Kris Bernal, Aljur Abrenica reunite in Karelasyon episode: "Alam ko na maraming AlKris fans na naghihintay sa amin."

Kris Bernal is finally realizing her dream of giving her close-knit family a new home with swimming pool after years of being tightwad with her earnings.


Nagpaplano nang magpagawa ng kanyang dream house si Kris Bernal. Matagal na umano niya itong wish para sa kanyang pamilya na finally ay matutupad na.

“Sa Quezon City pa rin ko gusto itong ipatayo kasi dito talaga ang home namin, e,” sabi ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars.

“Kung gaano kalaki yung kuwarto ko, gano’n din kalaki yung sa mga kapatid ko kasi mga babae din naman sila.

“Siyempre ang mommy ko, dream niya talaga yung pool, so ibibigay ko ‘yon sa kanya.”

BAG HAGS. Ipinagmamalaki ni Kris ang kanyang close-knit family. Lalo raw silang magkakapatid na paboritong bonding ang pamimili ng bags.

“Basta nagustuhan naming tatlo, nagsi-share-share kami.

“Kumbaga kapag may nag-disapprove sa isang bag, hindi bibilhin.

“Kasi lahat dapat gusto dahil hindi naman biro yung ilalabas na pera, e.

“So talagang dapat approved sa lahat yung bag na magagamit ng lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil nga sa pagkahilig nila ng sisters niya sa bags ay ginawa na nilang business ito.

Balita niya, “Yung sister kong si Kate, ngayon ginagawa na niyang business yung bags.

“Nagta-travel siya abroad, pumupunta siya ng Europe mga twice a year… namimili siya ng bags.

“Ang lalaking boxes ng mga bags talaga, ‘tapos ibinibenta niya rito.

“Siyempre, hindi naman ako puwedeng mag-travel nang bigla… sometimes tinutulungan ko siyang magbenta, ganyan.”

Aminado si Kris na kuripot siya at hindi siya basta-basta gumagastos o naglalabas ng pera.

Pero ano at magkano ang pinakamahal na bag na nabili niya?

“Yung Hermès, mga two hundred [thousand] plus.

“Sa ngayon, nasa mga forty bags na ang collection ko.

“Nagbabawas na ako kaya yung iba, gusto ko nang ibenta.”

WAITING. Kamakailan ay nag-taping sila ni Aljur Abrenica ng isang episode ng Karelasyon. Tuloy na rin kaya ang napapabalitang balik-tambalan nila sa isang soap?

“Hindi ko pa alam what will be my next show, I don’t know who will be my next leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman na ang GMA ay talagang naghahanda for me.

"Pero siyempre hindi naman lahat ng projects e para sa akin.

“Alam ko na iniisip din nila yung best na project para sa akin, so okey lang na naghihintay lang ako.

“Sana magkaroon nga ulit kami ng soap ni Aljur kasi alam ko na maraming AlKris fans na naghihintay sa amin.

“At si Aljur din, alam kong miss na miss nila dahil ang tagal din niyang nawala on TV.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close