LJ Reyes on reported breakup with JC de Vera: "...things will never blossom if it is not God’s plan."

Nagkaroon ba ng relasyon sina LJ Reyes at JC De Vera? Sa isang report sa tabloid, sinabing inamin ni LJ na naging sila. Pero sa exclusive interview naman niya sa PEP, ang sagot ng aktres, "There was a never a breakup."


Sa pamamagitan ng text messaging ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)si LJ Reyes kahapon, June 8.

Nitong nakaraang linggo kasi ay ilang artikulo ang naglabasan na sinasabing hiwalay na raw silang dalawa ng Kapamilya star na si JC de Vera.

January 2015 nang aminin ni JC na nagdi-date sila ni LJ.

Pero pagkatapos nun ay halos wala ng balita tungkol sa dalawa. Ni hindi nagbigay-kumpirmasyon si LJ kung naging sila nga ni JC.

Hanggang sa sunud-sunod na nagkaroon ng “emo” (emote) posts si LJ sa kanyang Instagram account.

Dahil dito, nagkaroon ng ispekulasyon ang ilan na patungkol ito sa relasyon nila ni JC at break na sila.


Natatawa naman si LJ nang diretsahang tanungin namin kung aware ba siya sa mga nasusulat at kung ano ang totoo sa isyung break na sila ni JC.

Sabi ni LJ, “There was never a breakup.

"Gaya ng lagi kong sinasabi, having Aki in my life, I will never enter into a relationship easily dahil kailangan sobrang careful ako sa taong ipapasok ko sa buhay ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do believe that God led me to a different path for a reason.”

MORE THAN FRIENDS? Sa kabila ng lahat ng mga naglalabasan, gusto raw paniwalaan ni LJ na magkaibigan pa rin naman silang dalawa.

“I would like to believe that we are friends still,” pahayag niya.

Ayon pa kay LJ, “Dahil yun naman talaga kami. Mas focused lang din ako sa maraming bagay.

“Honestly, I am focusing on my relationship with God, with Aki starting big school, busy sched at work plus a new business that I am putting up.”


Sabi namin kay LJ, umamin naman si JC na nanliligaw talaga kaya in-assume ng karamihan na nauwi ito sa isang opisyal na relasyon.

Diretsahan namin siyang tinanong kung ano ang nangyari, binasted ba niya ito o tumigil na lang sa panliligaw?

“Let’s just say that things will never blossom if it is not God’s plan,” ang maikli pero makahulugan niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOST DARING INDIE FILM. Sa isang banda, bukod sa panghapong serye niyang Yagit sa GMA-7, naging bahagi rin si LJ ng indie film noong isang taon, ang Anino Sa Likod ng Buwan, ni Jun Lana.

Isa ito sa official selection ng 50th Karlovy Vary International Film Festival Forum of Independents competition.

At ayon kay LJ, ang pelikulang ito raw ang pinaka-daring na ginawa niya.

Ang alam nga raw niya, kalahok ito sa tatlong International Film Festival abroad.

Ayon kay LJ, “I am very proud of this film.

"Actually ngayon, looking back, 'di ko alam paano ko nagawa yun,” natatawa niyang lahad.

“Siyempre with the help of Direk Jun and a lot of prayers and help also from the whole group.

"Wala pa akong balita kailan ang showing dito as we still have to attend to the different film fests we joined abroad.

“Super excited ako for this film.

“One of the most difficult material I ever did so far. Dugo at pawis talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close