Manny Pacquiao places 2nd in World’s Highest-Paid Athlete this 2015

From Number 11, Manny Pacquiao jumps to 2nd spot in Forbes’ World’s Highest-Paid Athlete in 2015.


Pangalawa si Manny Pacquiao bilang World’s Highest-paid Athlete ngayong 2015, ayon sa Forbes.

Ayon sa website ng Forbes, umaabot sa $148 million ang salary/winnings ng Pambansang Kamao samantalang $12 million naman ang mula sa kanyang endorsements.

Malaking talon ito mula sa pagiging Number 11 niya sa listahan noong 2014.

Ayon pa sa ulat, ang P125 million na bayad kay Pacquiao sa laban nila ng American boxer na si Floyd Mayweather ay apat na beses na mas mataas sa nakuha niya sa previous fight.

Kabilang din sa nasabing earning ni Pacquiao ngayong taon ang $23 million na bayad sa kanya sa naging laban nila ni Chris Algieri noong November 2014.

Lalo pang lumaki ang kita ni Pacquiao dahil sa bilang ng kanyang mga endorsements sa loob at labas ng Pilipinas.

Samantala, nasa top spot naman ng nasabing list si Mayweather, ang nakalaban ni Pacquiao sa sinasabing Fight of the Century.

Ang salary/winnings ni Mayweather ay umabot ng $285 million samantalang $15 million naman ang inabot ng kanyang kita niya mula sa kanyang endorsements.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mayweather din ang nasa number 1 spot ng Forbes World’s Highest-Paid Athlete noong nakaraang taon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close