Daniel Matsunaga irked by blind item claiming Erich Gonzales became close to his family because she’s generous

Ilang taon daw nag-antay si Daniel Matsunaga ng babaeng may takot sa Diyos at mapagmahal sa pamilya. Kaya naman maligayang-maligaya raw ito kay Erich Gonzales na nakitaan niya ng mga ugaling hinahanap niya sa gusto niyang maging nobya.


Wala raw talaga sa plano nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na aminin sa publiko ang kanilang relasyon nang mag-guest ang dalawa sa Kapamilya: Deal or No Deal.

Naipangako raw kasi nila na sa Kris TV ni Kris Aquino sila mag-aanunsiyo.

Kaya naman, hindi rin bigay-todong makapagkomento ang Brapanese model-turned-actor tungkol sa relasyon nila ni Erich.

Panimula ng 25-year-old star, “I’ve been waiting three years back for a good relationship, a God’s relationship.

“We’ll, we promised Kris TV that we will do everything in Kris TV muna. So siguro abangan niyo dun sa Kris TV.”

Nitong nakaraang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono, sinabi nitong sa May 22 episode ng show ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris sila aamin.

Pero hindi ito natuloy.

Read: Daniel Matsunaga to confirm real score with Erich Gonzales on Kris TV?

Tanong ng media kay Daniel: Bakit nga ba siya nadulas sa Kapamilya: Deal or No Deal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang banggit niya, “Parang we didn’t really expect na matanong ako so yun. We promised it to Kris po.”

Read: Daniel Matsunaga ends speculations about relationship with Erich Gonzales: 'Yes, she's my girlfriend now."

Anong qualities ang nagustuhan niya sa 24-year-old Kapamilya actress na si Erich?

Kinikilig nitong tugon, “Bakit si Erich? Super ganda at mabait.

“And siguro she has the qualities po na gusto ko sa isang babae ‘di ba? God-fearing, [may] puso sa family.”

Nakausap ng PEP at iba pang media si Daniel sa presscon ng Dreamboys, ang nalalapit na concert nila ni JC de Vera at Matteo Guidicelli sa darating na July 11, sa Music Museum.



BLIND ITEM. Kahapon, June 8, may lumabas na blind item na kaya raw mabilis na napalapit sa pamilya ni Daniel si Erich dahil generous daw at bumibili ito ng mamahaling bagay para sa kanyang ina at kapatid.

Hindi nagustuhan ni Daniel ang naturang blind item.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento nito, “Well, Yesterday, I saw this blind item. Lahat ng mga blind items na ‘yan ay super fake, e.

"Hindi po totoo. Where are they getting all these things?

“All these comments. So whatever it is, it’s pretty bad, e. Alam mo, it’s not even coming from us or anything, and they tend to make stories to make others believe those stories. Pero, talagang it really [did] not come from us.”

Muli ring nilinaw ng PBB All In big winner na hindi siya ang dahilan ng breakup ni Erich at ng non-showbiz boyfriend nito. Pumasok daw siya sa buhay ng dalagang tubong-Davao nung naghiwalay na ang dalawa.

“Yes po. Hindi ako,” pagtatapos pa ni Daniel.

Abangan na lang daw ang iba pa nilang rebelasyon sa Kris TV dahil naipangako raw talaga nila ni Erich kay Kris ang buong detalye ng kanilang relasyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close