MTRCB summons ABS-CBN execs due to use of foul language in Pangako Sa ‘Yo

Nakatakdang magharap ang MTRCB at ilang ABS-CBN executives bukas, June 9, para sa isang mandatory conference. Kaugnay ito ng violation sa eksena nina Pilar Pilapil at Ian Veneracion mula sa May 29 episode ng primetime series na Pangako Sa ’Yo


Nahaharap ang ABS-CBN sa isang reklamo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo, na wala pa mang dalawang linggong umeere.

Ang Pangako Sa 'Yo ay tinatampukan ng tambalng Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon sa ipinadalang sulat ng MTRCB sa ilang top executives ng ABS-CBN, na may petsang June 4, nakarating sa regulation board ang tungkol sa paggamit ng sekswal na salita sa isang eksena mula sa May 29 episode ng Pangako Sa ‘Yo.

Ang natukoy na eksena ay ang mainit na kumprontasyon sa pagitan ng mag-inang sina Doña Benita Buenevista at Eduardo, na ginagampanan nina Pilar Pilapil at Ian Veneracion.

Sa gitna ng alitan ng mag-ina ay nakapagbitiw ang karakter ni Pilar ng mga salitang hindi raw angkop sa mga batang manonood ng programa.

Sabi ng karakter ni Pilapil patungkol sa pakikipagrelasyon ng karakter ni Ian sa ibang babae, gayong nakatakda na itong ikasal: "Kung pampalipas libog lang iyan, that's okay. Go ahead.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umpisa pa lang ng May 29 episode ng Pangako Sa 'Yo, na umeere tuwing 8:30 P.M. sa Kapamilya primetime block, ay mapapanood na ang naturang eksena.

Kabilang sa mga pinadalhan ng sulat ng MTRCB ay sina TV Production Entertainment Head Laurenti Dyogi, Business Unit Heads Malou Santos at Des Tanwangco, executive producer Sabrina Prince, production manager Myleen Ongkiko, directors Dado Lomibao at Rory Quintos.

Paliwanag pa sa sulat na pirmado ni MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal, ang tinuran ng karakter ni Pilar ay nagpapahiwatig ng maling konotasyon tungkol sa sex, mababang pagtingin sa kababaihan, at pagsasawalang-bahala ng pagiging sagrado ng kasal.

“The above-quoted strong language in regard to sex and the insinuation that it is okay to use a woman for the mere purpose of satisfying one's fleshly desires even if he is already engaged to marry another woman, are obviously meant for a mature audience.

“The scene, if left unexplained, also cuts into the dignity of the woman and the integrity of an impending marriage—which is a protected institution.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod nito, ipinatawag ng MTRCB ang ilang top executives ng ABS-CBN para sa isang “mandatory conference,” Martes ng umaga, June 9.

Ito ay upang siguruhing nananatiling tapat at desidido ang ABS-CBN sa pagpapatupad ng “self-regulation” at “restraint” sa mga ipinapalabas na programa ng Kapamilya network.

Alinsunod sa probisyon ng Section 3a ng Presidential Decree 1986 o Implementing Rules and Regulations ng MTRCB at iba pang memorandum circulars ng regulation board.

Sabi pa sa huling bahagi ng summons letter ng MTRCB: “This shall be without prejudice to such remedial measures that the Board may require or impose to protect the well-being of the young audience.”

Huling napatawag ang ABS-CBN ng MTRCB nang humarap sa hiwalay na reklamo si Vice Ganda sanhi ng “offensive and degrading scenes” at “use of sexual overtones” sa Gandang Gabi Vice at It’s Showtime noong August 2014.

Read: Vice Ganda gets into trouble with the MTRCB because of complaints against his ABS-CBN shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close