Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Vice President Jejomar Binay: "Ampon lang din ako."

by Rachelle Siazon
Jun 8, 2015
Vice President Jejomar Binay refutes speculations that he's involved in attack against Senator Grace Poe's citizenship and adopted status: “Mabuti pa nga si Mareng Grace, gumanda ang buhay niya [sa pagkakaampon niya]. Yung pagkakaampon sa 'kin, e, ako ang namamalengke, kumukuha ng kaning baboy. [Kaya] hindi si Jojo Binay ang nangdudusta sa mga nang-aapi.”

Pinabulaanan ni Vice President Jejomar Binay ang pahayag ni Senator Grace Poe na may kinalaman siya sa pagkuwestiyon sa kwalipikasyon ng senadora na kumandidato bilang Presidente sa 2016 elections.

Kakabit nito ang isyu tungkol sa pagiging ampon ni Senator Poe, pati na rin ang isyung kulang ng anim na buwan ang paninirahan niya sa bansa, gayong sampung taon ang required residency para sa mga gustong tumakbo sa pagka-Pangulo.

Si Senator Grace ay inampon ni Susan Roces at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., matapos matagpuan ang noo’y sanggol pa na si Grace sa isang simbahan sa Jaro, Iloilo.

Hindi umano kilala ni Senator Grace ang kanyang biological parents hanggang sa kasalukuyan.


NOTHING AGAINST GRACE POE'S ADOPTED STATUS. Pahayag ni VP Binay hinggil sa isyu, “May bahagi 'ata ng pananalita ni Mareng Grace tungkol sa pagkakaampon niya.

“Ako, si Jojo Binay, kukutsain ko yung mga ganyan? Hindi si Jojo Binay 'yan.”

Continue reading below ↓

Giit pa ni VP Binay, wala umano siya sa posisyon para kuwestyunin ang pagiging ampon ni Senator Grace, lalo pa’t adopted child din umano ang bise presidente.

Sabi ni VP Binay, base sa ulat ng GMA News Online noong June 5, “E, kasi ako, inampon din lang ako ng tiyo ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Mabuti pa nga si Mareng Grace, gumanda ang buhay niya [sa pagkakaampon niya].

“Yung pagkakaampon sa 'kin, e, ako ang namamalengke, kumukuha ng kaning baboy.

“[Kaya] hindi si Jojo Binay ang nangdudusta sa mga nang-aapi.”

Direkta ring tinanong ang bise presidente kung posibleng ungkatin niya ang isyung may kinalaban sa citizenship ni Senator Poe kapag palapit na ang 2016 elections.

Sagot niya, "Nandiyan na po 'yan e. Tingnan na lang [paano mangyayari]."


ATTACK AGAINST GRACE APPROVED BY VP BINAY? Taliwas ito sa paniniwala ni Senator Grace na may basbas ni VP Binay ang ginawang pagkuwestiyon ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco tungkol sa kanyang residency.

Continue reading below ↓

Sinundan ito ng pagkuwestiyon ni UNA secretary general JV Bautista sa citizenship o pagiging “natural-born Filipino” ni Senator Grace Poe dahil sa pagiging ampon ng senadora.

Ngunit sa kanyang speech sa Senado noong June 3, matapang na sinagot ng senadora ang mga isyung ipinupukol sa kanya at sinabing, “Kwalipikado po ako pero hindi pa po ako kandidato.”

Buwelta pa ni Senator Grace laban kay Tiangco na pinaniniwalaang kaalyado ni VP Binay: “Ganyan kalaking desisyon, walang sanction?”

“Unang-una, wala akong tagapagsalita, mayroon akong mga kaibigan na dumidepensa sa amin.

“Sila, sino ba si Toby Tiangco? Tagapagsalita nito?

“So, ganoon lang naman kasimple yun.”

Read: Senator Grace Poe hits back at Vice President Binay's camp; can prove that she is qualified to run for President

Read Next
Read More Stories About
Jejomar Binay
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice President Jejomar Binay refutes speculations that he's involved in attack against Senator Grace Poe's citizenship and adopted status: “Mabuti pa nga si Mareng Grace, gumanda ang buhay niya [sa pagkakaampon niya]. Yung pagkakaampon sa 'kin, e, ako ang namamalengke, kumukuha ng kaning baboy. [Kaya] hindi si Jojo Binay ang nangdudusta sa mga nang-aapi.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results