Aiza Seguerra warns public about false advertising: "Babala sa iba na akala nila porke nagpa-picture sa kanila yung certain celebrity ay endorser na."

Kinumpirma ni Aiza Seguerra na humingi ng paumanhin sa kanya ang Emgoldex: "In fairness to them, yes [humingi ng tawad], the Dubai site."


Nilinaw na ni Aiza Seguerra ang tungkol sa false advertisement na inilabas ng Emgoldex, kung saan ay nagamit siya upang makapanghikayat ng mga magiging kliyente ang nabanggit online store.

Read: Aiza Seguerra slams Emgoldex for using him in its false advertisements

“This group sponsored our show in Dubai. After [the show], nagkaroon kami ng photo op.

"Then it was used by, parang yung group sa ibang bansa, to entice clients.

"Saying na I’m a client and a member. So sinabi ko sa kanila, and they did something about it."

Ayon pa kay Aiza, humingi naman daw ng paumanhin ang Emgoldex Dubai sa kanya.

“Sa pagkakaalam ko, kinausap nga ng producer namin, and the people from Dubai take care of it.

“In fairness to them, yes [humingi ng tawad], the Dubai site.

“Actually, hindi yung producer yung may fault, e.

“Yung nag-sponsor sa Dubai [Emgoldex], yun yung nag-apologize and they made a statement na they just sponsored the event and I am not connected with them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa ni Aiza para sa publiko: “Babala na lang din sa mga iba, na marami din talaga na akala nila porke nagpa-picture sa kanila yung certain celebrity, endorser.

“Kaya we are doing this out of good will na dahil 'andun kami e it’s because it’s part of our work, ‘di ba? So ‘wag lang nila abusuhin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Potal) at iba pang miyembro ng media si Aiza Seguerra sa press launch ng kanyang asawa na si Liza Diño-Seguerra bilang “Kitchen Queen” kaninang tanghali, June 10, sa Asian College, Quezon City.


MARRIED LIFE. Samantala, kinumusta naman ng PEP ang kanyang buhay may-asawa.

Masayang sagot ni Aiza, “Well, it’s good, it’s spectacular, fabulously amazing.

“Masaya kasi bukod sa mahal ko yung napangasawa ko, type ko siya.

“I think it’s a big thing that you really get along.

“Kumbaga, we didn’t get married for the wrong reasons. We love each other and enjoy each other’s company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang pini-feed namin yung passion ng isa’t isa.

"Siya sa trabaho, ako sa trabaho niya.”

Patawang sabi pa niya, “Masaya ako, hindi bruha yung asawa ko.”

Nang tanungin din si Aiza kung may balak na ba sila ni Liza na magkaanak, ang sagot niya, “Siyempre sobrang excited nga kami, pero wala, e. So, next year."

“May plan kami for IVF [in vitro fertilization].”

Ang IVF ay ang pagbubuo ng fertilized egg sa pamamagitan ng pagkuha ng egg cells mula sa ovary ng babae, kasama ang sperm ng lalaki, para ma-fertilize sa laboratory.

Ayon naman kay Liza, gusto na raw nila magkaanak ngunit kailangan pa nila makapag-ipun-ipon dahil nga may kamahalan ang proseso ng IVF.

“It’s really in our plan.

“Kumbaga, kasama siya sa priority namin and of course, we are not getting any younger. So, as much as possible we would love to have.

“Kaya lang it really costs money kaya in time. Hopefully, early next year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binabalak na rin nilang mag-asawa na lumipat sa bago nilang tahanan sa susunod na linggo.

"'Eto na, I think next week, we are moving na.

"It's a bigger place. We are excited kasi it's our home and something na we can call ours."

At ang design ng kanilang bahay ay "Rustic, pero yung mga materials namin e very pinoy pa din.

"And then yung third floor ng bahay, we are planning na studio for Aiza when he is recording.

"Ako naman may dance studio. So dun kami excited kasi pareho namin magagawa mga gusto namin," patuloy ni Liza.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close