Gladys Reyes says it’s more fun working with friends: “Hindi kami ma-makeup-an, ang daldal namin! Hindi kami maawat.”

“Hindi importante na yung constant yung communication kasi imposible yun sa mga schedules ninyo. Pero yung foundation kasi ng friendship namin na sa sobrang lalim, hindi iyon puwedeng mabura ng hindi nyo lang pagkikita," Gladys Reyes says about her friendship with her fellow celebs Judy Ann Santos, Donita Rose, Angelu de Leon, Carmi Martin and Ai-Ai delas Alas.


Ikinatuwa ni Gladys Reyes na magkasama sila ni Donita Rose sa Let the Love Begin.

Sa naturang GMA drama series ay magkatulong sina Gladys as Katy Fairy at Donita as Celeste na “apihin at awayin” si Jeni na ginagampanan ni Ai-Ai delas Alas.

“Doble yung tuwa ko nung nalaman kong kasama ko siya sa soap!

“Unang-una, pangarap niya talaga na mag-soap at pangarap niyang magkontrabida.

“Kasi parang behind that pretty and sweet face, biglang maldita. Ang sama pala ng ugali.

“Ganun yung gusto niyang maging role at nakamit naman niya.

“Kaya tingnan mo, sabi ko, ‘Be careful what you wish for!’

“Pag meron kang gusto pag-pray mo, maging definite ka sa prayers mo, walang masama.

“Yung mga anak ko, alam nyo po yung mga gender ng mga anak ko... pinag-pray ko yun.

“’Ama, sana bigyan mo na ako ng baby boy!’ Binigay!

"‘This time kung hindi po kalabisan hilingin, sana baby girl.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibinigay naman! ‘Sana po, boy ulit kasi para po may kalaro yung aking panganay.’ Binigay na naman!”

Humihiling pa ba siya ng isa pang anak?

“Parang sarado na yung tindahan,” at tumawa si Gladys. “Parang mae-expire na yung matris ko.”

FOR THE SAKE OF FUN. Going back to Donita, isa si Gladys sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni Donita ang papel niya sa Let the Love Begin na pinakaunang drama series nito.

“Kasi nga parang iniisip namin na hindi lang ito work, this will be fun!

"Masayang magtrabaho nang masaya ka sa set.

"‘Tapos with Direk Gina [Alajar], I’ve worked with her as an actress, ha!

“Pero as a director, guesting-guesting lang dati, itong Let The Love Begin, first time ko sa kanya sa teleserye.

“Pero we worked together sa mga Judy Ann [Santos] teleserye, ganyan, and sobrang enjoy kami mag-work sa isa’t isa.

“First time ko to to work with Mark Anthony [Fernandez].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ate Ai, naka-work ko na siya sa ABS, pero short lang.”

Kaya sa pictorial at taping daw ng Let The Love Begin ay walang-humpay na tsikahan ang ginagawa nila.

“Hindi kami ma-makeup-an, ang daldal namin! Hindi kami maawat.”

Kaya nga sa kabila ng pagkasuklam sa kanya ng marami onscreen dahil nga kontrabida siya madalas, sa tunay na buhay ay mabuting kaibigan si Gladys.



LONGTIME FRIENDS. Maraming taon na raw niyang kaibigan sina Judy Ann, Angelu de Leon, Carmi Martin, Donita, at Ai-Ai kahit bihira silang magkita.

Sabi nga ni Gladys, “Hindi importante na yung constant yung communication kasi imposible yun sa mga schedules ninyo.

“Pero yung foundation kasi ng friendship namin na sa sobrang lalim, hindi iyon puwedeng mabura ng hindi nyo lang pagkikita.

"Like si Judy Ann, kahit ang tagal naming hindi nagkita, hindi kami nagkakailangan.

“Si Ate Ai, ang tagal naming hindi nagkita, ha!

“Although hindi naman kami yung talagang like kami ni Carmi and all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero 'pag nagkita kami, ang haba-haba-haba ng aming usapan at kuwentuhan.

"Mararamdaman mo naman kung sincere, lalo na in this industry, ang hirap ma-trace, 'di ba?

“Bibihira yung sincere talaga at consistent, iyon ang importante, yung consistency nung pagkakaibigan.

"Kahit hindi magkita, pero 'pag nagkita, nagkakaunawaan na.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close