ABS-CBN apologizes for use of foul language in Pangako Sa ’Yo; agrees to work closely with MTRCB

Pagkatapos ng pagpupulong sa pagitan ng MTRCB at ABS-CBN top executives, siniguro ng pamunuan ng network na magiging mas maingat sa pag-ere ng episodes ng Pangako Sa ’Yo na upang makaangkop sa mga batang manonood nito.


Pormal na humingi ng paumanhin ang pamunuan ng ABS-CBN dahil sa paggamit ng sekswal na sa salita sa May 29 episode ng Pangako Sa ‘Yo, ang primetime teleseryeng pinagbibidahan ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ay matapos na humarap sa isang pagpupulong ang mga ipinatawag na ABS-CBN top executives at mga opisyal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kahapon, June 9.

READ: MTRCB summons ABS-CBN execs due to use of foul language in Pangako Sa ‘Yo

“ABS-CBN apologizes for the strong language used in the May 29 episode of Pangako Sa ‘Yo.

“We recognize our responsibility to our viewers and we will work closely with the MTRCB to prevent it from happening again,” saad sa official statement ng ABS-CBN, base sa ipinadalang mensahe ni ABS-CBN Corporate Communications Head Kane Choa sa June 9 episode ng TV Patrol.

Nauna nang nailathala ang tungkol sa desisyon ng MTRCB na sumailalim ang Pangako Sa ‘Yo sa tatlong buwan na “probationary period" dahil sa paggamit ng mga maselang salita na hindi angkop sa mga batang manonood ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: MTRCB places Pangako Sa ‘Yo under “probationary period” after use of foul language in previous episode

Kaugnay nito, kinumpirma ni MTRCB Chairman Attorney Eugenio "Toto" Villareal ang tungkol sa paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa pag-ere ng maselang dayalogo sa pagitan ng mga karakter nina Pilar Pilapil at Ian Veneracion sa Pangako Sa ‘Yo.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Atty. Villareal hinggil dito: “There was admission by program reps that there was a lapse and apologized for it.

“They will submit by June 17 concrete steps to avoid repetition. Resolution will include action on such concrete steps.

“It will also include, as determined today, three months period of close collaboration and monitoring.

“Exercise of self regulation; and consult with MTRCB, if needed.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close