Kris Aquino plans to leave the Philippines and live in the US next year

Sinabi ni Kris Aquino sa episode ng Kris TV ngayong araw, June 8, na baka sa Amerika na siya maninirahan kasama ang mga anak dahil gusto nitong matuto si Bimby na sumakay ng school bus at iba pang gawaing-bahay na walang katulong.


Seryoso kaya si Kris Aquino sa kanyang sinabi na balak niyang manirahan sa ibang bansa, kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby?

Sa episode ng Kris TV ng ABS-CBN ngayong araw, June 8, biglaan na lang ikinuwento ng Queen of All Media sa guest nitong si Karla Estrada na sa Amerika na sila titira sa 2016.

Sabi ni Kris sa ina ni Daniel Padilla: “Wala na ako dito next year, Mare. I’ll live in America.

“Gusto ko talagang tumira sa States ng one year para ma-experience ni Bimb.

“Gusto ko lang ma-experience ni Bimb ang mag-ano… kasi sinabi ko sa kanya, feeling ko na naging mas rounded akong individual kasi nag-aral ako abroad and natuto ako lahat ng gawain for myself.

“Gusto ko talaga ma-experience niya. Mag-school bus, yung bus stop lalakad siya.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang paninirahan nilang mag-anak sa Boston, Massachusetts, noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos, na kalaban sa pulitika ng ama ni Kris na si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Kris, “Kaya nga nagugulat kayo, ang galing ko mag-washing machine.”

Sinabihan naman siya ni Karla na baka hindi niya kakayanin.

Sagot ni Kris: “Kinaya ko dati, Mare. Those were the happiest days of my life.”

Pero natatawang dugtong niya, “Tapos, pag after three months hindi na kaya, umuwi na!”


“EVERY PAYCHECK COUNTS.” Samantala, kasalukuyang nasa Japan sina Kris, Joshua, at Bimby.

Ito ang ipinangakong bakasyon ng TV host-actress sa kanyang panganay na anak, na nagdiwang ng kanyang ika-20 kaarawan.

Mula sa magagandang tanawin na kanilang pinapasyalan hanggang sa kanilang matching outfits ay updated ang followers ni Kris sa Instagram.

Pero sa isang post ay tila nagparinig si Kris sa ABS-CBN tungkol sa hindi pa raw bayad na “portion buys” niya sa Kris TV ng isang coffee brand.

Ayon sa kanyang post: “This post is lovingly dedicated to @jiggycruz, who was promoted to AVP!

“I love the variety of Nescafe here in Japan! And for you I'm posting & I'm praying I'll soon be paid for the @kristvofficial_ig Nescafe portion buys w/c aired more than 2 months ago😂

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sorry, building our home so every paycheck counts😇 I'm sure Nestle paid ABS, so sa kanila ko nagpaparinig. 😘 GOOD NIGHT. ❤️❤️❤️”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close