapos simple lang siya. Simple girl rin at masipag siya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close