Ai-Ai delas Alas wants to work with Tom Rodriguez, Carla Abellana, Dennis Trillo, and Dingdong Dantes

Ai-Ai delas Alas reveals her advice to the young stars of GMA-7: "...always be humble and thankful. The more na sumikat sila, the more na maging humble pa sila and magpasalamat sa lahat ng meron sila."


Unang beses nina Ai-Ai delas Alas at ng anak niyang si Sancho delas Alas na nagsama sa isang episode ng Magpakailanmankamakailan.

At sa pamamagitan ng email ay nakausap namin si Ai-Ai kanina, June 9, tungkol dito.

Kumusta at ano ang pakiramdam na nakatrabaho niya ang anak?

“Natutuwa ako kasi dream ni Sancho mag-artista at dream niyang makasama ako sa isang project.

“So ayun...na natupad na and I am happy for him,” umpisang pahayag ni Ai-Ai.

May mga eksena ba sila na nahirapan si Ai-Ai? O nahirapan si Sancho? Paano na-handle iyon ng mag-ina?

“Siyempre medyo hirap pa si Sancho kasi umpisa pa lang niya na mag-artista. But nung nandun na siya, okay naman, professional at marunong umarte.

“Madami pa siyang dapat matutunan and ang maganda sa kanya, willing siyang matuto at galingan at karirin ang pag-aartista niya.”

Humihingi ba ng tips kay Ai-Ai si Sancho o kusa niya itong binibigyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo humihingi siya.

“And bilang 'mommyger' at anak ko siya, sobrang inaalalayan ko siya, and niloloko nga nila ako na stage mother daw ako kasi, ‘Sancho ganito, ha... Sancho ganyan…’

“Ang dami ko sinasabi,” at tumawa si Ai Ai.

Ano ang best advice niya kay Sancho?

“Ang advice ko sa kanya gumalang sa mga senior stars.

“Galingan niya. Isapuso ang pag-arte at ipakilala ang sarili niya tuwing pupunta siya sa trabaho kasi huwag niya ia-assume na kilala siya ng lahat ng katrabaho niya.

“Dapat i-introduce niya sarili niya at makisama sa lahat ng mga katrabaho niya.

“Maging mabait siya parati.”

Ano naman ang best advice ni Sancho kay Ai-Ai?

“’Just be happy mommy!’

“Pag masaya ako masaya sila.”

YOUNG STARS OF GMA. Tinanong naman namin si Ai-Ai kung ano ang masasabi niya sa mga young stars ngayon tulad nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Kasama ni Ai-Ai (bilang si Jeni) sina Ruru (as Erick) at Gabbi (as Pia) sa GMA drama series na Let The Love Begin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ruru, napakahusay na bata at malayo ang mararating niya sa showbiz.

“Si Gabbi ganun din at napakagandang bata!

“Sabi ko sa kanila pag may bashers sila huwag pansinin, maging mabait parati at humble. Parating magpasalamat sa mga fans at sa DIYOS sa ibinigay sa kanila.

“At pag dumating ang panahon nila sa sobrang pagsikat, always be humble and thankful. The more na sumikat sila, the more na maging humble pa sila and magpasalamat sa lahat ng meron sila.”


LOOKING FORWARD. Kung may isang artista sa GMA na gustung-gustong makatrabaho ni Ai-Ai, sino iyon at bakit?

Hindi lang isang pangalan ang binanggit ng Comedy Queen.

“Sina Tom [Rodriguez] and Carla [Abellana]. Hindi ko pa sila naka-work.

“Si Dennis Trillo siyempre hindi ko pa din nakaka-work.

“At si Dingdong Dantes, ang asawa ng aking kambal!”

Matalik na magkaibigan at “kambal” ang tawagan nina Ai-Ai at Marian Rivera.

Kung nagkataon bang hindi bumalik sa GMA si Ai-Ai ay sa ABS-CBN mag-aartista si Sancho? O sa GMA talaga siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas nauna si Sancho sa GMA ngayon, kasi nung pumirma si Sancho [sa GMA], nasa ABS pa ako.”

Matutuloy na ba ang talk show nila nina Marian Rivera at Regine Velasquez?

“Yes matutuloy!

“Pero hindi ko sure kung kasama pa si Ate Regine, pero definitely, kami ni Marian magkasama.”

Kung ide-describe ni Ai Ai ang sarili niya ngayon, ano at bakit?

“Blessed and contented.

“Sa dami ng blessings ko na dumarating, pagpapasalamat na lang sa DIYOS ANG GAGAWIN KO AND BE HAPPY AND CONTENTED KUNG ANO ANG MERON AKO NGAYON.

“TO GOD BE THE GLORY!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close