Kobe Paras thanks dad Benjie Paras, coaches and teammates for triumph at 2015 FIBA Slam Dunk competition

“Unexpected talaga, kasi yung main goal ko talaga, makasama ko ang teammates ko, ang coaches ko. So, bonus lang po talaga yun. Saka kung wala po sila, hindi ko naman ‘to magagawa, e,” says Kobe Paras about his recent triumph as 2015 FIBA Slam Dunk champion.


Dumating na si Kobe Paras kasama ang teammates niya sa Philippine team na lumaban sa 2015 FIBA 3x3 U18 World Championships sa Debrecen, Hungary.

Si Kobe ang nagwagi sa Slam Dunk competition ng nasabing basketball world championships.

Read: WATCH: Kobe Paras defends his FIBA 3x3 Under-18 slam dunk title

Lulan ng KLM Flight 807, dumating ang grupo kahapon, June 9, ganap na 6:15 ng gabi. Sinamahan si Kobe ng ama niyang si Benjie Paras na proud sa bagong achievement ng kanyang anak.

“Of course, I’ve been always proud of him as a father,” mabilis na sagot ng aktor at dating sikat na basketbolista.

“Siyempre mas proud ako dahil nakikita ko na dinadala niya ang bandera ng Pilipinas, which is ginawa ko nung araw nung nakapag-serve ako sa national team.

Naging miyembro ng Philippine National Team for Basketball si Benjie na lumaban sa 1990 Asian Games.

“Ito yung sinasabi ko sa kanya tuwing tumatawag yung Philippines to ask for your help para sa national team, lagi kang babalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And pangalawa, napakasarap na mapakinggan na tinutugtog ang Pambansang Awit natin sa ibang bansa. Kapag nanalo kasi, yun ang pinapatugtog. Iyun ang nakakatuwa,” patuloy na kuwento ni Benjie.

Sabi naman ni Kobe, hindi raw niya makukuha ang championship sa Slam Dunk Competition kung wala ang suporta ng teammates niya.

Ang paglaban daw nila sa FIBA sa Hungary ay para raw talaga sa mga kasamahan niya sa Philippine team, hindi yung pagkapanalo niya sa Slam Dunk competition.

Hindi nga lang daw pinalad ang buong team dahil hindi sila nakapasok sa finals. Ngunit kahit papano nakabawi naman daw sila nang makuha niya uli ang championship sa Slam Dunk event.

“Unexpected talaga, kasi yung main goal ko talaga, makasama ko ang teammates ko, ang coaches ko. So, bonus lang po talaga yun. Saka kung wala po sila, hindi ko naman ‘to magagawa, e,” pahayag pa ng 17-year-old na basketball player.

Mahirap din daw ang pinagdaanan niya bago niya nakuha ang championship sa Slam Dunk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap po. Kasi ang competition ko talaga, magagaling, e.

“Kinausap ako ni Coach [John Flores], ni Daddy na kaya ko naman, kaya na-inspire naman po ako. Dahil sa tatlong ito, nanalo ako,” sagot ni Kobe kasama ang tatlo niyang teammates na masaya sa pagkapanalo niya.

Paulit-ulit niyang sinasabi na kaya niya napanalunan ang naturang competiton ay dahil sa mga kasamahan niya sa team na all-out ang suporta sa kanya.

TEAMMATES’ CONFIDENCE ON KOBE. Pero sinasabi rin ng mga ka-team niya na malaking bagay ang pagkapanalo ni Kobe dahil may naiuwi na naman daw silang karangalan para sa ating bansa.

Confident daw silang makukuha ni Kobe ang championship dahil defending champion daw ito at alam nilang kaya niyang talunin ang mga kalaban.

“Siya pa po kasi ang leader ng team naming,” sabi teammate ni Kobe na si Ricci Paolo Escoto ng La Salle Greenhills.

“Nung natalo nga kami, nung na-out kami sa 16 teams na nakapasok, siyempre lahat kami malungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kinausap na lang namin si Kobe na siya na lang ang magtayo ng bandila natin sa world. Siya na lang po kasi ang last opportunity para makapagbigay ng karangalan ulit sa Pilipinas,” natutuwang pahayag pa ni Ricci.

STALKED BY FANS. Ikinuwento na rin ng mga kasamahan ni Kobe na pinagkaguluhan daw siya roon ng fans.

Hindi raw mga Pinoy yun, kundi mga taga-roon na sinusundan pa raw sila sa tinutuluyan nilang hotel.

“Hindi ko naman po iniisip yun. Nag-focus lang po kami sa game, and we just had fun and seize the moment,” medyo nahihiyang sagot ni Kobe.

Pero sinasabi ng mga teammates niya na marami raw talagang fans doon si Kobe at nagkakagulo sila para makapag-picture sa kanya.

Nagpapasalamat na lang si Kobe na naging maganda rin ang huling pagsali niya sa FIBA, at nakasama pa raw niya ang mga kaibigan niya at dati niyang nakasama sa laro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat siya sa suporta ng lahat at masaya sa pagkapanalo niya sa Slam Dunk Competition.

“Itong panalo ko, para sa amin lahat, e. Hindi lang para sa akin, Ginawa ko ‘to para sa teammates ko, kasi gusto ko talaga, hindi dalhin ang pangalan ko, pero pangalan ng teammates ko at ng bansa natin,” saad pa ni Kobe.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close