Nicco Manalo feels challenged by comedic roles: "Ang hirap magpatawa ng tao."

Nicco Manalo is also doing more projects for the Kapamilya network not to spite his dad, a Kapuso comedian Jose Manalo, "Nagkataon lang talaga... Dati ko pa naman gustong mag-work sa ABS."


Posibleng lumaban sa pagka-Best Actor si Nicco Manalo sa magaganap na awarding matapos ipalabas ang competing indie films sa Filipino New Cinema, ang film festival ng SM cinemas simula sa June 24 hanggang July 7.

Leading man at bida si Nicco sa Ang Mga Kuwento Nating Dalawa, isa sa walong indie films na kalahok sa filmfest.

Sino naman kaya ang nakikita niyang posibleng maging mahigpit niyang kalaban sa trophy kung sakali?

“Siguro sobra yung kay Joross Gamboa, sobra yung material at interesting yung production value.

“At saka, si Joross yun… isa sa mga idols ko ‘yan.

“Ngayon ngang kinamayan niya ako, medyo kinilig ako ng konti,” masayang pag-amin niya.

COMEDIC. Madalas napapanood ngayon si Nicco sa ilang programa ng ABS-CBN.

Ayon dito, “May tine-tape po akong serye ngayon, hindi ko alam kung nag-announce na sila about it.

“Excited ako run kasi comedic yung role, hindi naman yung comedy na comedy, character but comic relief ako run.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Challenging daw sa kanya ang pagpapatawa at natatawang dagdag pa niya, “Ang hirap magpatawa ng tao.”

Sinasabi niya bang hindi niya namana ang talento ng ama niya na si Jose Manalo sa pagpapatawa?

“Siguro yung humor namin, medyo pareho lang.

“Medyo sarcastic pero, I guess, mas nagli-lean ako towards sa ganung klase ng role.”

Wala naman siyang conscious effort na maging iba sa daddy niya?

“Wala, wala po… ako, I want to take it as a challenge na kaya kong gawin ang kahit anong role kung ipagkakatiwala sa akin.”

Hindi rin naman daw na dahil Kapuso ang ama niya ay sinadya niya na sa Kapamilya network ang mga projects niya.

“Hindi po, nagkataon lang talaga na yun ang napag-usapan namin ng Cornerstone [the management team handling him]… ang direction ng career kasi.

“Dati ko pa naman gustong mag-work sa ABS, interested akong makasama sa mga projects ng ABS.”

FAMILY ISSUES. Matagal-tagal na nga rin nasusulat na hindi sila okey ng daddy niya, kumusta na nga ba sila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May communication kami, pero we haven’t seen each other in a long time.”

Sa pamamagitan daw ng text messaging ang komunikasyon nilang mag-ama.

Kailan ba nagsimula muli ang komunikasyon nila? Dati kasi ay halos wala talaga silang kibuan.

“Meron din last year, two years ago na pasundut-sundot pero parang matagal na kaming hindi nagkikita.”

Mahirap ba na magkita sila?

“Well, parang mas nag-aalala ako sa mga kapatid ko, mas sila ang iniintindi ko.

“And being the eldest, yung mga kapatid ko, kasama ng mom ko, so mas dun ako lagi, nandun ang concern ko.”

Magiging isyu kung sakali at makikipagkita siya sa ama?

“Hindi ko naman alam, I can’t speak for them.

“Ayoko lang magkaroon ng possibility. Ayoko rin pumanig, e.

“What I’m working on is, kung paano maaayos, paano magkakasundo.

“Maaayos po in a sense na okey naman sila gayon, nagkakausap naman sila.

“Yung sine-settle nila sa court, I think, naayos naman nila. Hindi rin naman ako masyadong nakikialam dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kumbaga, yung usapan nilang dalawa, sa kanilang dalawa lang yun.”

Yung magkabalikan ang nanay at tatay niya?

“Parang hindi ko po nakikita yata,” natawang sabi niya.

DIFFERENT. Nagawa na rin tawirin ni Nicco ang teatro, indie at mainstream movies. At aminado ito na magkaiba raw talaga ang mundo ng teatro, indie at teleserye.

Sabi nga niya, “Magkaiba, e. The process itself is very different.

“In theater, you get to rehearse before you do it.

“Pero kapag TV, parang you read the script, minsan marami pang revision.

“Sometimes you don’t want to think about it too much kasi, yun na yun.

“It’s how you get in, yun ang gusto nilang ipakita…”

Sabi nga ni Nicco, malaking oportunidad na mabigyan siya ng ibang klaseng karakter sa Ang Mga Kuwento Nating Dalawa.

Hindi raw niya alam kung kailan muling darating sa kanya ang ganitong opportunity.

“Ang Kuwento Nating Dalawa is a love story,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It happens in a day na parang towards the end of the day, parang something big will happen.

“Si Emmanuelle Vera ang ka-partner ko rito, parang may big thing na mangyayari sa kanilang dalawa.

“Sa buong film ipapakita kung bakit puwede at bakit hindi puwede na maging sila.

“Teacher-student relationship po kasi and I’m the teacher,” lahad ni Nicco.

Sabi pa niya, “I think, what’s great about the movie, it challenges yung principles.

“Parang it’s about going on what you think is right and what’s right according to society, parang ganun.

“Parang yun ang tsina-challenge namin.”

Bakit puwede ang ganitong relationship?

Pakli niya,“Mahal niyo ang isa’t isa, pero iba ang dini-dictate ng society.”

Sa personal na paniniwala niya, dapat nga ba o hindi talaga puwede ang isang teacher-student relationship?

“Hmmm… para sa akin, siguro para hindi maapektuhan ang trabaho.

"But yes, it happened. It’s personal, wala siya sa work pero siguro, maraming nangyayari talagang ganun sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me nga, mas hindi ko pa matatanggap ang infidelity, cheating.

"Siguro, nanggagaling lang ako sa thought na it does happen.

"Hindi natin maitatago ang ganoong situwasyon, but iba yung sine-set ng society,” pahayag niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close